Chapter 1

118K 1.6K 329
                                    

COUNTER PLAY

Chapter 1

He cursed silently for the nth time. Kaninang umaga pa siya nagsabi kay Karen tungkol sa washing machine pero mag aalas sinco na ng hapon ay hindi pa rin dumarating. Ayon din kay Karen ay nasa byahe na raw ang mag d-deliver ng washing machine, kaya't nasaan na ang mag d -deliver?

Buhat niya ang anak na si TJ at tinitigan ang lintik na washing machine.

His newest nemesis. The washing machine.

Kung bakit napakaraming buton ng lintik na makina?

Why did I bother doing the laundry? I haven’t done the laundry my entire life.

Because you’re trying to please her.

He cursed again.

Naglikot naman ang anak niya sa braso niya pero nanatili itong tahimik lang.

“Anak, matulog ka kaya muna? Liligpitin ko pa itong kalat na ginawa ko. Imbes na matuwa sa akin ang Nanay mo ay mas lalo na akong hindi papansinin n’on.” Sabi niya sa anak at tila nakakaintindi ito dahil humagikhik ito at muling naglikot sa braso niya. “'Nak, sabi ko matulog ka muna, hindi maglikot.”

Tumunog ang doorbell at napahinga siya ng malalim. Sa wakas ay dumating na rin ang washing machine.

“What the fuck?” Nasambit niya dahil ang nasa harap ng pinto ay si Devlin at si Wesley.

“Hey man, nice seeing you too.” Si Devlin at parehong nakangisi sa kanya ang dalawa.

“Kaya ka palaging absent ay dahil nag aalaga ka ng anak mo? That’s nice. Hindi ko inexpect na hands on ka pa lang mag alaga.” Si Wesley naman.

Humagikhik naman ang anak niya at mukhang natutuwa dahil may bisita sila. Bisitang mga bwiset.

“Hey there, little Tom.” Muling humagikhik ang anak niya sa bati ni Devlin.

“Anong ginagawa niyo rito?” Tanong niya.

“May order ka raw kaya dala namin ang bago mong washing machine. Kanino palang bahay ‘to?”

“Bakit kayo ang nagdala? Kay Karen ako nag message.” Tanong niya imbes na sagutin ang tanong din ng mga ito.

Lumawak lamang lalo ang ngiti ng dalawa niyang kaibigan.

“Well, saan namin ilalagay itong washing machine mo?”

“Ipasok niyo rito sa loob, alisin niyo rin ang mga sapatos niyo, dapat laging malinis dito sa bahay.” Sagot niya at nilakihan ang bukas ng pinto.

“Kanino bang bahay ‘to at sino ang nasa malaki mong bahay sa siyudad? Sayang naman ang bahay mo r'on.”

“Ang dami niyong tanong, ipasok niyo na lang ang washing machine at umalis na rin kayo agad.”

“I don’t think little Tom would like us to go. Right, little Tom?”

Napapikit siya nang muling humagikhik ang anak niya. Ngayong mag aanim na buwan na ito ay mas kumukulit na ang anak niya. Behave pa rin naman ito gaya noon pero dahil nga lumalaki na ay mas lumalawak ang curiosity nito at dumarami na rin ang activities.

“P’re, gusto kami ng anak mo.”

“Ipasok na lang ninyo ang washing machine.” Sabi niyang muli.

“Saan naming ito ilalagay?” Tanong ni Devlin.

“D’yan sa ikalawang pinto sa kaliwa.”

Counter PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon