Chapter 19

28 3 2
                                    

Frayne POV's

Pagdating namin ni Simon sa Levanter Café akala namin ay nandoon na sila pero wala pa. Anong oras na? 9:45 may 15 minutes pa sila, puro chat sa gc tapos di makakaabot sa tamang oras. Aminin niyo may mga kaklase kayo na ang gagaling mag set ng oras, ang gagaling umoo tapos pag kaorasan na late sila o sasabihin na hindi sila makakadating.

Pumasok na lang kami sa café at doon naghintay. Hindi naman pwede na hindi kami umorder baka sabihin pa nila ay nakikiwifi lang kami dito. Nag volunteer si Simon na siya na ang oorder and guess what libre niya din. Lubusin na natin ang pagiging anghel niya mahirap na baka biglang maumpog tapos bawiin diba.

Nakatingin lang ako sa kaniya habang umuorder siya. Ngiting ngiti naman ang babae na kausap niya at ito namang si Simon na napakalandi ay nakangiti din tapos lumingon pa sakin. Tinaasan ko lang naman siya ng kilay, tapos tumawa naman siya at humarap sa babae. Oorder lang at lahat may pa kwentuhan pa, kasama ba sa trabaho nila iyon. Nang makita kong papalapit na sakin si Simon daladala ang inorder niya sa haliparot na babae, umayos na ako ng upo.

"Kamusta naman ang small talk niyo ng babaeng iyon? Nakaka enjoy ba, ang saya saya mo eh" sarcastic na tanong ko sa kaniya, napatawa naman siya sa sinabi ko.

Umupo siya sa tapat ko, tapos bigla namang dumating ang babae na kausap niya kanina. Napairap naman ako sa kaniya, hindi naman ako maldita pero ang lakas kasing makapag sabi nitong kasama ko na don't worry I will protect you tapos manlalandi bigla. Hindi naman sa sinasabi ko na may gusto siya sakin pero, ewan ko! Naguguluhan din ako sa pinupunto ko.

"Ma'am here's your flower" sabi naman niya pagkalapit sakin. Ha? Flowers? Saan naman niya pinitas iyon?

"Para sakin?" tanong ko sa kaniya bago abutin ang bulaklak

"Ang swerte niyo naman po sa boyfriend niyo, ang sweet po kasi. Sige po babalik na ako doon, enjoy your date" nakangiting pagpapaalam nito sakin. Boyfriend? Napatingin naman ako kay Simon na todo ngiti sakin.

"Wala man lang thank you?" Tanong niya

Kahit hindi ko alam kung ano ang mga nangyayari nginitian ko pa din siya "Thank you, pero para saan naman ito?Tsaka boyfriend? Date?"

"If stare could kill someone, siguro patay na kami kanina dahil sa titig mo" he joked, so? Kaya siya tawa ng tawa kanina dahil masama na ang mukha ko? "Tinanong niya ako kanina kung gusto ko daw kumuha ng bulaklak para sayo, then I said yes cause why not? Mukha naman tayong couple" he added

Nagblush naman ako dahil sa sinabi niya, ito namang si ate ghorl akala ko naglalandian sila.

"Mukha kang kamatis" sabi niya sakin, siguro dahil namumula ako kaya naman iniharang ko ang bulaklak sa mukha ko.  Nadinig ko naman  na napatawa  siya ng mahina. "You look cute"

Pagkasabi niya non ay tiningnan ko siya at nakita kong hawak niya ang cellphone niya at kinukuhanan ako ng picture. Nakita ko din kung pano siya ngumiti habang tinitingnan ang picture ko.

"AH KRU KRU KRU KRU~ LOVE BIRDS!"

"KAYA NAMAN PALA AYAW MGA MAG REPLY! NAG DATE NA AGAD!"

"MAY PA FLOWERS ANG SWEET NAMAN NI BABY"

"DUMADAMOVES SI MASTER"

"SIRAYNE LANG ANG MAGLALAYAG"

Napalingon kami sa mga kaibigan namin na sunod sunod na pumasok sa café at papalapit sa pwesto namin. Hinahampas pa ako ni Jewel, pag kakita sa bulaklak.

"Its not baby, its WIFEY" paglilinaw ni Simon na mas nag paingay sa kanila. Talagang isinama niya pa iyon, wow ha.

"Papalit palit ng callsign baka pati babae papalit palit din ha" pag paparinig ni Jewel na ikinatawa naman namin. "Grabe Frayne ha, dumaan kami sa inyo tapos malalaman namin kay tita na sinundo ka pala ni Simon"

Catching Fireflies [COMPLETED]Where stories live. Discover now