Kabanata 21

143 5 0
                                    

Marrying

"Then marry me." Sabi ko at tiningnan siya sa mata. "You said you'll do anything. You still love me right? Then I'm doing you a favor." Pinagapang ko naman ang kamay ko mula sa kamay niya papuntang balikat tila inaakit siya. Mahirap na baka magdalawang isip pa siya. I need this for my sweet revenge. "Can you do that baby? Will you marry me?"

"Sure."

Padabog akong pumasok sa opisina ni Mark. Mabuti at walang ibang tao at may katawagan lamang siya.

"Tawag ka na lang ulit mamaya love. May inggrata kasing basta basta na lang pumasok sa opisina ko. Babush. Mwah mwah." Sabi niya na ngumunguso pa ang bibig sa telepono.

"Kadiri ka Mark." Nakangiwi kong sabi at at umupo sa sofa. Binaba niya rin ang kanyang telepono.

"Tse. Inggrata ka talagang babae ka. Kausap ko ang boyfriend ko noh. Palibhasa lapitin ka ng mga hot papa eh. Mukha mo pa lang pak na pak na. Ako kailangan pa maglabas ng pera."

"Sus. Lolokohin ka lang niyan bakla."

"Hindi. Sigurado na ito sis. Siya na yung the one ko."

"Iyan rin yung sinabi mo sa huli mong ex. Anong nangyari? Hirap na hirap ka sa paggawa ng gowns dito at ayun siya, hirap na hirap rin sa pagtatago ng babae niya mula sayo."

"He's the one na nga sabi Luisa eh. Iba siya sa lahat ng mga ex ko. Pero atleast ako may jowa. Eh ikaw? Tatanda ka nalang dalaga te."

"I'm marrying Alonzo."

"Marrying Alonzo ka diyan eh sa gwapo nun sigurado akong naka move on na yun noh. May iba na iyon sis kaya huwag ka nang mag daydream diyan." Tiningnan ko lang siya ng 'Do I look like joking' na face at ng narealize niya na hindi ako nagbibiro ay bigla siyang napatayo sa lamesa niya.

"WHAT??? HOW? WHEN? AT WHERE?" Dali dali naman siyang pumunta at umupo sa harapan ko.

"Hindi ka nagbibiro Luisa? Magpapakasal ka talaga? At kay papa Alonzo pa?"

"Oo nga. Paulit ulit ka bakla eh."

"Ang swerte mo sis. It's a great privilege! Sa lahat ng papa na umaaligid sayo, siya yung pinaka top one ko. Pero teka lang, eh bakit busangot ang mukha mo?"

"Iyan nga ang nakakairita sis eh. Nung inalok ko siya ng kasal, sabi niya lang, sure. Ni hindi man lang nagtanong kung bakit o kahit ano. Sure lang ang sinabi niya sis! Sure lang! Nakakainis! Pesteng sure yan."

"Eh ano ba dapat ang isagot?"

"Dapat nagtanong siya. Dapat concern siya. O kaya naman sabihin niyang hindi dapat ang babae ang mag aalok ng kasal, ako dapat. Mga ganun sissy. Pero wala. Akala ko ba mahal niya ako? Hmp!"

"Teka teka nga lang. Mabalik nga tayo. Bakit mo ba siya inalok na magpakasal on the first place? Mahal mo ba?"

"NO! I don't love him. Never."

"Oh eh hindi mo naman pala mahal eh. At for sure, para naman niyan sa revenge revenge mo. Kaya ano pa ang inaarte arte mo diyan?"

"Eh dapat nga kasi sis--"

"Tigilan mo ako Luisa! Disappointed ka lang dahil kasal ang inalok mo pero parang sumagot lang siya ng true or false sa quiz. At alam mo ba kung bakit ka disappointed?"

"Bakit?"

"Gaga! Siyempre mahal mo pa ang tao."

Tinawagan ko na lang si Red para sunduin ako dahil wala ng kwentang kausap ang baklang ito. Maya maya pa ay nakatanggap ako ng text na nandiyan na siya sa labas.

"I'm marrying Alonzo." Bungad ko pagpasok ko ng sasakyan niya. Akala ko magugulat siya o magtatanong katulad ni bakla pero malungkot niya lang akong tiningnan.

"Why that face Red? You should be happy. The closer to the enemy, the better." Pero hindi man lang siya sumagot bagkus ay pinaandar na niya ang sasakyan. Hindi niya man lang ako kinibo kahit nakarating na kami sa bahay ko.

"Hoy Red. Galit ka ba? Wala ka bang planong kausapin ako?"

"You should go. You're the second highest owner of stocks now. I'll send you the details later."

"Good. Maaasahan ka talaga Red. Aalis na ako." Pero hinintay ko muna siyang magsalita o magtanong bago sana ako bababa pero hindi talaga siya kumibo.

"Uy sabi ko aalis na ako."

"Oo nga. Kanina ko pa nga hinihintay na bumaba ka."

"Uy Red. Sorry na. Hindi naman ko naman talaga siya pakakasalan eh. Gusto ko lang siyang paasahin at paghintayin sa altar. Tapos habang busy siya sa kasal namin, busy naman ako sa pagbili ng stocks nila hanggang ako na pala ang may ari ng kompanya nila. At habang malapit rin ako sa pamilya nila, mas madali kong mahanap si Mang Pedro na itinatago nila. Siya lang tanging ebidensya sa pagpatay kay mama."

"Oh tapos?"

"Then I'll get the justice for my mother."

"Sa tingin mo magiging masaya ka pagkatapos ng lahat?"

"Siyempre. Nakamit ko na ang matagal kong hinihintay. Nabubuhay lang ako sa mundong ito para pagbayarin silang lahat sa mga kasalanan nila. Natural magiging masaya ako pagkatapos ng lahat."

"Hindi Luisa. Kung nabubuhay pa ang nanay mo ay kahit siya malulungkot sa pinaggagawa mo. Nilalamon na ang puso mo ng galit. Hindi na ikaw ang Luisa na nakilala ko noon."

"Ako pa rin ito Red. Ako pa rin ito. At magiging masaya ako. Sigurado iyan." Lumabas na ako ng sasakyan niya. Hindi man lang siya nagsalita o humingi ng tawad. Siya na lang yung meron ako. Ang taong sinusuportahan ako pagkatapos mawala ni mama. Pinapasaya ako tuwing malungkot ako. Pero ngayon, bakit hindi niya magawang suportahan ako tulad ng dati. Tama pa ba itong ginagawa ko?

Naiiyak na ako at di ko napigilang maupo sa semento. Wala akong pakialam kung may makakita sa akin o ano basta gusto kong umiyak na lang ng umiyak.

"Mama... ikaw kasi bakit mo ako iniwan. Mama... kailangan kita." At humagulgol na ako sa iyak. Maya maya pa sumabay na rin ang ulan sa akin.

"Para kang basang sisiw." Tumingala naman ako sa nagsalita.

"R-red? Bumalik ka?"

"May basang sisiw kasi akong hindi matiis tiis." At binuhat na niya ako papasok ng bahay.

Revenge of the Filthy Rich (Revenge Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon