Chapter 15

26.6K 866 112
                                    

COUNTER PLAY

Chapter 15

“Thomas!” Sita nito sa kanya at humampas muli sa hita niya ang kamay ni Hannah.

“What?” Painosenteng tanong niya at siya naman ang pumaling sa kabilang direksyon.

“Don’t do that again.” Saad nito.

“Or what?” Hamon niya.

“There’s no “or”, but I want you to respect my decision. I told you not to do that again, inaasahan kong makikinig ka.” Sabi ni Hannah sa kanya at hindi niya naiwasan ang paglabi. Ginagamit ni Hannah ang salitang respect sa kanya, wala siyang panama doon.

“But I want to kiss you, Hannah. You are so beautiful and I’ve been dying to taste your sweet lips. It’s what I have been thinking about all day. Will you grant me one kiss, my lady?” Tanong niya rito. Kinuha niya ang kamay nitong nakapatong sa hita niya pinagapang sa braso nito ang palad niya. Nang tumitig sa kanya si Hannah ay iniangat niya ang kamay nito sa labi niya at ginawaran niya ng halik ang likod niyon.

Pinanlakihan siya nito ng mata.

“I didn’t kiss your shoulder, I kissed your hand so it’s different. Also, my dearest Hannah I respect your decision. I respect you. Not only that, I love you. I love you so ardently.” Saad niya, kopya niya sa linya na mula sa pelikulang Pride and Prejudice na alam niyang gusto ni Hannah. Tumaas ang kilay ni Hannah sa kanya pero hindi inalis ang kamay sa kanya. “Now, will you grant my lips a taste of yours?”

Lintik na, ang dami niyang alam.

“Why are you being like this? Nag usap na tayo noon. We’re co -parenting Jabril, and that’s it.”

“And you know I don’t want that. Ang gusto ko ay maging pamilya tayo.”

“Thomas …”

“I’m sorry, Hannah but I’m still in love with you. Alam kong hindi na ganoon ang damdamin mo sa akin pero susubukan ko pa rin na buoin ang nasira ko. Alam ko rin na matigas ang mukha kong sabihin ang mga ito, pero talagang mahal kita, mahal pa rin kita, Hannah.”

Nagbuntong hininga si Hannah at inalis ang kamay na nakapaloob sa kanya. Minasahe nito ang sintido at mariing pumikit.

“Shit, fine. Hindi na ako hihingi ng kiss.”

“You always say that, pero hindi mo naman ginagawa. I know sooner or later you will ask for one again, or you will just proceed on kissing me without even asking.”

Hindi niya alam kung ngingiti ba siya o ano. Pero hindi galit si Hannah. Frustrated at disappointed pero hindi galit. Kita niya sa mga mata nito na hindi ito galit sa kanya kaya’t ginawa niya ang sinabi nito tungkol sa kanya.

He went on kissing her without even asking.

“That’s it. Enough. Nakaisa ka na so magtahan ka na.” Sabi ni Hannah. Ni hindi nga nito sinuklian lamang ang halik niya.

“'Yun na 'yon? Ni walang response.” Reklamo niya. Tiningnan lang siya ni Hannah at umiling bago ito nagpatuloy sa pagkain na parang walang nangyari. Ni hindi man lang yata na apektuhan sa halik niya. Nangangalawang na yata siya o talagang naging bato na lang si Hannah.

Napasimangot siya habang pinapanuod ito sa pagkain. Nagngingitngit ang kalooban niya pero wala naman siyang magagawa. Sa dami niyang nasabi rito parang lahat ng iyon ay lumampas lang sa kabilang tenga nito.

-

Bago sila umuwi ay nagbihis na muna si Hannah, binihisan din nito si TJ ng mas kumportableng damit. Panay na naman ang ngiti ng anak nila dahil sa mahabang tulog nito kanina.

Counter PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon