COUNTER PLAY
Chapter 3
“Pupunta akong supermarket.” Sabi ni Hannah nang sumilip ito sa laundry room. Tumayo siya at lumakad papalapit dito. Hindi naman nakaligtas sa paningin niya ang pag atras ni Hannah.
“Sasamahan kita, I’ll drive you there.”
Please, let me.
“H’wag na.”
Of course she’ll refuse.
“Pwede ko namang iwanan muna sa’yo si TJ. He’s sleepy kaya mas mabuti na dito na lang kayo sa bahay. Kaunti lang pati ang bibilhin ko.”
“Okay.” Simpleng sagot niya at kinuha si TJ mula kay Hannah.
“I’ll be quick.”
“Aalis ka na?” Tanong niya rito nang tumalikod na ito sa kanya. Kasunod naman siyang lumakad nito papunta sa dining area kung saan nito dinampot ang purse.
“Yes.” Sagot nito.
“Okay.”
Nakasunod pa rin siya rito nang lumabas ito ng bahay at tinanaw niya ito hanggang makalayo.
“Talagang malamig ang nanay mo, ‘nak.”
Humikab ang anak niya bilang sagot sa kanya. Napangiti na lang siya dahil dito at inayos ang pwesto nito sa braso niya at lumakad sa loob ng kabahayan dahil mas nakakatulog itong kaagad kapag kumikilos ang may buhat.
Makalipas ang tatlumpong minuto ay narinig niya ang pagkulog mula sa labas. Nang sumilip siya sa labas ay madilim ang kalangitan. Naisip niya si Hannah, wala itong dalang payong. Muling kumulog at naging kasunod na nga ang malaking patak ng ulan. Dahil nag commute ito ay lalakarin nito mula sa gate ng village hanggang sa makarating sa street ng bahay kaya’t tiyak na mababasa ito mamaya.
Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at idinial ang number ni Hannah. Sumagot ito matapos ang tatlong ring.
“May emergency ba?” Tanong agad nito. Ni hindi man lang siya binati.
“No, wala naman pero malakas ang ulan. Nasaan ka na?”
“Nasa supermarket pa.”
“Pupuntahan ka namin ni TJ, malakas ang ulan mahihirapan ka sa pag c -commute pauwi.”
“Gising na ba si TJ?”
“Hindi pa, natutulog pa siya pero ihahanda ko na lang ang mga gamit niya. Susunduin ka na naming dahil parang matagal pa bago tumila ang ulan.”
“Okay.” Sagot ni Hannah at lihim niyang nagdiwang. He’ll count it as a success.
“Great, I’ll see you there.”
Mabilis niyang inihanda ang mga gamit ni TJ at isinakay iyon sa sasakyan. Water – check, milk – check, diapers – check, extra clothes – check, wet wipes and tissue – check, towel – check, shoes – check. Sa supermarket sila pupunta at kung may nakalimutan man siya ay mabibili niya iyon doon.
Isinakay na niya sa likod ng sasakyan si TJ sa car seat nito na ipinasadya pa niya. Walang kamalay malay ang anak niyang natutulog at may pacifier sa bibig na lalabas na silang mag ama para pumunta sa supermarket.
TJ likes being outside, and he is going to show him the world.
-
Nang maiparada niya ang sasakyan ay inayos niya ang baby carrier sa katawan niya at maingat na inilagay doon si TJ na hanggang ngayon ay natutulog pa rin.