Kabanata 17

163 4 2
                                    

Deceive

Nagkakagulo ang mga tao sa paligid ko. Labas masok ang mga awtoridad. Iyakan, tanungan, at tunog ng sasakyan ng pulis at ambulansya ang aking naririnig pero nandito lang ako at nakatulala sa asul at pula na ilaw na lumiliwanag ng paikot ikot at tila'y nakakasilaw kung tititigan ng matagal pero hindi naman maalis alis ang aking tingin.

Ilang saglit ay dumating ang pamilyang Del Prado kasunod rin nito ay si Alonzo na halos tumalon na mula sa sasakyan kahit hindi pa ito tuluyang tumitigil para lang mapuntahan ako.

"Baby I'm sorry." At niyakap ako ng mahigpit dahilan upang mapahagulgol ulit ako sa iyak. Lumapit na rin ang magkakapatid at sina Sir at Mam Gabriela ay kinausap ang mga awtoridad. Walang ni isa ang nagsalita at tanging iyak ko lang ang naririnig. Nang tumigil na ako sa pag iyak ay lumapit sina Mam at Sir kasama ang mga awtoridad.

"Isa, sorry sa nangyari kay Alicia." Sabi ni Mam Gabriela at niyakap niya ako.

"Isa, nandito ang mga awtoridad para tanungin ka tungkol sa nangyari, yun ay kung okay lang sa iyo." Sabi ni Sir Albert. Halata rin ang simpatya sa kanyang mukha.

"Pa, pwede bang ipagpabukas na lang iyan?" Sabi naman ni Alonzo sa ama.

"Hindi. Okay lang Alonzo." Sabi ko at ngumiti ng kaunti para maipakita na okay lang. Nagbuntong hininga lamang siya at halata ang pagtutol nito.

Tinanong ako ng mamang pulis tungkol sa nangyari at sinabi ko ang lahat-lahat at siniguradong wala akong iniwang detalye. Kailangan kong bigyan ng hustisya ang pagkawala ni mama. Sisiguraduhin kong mananagot ang dapat managot mama.

Ilang linggo na ang lumipas pero hanggang ngayon ay wala paring lead ang mga pulis kung sino ang lalaking pumatay kay mama. Sira ang cctv sa araw na iyon kaya nahirapan silang tukuyin ang maysala. Hindi ko rin namukhaan ang lalaki dahil nakatakip ito ng mukha. Wala ring fingerprints na naiwan sa kutsilyo dahil nakasuot ang suspek ng gloves. Nagkataon rin na walang tao sa mansiyon dahil nagkaroon pala ng selebrasyon sa La Costa Brava, isang residential resort, dahil sa pagkakapromote ni Alonzo bilang CEO ng kanilang kompanya. Pero si mama ay nagpaiwan dahil darating raw ako. Hinala ng mga pulis ay magnanakaw ang suspek dahil walang tao ang mansiyon. Sabi rin raw ng mga security guards ay wala silang pinapapasok sa village na hindi residente dahil mahigpit raw ang kanilang security.

Linggo linggo ay pumupunta ako sa pulisya at chine-check kung may update na sa kaso pero hanggang ngayon ay wala pa rin. Maya-maya ay tumawag si Alonzo kaya sinagot ko ito. Hindi na niya ako nasamahan dahil nagkaproblema sa kompanya nila kaya pinilit ko siyang huwag na lang sumama at naiintindihan ko naman.

"Are you going home?"

"Yup. Wala pa rin silang update tungkol sa kaso."

"Don't worry baby. Nag-hire na ako ng private investigator para sa kaso ng mama mo at may may lead na sila kung sino ang suspek."

"Talaga? Sino?"

"Makikipagkita pa ako sa investigator baby. Hindi ko pa alam kung sino pero babalitaan kita mamaya pag uwi ko diyan."

"Salamat Alonzo."

