COUNTER PLAY
Chapter 2
“We should go, it’s getting late, b-byahe pa tayo.” Si Devlin iyon kay Wesley.
“Yes. Salamat sa dinner, Hannah. Your baked macaroni is good.” Si Wesley at kumindat pa kay Hannah. Talaga namang.
“Thank you.” Sambit naman ni Hannah at tipid na ngumiti.
Tumayo na ang dalawang ungas at inihatid nila ni Hannah sa front door.
“Akin na muna si TJ, ihatid mo na muna sila hanggang sa gate.” Sabi ni Hannah sa kanya at tumango lang siya. Inaantok na ang anak nila kaya tiyak niyang mamaya ay pikit na rin ito.
“Hey, don’t clean up. Ako na ang bahala.” Sabi niya rito.
“Okay.”
Muling nagpaalam kay Hannah ang dalawa niyang kaibigan bago lumabas ng bahay.
Nang makalabas sila ng gate ay nagsalita si Devlin.
“Dito ka na rin natutulog? Nasa garahe ang bagong sasakyan ah.” Puna nito at nakatingin sa likuran niya.
“Hindi. Uuwi rin ako mamaya pagkaligpit ng kinainan niyo.”
“Hindi ka natutulog dito? Mag isa si Hannah at si TJ?” Si Wesley.
“Yes, I hate the idea pero wala naman akong magagawa. We’re not together, nangyari nga lang na may anak kaming dalawa.”
“Sounds complicated.” Komento muli ni Wesley.
“Safe naman dito sa village, mahigpit ang security na 24/7.”
Hindi na niya pinansin ang puna ni Wesley sa set up nila ni Hannah.
“Madalas ka rito?” Tanong pa ni Devlin.
“Not really, kailan lang naman ako nakapunta rito.”
“She’s nice. Still cold and distant but nice.”
“Yes. Anyway umalis na kayo, gagabihin na kayo masyado.”
“Eh ikaw?”
“Uuwi rin ako mamaya. Aayusin ko pa rin iyong laundry room niya.”
“Alright, sa opisina ka na lang naming pauulanan ng bala.” Sabi ni Devlin at sumakay sa passenger’s seat. Si Wesley naman ay sumakay sa driver’s seat.
“D’yan ka na p’re. Ingat pag uwi mamaya. Salamat ulit kay Hannah.” Sabi ni Wesley at bumusina sa kanya bago tuluyang pinaandar ang sasakyan.
Napabuntong hininga siya at bumalik na lang papasok sa loob ng bahay.
-
Ipinaghehele ni Hannah si TJ nang pumasok siya.
Damn, she’s so beautiful in that frilly rosy dress of hers.
Kailan kaya siya makakahawak ulit?
Naglaho ang kung anumang naiisip niya nang makitang naglikot ang anak nila sa braso ni Hannah. Narinig siguro ni TJ ang pagbukas ng pinto kaya’t tiningnan kung sino ang pumasok.
“'Nak, matulog na.” Mahinang sabi ni Hannah at muli ay pumikit ang anak nila.
“Hey, pasensya na talaga sa abala.” Sabi niya kay Hannah. Tumingin lang ito sa kanya kaya pinili niyang dumeretso na lamang sa kusina ang magligpit. Ramdam naman niyang sumunod sa kanya si Hannah.
“Okay lang.” Sagot nito at kahit buhat nito si TJ ay kinuha nito ang plato at inilagay sa sink.
“Ako na ang gagawa n’yan, maupo ka na lang muna.” Sabi niya rito. Hinila lamang nito ang upuan sa may dining area rin at doon naupo. Ito na naman ang uneasiness niya, palibhasa ay malapit si Hannah at tila ba inoobserbahan nito ang bawat ikinikilos niya.