COUNTER PLAY
Chapter 9
Alas onse y media na nang makatulog si TJ sa bisig niya. Inilagay niya sa crib si TJ at lumabas sa living room.
“Use the spare room, nilagyan ko ng bagong sheet yung bed.” Sabi ni Hannah sa kanya.
“Thanks.”
“Good night.” Saad nito.
“Good night, Hannah.” Tumango naman ito sa kanya bago pumasok na sa kwarto.
Kinuha naman muna niya ang laptop at naupo sa dining area. He needs to read some cases.
-
“Hey, it’s late. What are you doing?” Napaangat siya ng tingin kay Hannah dahil nagsalita ito sa likuran niya.
“Just reading some cases.” Sagot niya at inalis ang suot niyang reading glasses.
“Don’t you know what time it is?” Tanong ni Hannah sa kanya at napatitig na lamang siya rito dahil ipinatong nito ang tasa ng tsaa sa gilid ng laptop niya.
“Thanks.” Saad niya.
Damn, she made me tea.
“It’s two in the morning.” Sabi nito at hinila ang upuan sa tabi niya para maupo roon. May tsaa rin itong dala para sa sarili. Nang tumingin siya sa relo ay nakita niyang limuto na ang nakalipas ang alas dos. Hindi man lamang niya napansin na lumabas si Hannah ng kwarto at naipaggawa na siya ng tsaa.
“I’m sorry, did I wake you?” Tanong niya kay Hannah.
“Not really, I checked on TJ then nakita ko na may ilaw rito sa dining.”
“Hindi ko napansin ang oras.” Sabi niya at humigop ng tsaa.
“Matagal ka pang matatapos?” Tanong ni Hannah sa kanya. She crossed her legs, and leaned on the chair. Nakapaling ito sa kanya at hindi niya maiwasan ang pagkalat ng init sa dibdib niya. Ngayon na lamang ulit siya binigyang pansin ni Hannah na wala si TJ.
Hindi pa ito nagbibihis, she's still wearing her red printed dress. Tiyak siyang nagbasa pa rin ito sa loob ng kwarto.
“Tapos na ako, pero mas tumagal ako sa pagtingin ng college plan for TJ.” Pag amin niya kay Hannah at sumilay ang munting ngiti sa labi nito.
“Typical, Tom.” She said under her breath. That made him grin.
“I heard you.”
“Right, so anong college plan ang nakita mo?” Tanong sa kanya ni Hannah, clearly brushing his comment off.
“Marami namang maganda, but I want the best so Cosmos can choose whatever career he wants to pursue in the future.”
Tumango si Hannah at uminom din mula sa tasa nito.
“What if he wants to be a musician?” Tanong ni Hannah sa kanya.
“Walang problema sa’kin, susuportahan ko siya. If he wants to be any kind of artist, okay lang. As long as he is happy.” Sagot niya.
“I agree. As long as he is happy.”
Tumango siya kay Hannah at pareho silang uminom ng tsaa.
“Tom?”
“Yes?”
“Let’s not be the kind of parents who suppress their child’s passion. Hayaan natin si TJ na maging kung anuman ang gusto niya. If the society judge him, we will have his back. As long as he is happy and a compassionate person, we will be there every step of the way. We will celebrate his achievements, no matter how small they are, at the same time we will discipline him and teach him manners. Tuturuan natin siyang maging mabuting tao.”