"Your welcome. Ingat ka pag-uwi. Hindi ka naman nagpahatid sa driver."

"Nalaman mo? Pasensya na. Hindi kasi ako sanay. Pero malapit lang naman at uuwi na ako. Kita na lang tayo mamaya. Bye." Nagpapasalamat ako dahil nandiyan si Alonzo sa tabi ko kahit gaano siya ka busy lalong lalo na na siya na ngayon ang CEO ng kumpanya nila.
Sa kanila parin ako nakatira dahil sa pamimilit ni Alonzo at ng mga Del Prado. Nagulat nga ako dahil kahit si Mam Gabriela ay pinilit rin ako kahit ayaw niya sa akin para kay Alonzo. Hindi na rin siya naging tutol sa relasyon namin dahil nakita niya raw kung gaano ko kamahal ang anak niya. Noong araw na sinabi niya iyon ay tuwang-tuwa ako at sa wakas ay tanggap niya na rin ako para kay Alonzo pero mas lubos sana akong matutuwa kung nandito pa rin si mama.

Pasakay na sana ako ng jeep nang nahagip ng mga mata ko si Mang Pedro, ang security guard sa mansiyon, na nakatingin sa akin ilang metro ang layo. Ilang linggo ko na rin siyang hindi nakikita dahil nagresign na raw sa trabaho.

"Manong pasensya na po. Hindi na lang po pala ako sasakay." Sabi ko sa driver at tiningnan ko ulit si Mang Pedro. Nang nakita niya akong papalapit sa kanya ay agad siyang umalis. Anung problema nun? Kakamustahin ko lang sana pero imbes na pabayaan na lang ay ewan ko ba kung bakit ko siya sinundan. Nung malayo layo na, sa wakas ay tumigil rin ito. Nandito kami ngayon sa loob ng simbahan ng San Nicolas De Tolentino.

"Mang Pedro grabe ka ah. Pinagod mo ako. Mangangamusta lang naman ako sayo. Kamusta ka na po? Matagal na kitang hindi nakikita simula noong umalis ka sa mansiyon." Pero imbes na sagutin ako ay bigla siyang lumuhod sa harapan ko at hinawakan ang aking mga kamay.

"Patawad Isa. Patawarin mo ako." Nanginig ako. Hindi maaari.

"Mang Pedro naman. Ano ba ang ginagawa mo at lumuluhod ka sa harapan ko?" Sabi ko pero naiiyak na ako. Hindi maaaring siya.

"Isa... ako ang pumatay kay Alicia." Tumawa ako habang naiiyak.

"Mang Pedro huwag naman kayong magbiro ng ganyan. I-imposible pong ikaw iyon dahil naging mabait po si mama sa inyo kaya bakit mo naman po magagawa iyon diba?" Tuluyan nang bumuhos ang mga luha ko dahil sa pangyayari.

"H-hindi ko iyon sinasadya Isa. Maniwala ka. Napag utusan lang akong takutin si Alicia para umalis na kayo sa mansiyon pero nanlaban siya. Nag-agawan kami ng kutsilyo at hindi ko sinasadyang masaksak si Alicia."

"Hindi mo sinasadya mang pedro?! Eh pano yan dahil hindi mo rin sinasadyang mapatay si mama, ganun ba? Ha? Ganun ba iyon?! Bitawan mo ako! Kriminal ka! Mamamatay tao!... Ang dapat sa inyo ay mamatay na rin!" Naisigaw ko sa kanya at pilit na kinukuha ang mga kamay kong hawak niya pero hindi niya ito binitawan at patuloy na humihingi ng tawad.

"Wala kang karapatang umiyak dahil isa kang mamamatay tao! Bitawan mo ako sabi!" Sisigaw na sana ako ng tulong pero halos mawalan ako ng tinig ng marinig ang sunod niyang sinabi.

"Inutusan ako ni Mam Gabriela, Isa."

Revenge of the Filthy Rich (Revenge Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon