Chapter 20

28.3K 866 164
                                    

COUNTER PLAY

Chapter 20

They finally ended up in bed. After making love to her while she’s on top of the table, he carried her to her bedroom and made love to her again, more thoroughly. Hindi niya mapigilan ang mapangiti nang makita si Hannah sa tabi niya nang magmulat siya ng mga mata.

He pulled her and kissed her shoulder.

“Good morning, my love.” Bulong niya rito at niyakap ito sa bewang.

“Good morning, Thomas.” Sagot nito at nagsiksik sa dibdib niya. Mas lumawak pa ang ngiti niya nang yumakap din ito sa kanya.

Hindi pa man nagtatagal na nakapulupot sila sa isa’t isa ay may maliit na tao nang umiiyak. Mabilis na kumalas si Hannah at bumangon. Kinuha nito ang t -shirt niyang nasa sahig at isinuot iyon.

Ah, he likes it. Itinuon niya ulo sa kamay at pinanuod si Hannah habang inaasikaso nito si Jabril. Nang humarap ito sa  kanya ay buhat na nito si Jabril na tumahan na.

“Come here.” Tawag niya. Lumakad si Hannah pabalik sa kama at inilagay sa dibdib niya si Jabril na ngayon ay nakangiti na rin sa kanya. “Good morning, Cosmos.” Saad niya at hinalikan ang pisngi nito. “You too, come here.” Kay Hannah naman niya iyon sinabi at tinapik ang bakanteng bahagi ng kama.

Nang sumampa si Hannah sa kama ay maganda ang ngiti ni Jabril.

“I think he likes it.” Puna ni Hannah nang mapanggitnaan nilang dalawa ang anak. Makatuon ang magkabilang kamay ni Jabril sa kanilang dalawa ni Hannah.

“Gusto ko rin ito.” Sambit naman niya. He opened his arm, indikasyon niyang doon umunan si Hannah na ginawa naman nito. Talagang gusto niya ito.

May isang oras din siguro silang mag anak na naroon bago nila napagdesisyunan na bumangon na.

“So, anong gusto ng mahal ko na almusal? Pwede namang pancakes, pwedeng sinangag, pwede rin namang ako.” Saad niya nang nasa kusina na sila. Nanatili si Hannah na suot ang t –shirt niya habang isinuot naman niya pantalon niya nang nagdaang gabi.

“Salad.” Sabi ni Hannah at ngumiti ito sa kanya. Para namang tumalon ang puso niya dahil ngayon na lamang niya nakita ang ngiti nitong ganoon.

“Yeah right, salad. I’ll make you tea first.” Sagot niya.

Nag salumbaba naman ito sa lamesa habang pinapanuod siya sa pangungusina. Si Jabril ay nakaupo sa high chair nito ay may hawak na bote ng gatas.

“Sigurado kang ayaw mo akong almusal?” Tanong niya ulit kay Hannah at nasa tinig niya ang panunukso at ang kapilyuhan.

“Loko, gising na gising ang anak mo.” Sagot nito at hinawakan ang pisngi ni Jabril.

“Patutulugin ko ‘yan mamaya.” Sagot niya at nakita niyang umikot ang mga mata ni Hannah sa kanya at humalakhak naman siya.

-

Kanina pa siyang pangiti -ngiti sa trabaho dahil talagang maganda ang araw niya. Hindi siya sinungitan ni Hannah, hindi nito binalewala ang mga innuendo niya rito at lalong hindi siya nito iniiwasan at tinatakbuhan dahil sa nangyari nang nagdaang gabi. Pumayag pa nga itong magpahatid sa kanya sa ospital, at para pa ngang malaki ang tyansa niyang makaulit pa mamayang gabi.

Kaya hindi niya itatangging excited na siyang umuwi rito at sa anak niya. Idagdag pang malikot na ang isip niya sa kung anuman na pwede nilang gawin.

“Mukhang may naka isa na.” Boses iyon ni Devlin mula sa likod niya habang nagsasalin siya ng kape sa tasa sa pantry.

Hindi naman siya nag react at hinayaan lamang ito. Umakbay ito sa kanya at inilapit ang dalawang tasa sa kanya.

Counter PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon