Kabanata 26

112 4 1
                                    


Fired

"They told me na marami pa lang babae na pumupunta dito sayo." Bulong ko at tinuro ang dalawang receptionist. Nag evil grin ako sa kanila bago pumasok sa elevator. Hindi ko naman kasi gustong totohanin yung mga sinabi ko. I just want to warned them na maling tao ang binastos nila.

"Ah yes. But I don't even know most of them. Nakasalamuha ko lang yata ang iba sa bar. By the way, why are you here? You miss me?" Sabi niya at ngumiti sa akin. Shocks. Those eyes and his killer eyes are so damn...beautiful. Nakakaakit na ewan. Nakakahipnotismong panoorin. But then I notice na parang may hinihintay siya na sagot.

"A-ah ano nga 'yong tanong mo ulit?" Ngumisi naman siya at bumulong.

"Na-miss kita." Natigilan naman ako. Hayss. Bakit kasi ang tahimik dito at kaming dalawa lang ang nandito sa elevator. Iyan tuloy naririnig ko ang pintig ng puso ko.

"Ahhhh.. Ehhhh.. S-same dito." Putol-putol kong sabi. Tangina kinikilig yata ako eh. Hindi pwede to. Yung plano ko masisira. Mabuti naman at tumunog na ang elevator hudyat na nakarating na kami sa 40th floor. Tama nga ang hula ko kung gaano ito kataas. Sandali. Parang wala yatang planong gumalaw si Alonzo ah. Nahipnotismo rin yata sa itsura ko.

"Alonzo nandito na tayo." Sabi ko saka gumilid at naunang lumabas. Grabe ang laki ng opisina niya. One-fourth ng buong floor ay opisina ng secretary niya. The rest ay kanya na lahat. Malaki naman ang opisina ko eh pero hindi ganito na sinakop ang buong 40th floor. Parang condo lang yung peg eh.

"Good morning sir!" Hyper na sabi ng sekretarya niya. Halata ang tuwa sa mukha ng makita ang boss. Nakasuot ito ng mini pencil skirt at tube sa loob. Meron nga siyang coat pero lumuluwa naman ang dibdib. Papasok na sana kami sa loob pero hindi talaga kaya ng sikmura ko ang suot ng babaeng to eh kaya bumalik ako at huminto sa tapat niya.

"Miss, secretary ka ba o pokpok?" Sabi ko at humalukipkip pa. Nagulat naman ito at hindi nakapagsalita. Parang hindi niya ako nakitang kasama ni Alonzo.

"Ayusin mo yang suot mo. Nasa opisina ka pero kung makapagdamit ka parang gagala sa bar eh noh? Palitan mo yung skirt mo miss dahil konting galaw mo lang makikita na yata yung kaluluwa mo. At huwag kang magsusuot ng tube. Pinapahalata mo talaga na gumamit ka ng push up bra para lang magka cleavage. Halatang-halata na siniksik mo talaga oh. Nakakahinga pa ba ang mga iyan?" Nanggagalaiti naman siya sa galit dahil sa narinig. Aba! Kung nasa labas sana siya ay wala akong pakialam sa suot niya kahit maghubad pa siya pero kung nasa opisina lalong lalo na sa opisina ni Alonzo, aba eh hindi ka talaga makakalagpas.

"Excuse me! Wala kang pakialam sa suot ko. At sino ka ba? Ha?!" Pasigaw niya pang sabi. Magsasalita na sana ako pero biglang lumapit si Alonzo at hinapit ako papunta sa gilid niya.

"Huwag na huwag mong pagsasalitaan ng ganyan ang taong mahal ko. Get out. You're fired." Nagulat naman kaming dalawa sa sinabi ni Alonzo. Fired agad?

"P-pero sir... Sorry sir. Hindi ko po kasi alam. Bukas po hi--"

"I don't need your explanation. What you did is enough reason for you to get fired. Get out or I'll call the security." Nakakatakot tingnan si Alonzo kahit wala namang emosyon ang mukha niya. Kaya wala na ring nagawa ang secretary kundi ang umalis na umiiyak. Kahit bitch ako minsan, hindi ko kaya yung ginawa lang ni Alonzo.

"Let's get inside baby." Malumanay naman niyang sabi.

"Okay lang ba iyon Alonzo? Hindi ba sobra naman yata kung fired agad?"

"Who? The secretary? That's okay. Marami na ang nagdaan dito. What do you want to eat? I'll cook for you." Sabi niya at hinubad ang coat saka pumunta sa mini kitchen at kinuha ang nakasabit na apron.

"Hot."

"Luisa baby, hindi ako nakakain. Pero pwede rin naman pala. Kaya naman kitang pabusugin." Sabi niya ng nakangisi.

"H-ha? Ang sabi ko, mainit. Mainit dito sa kitchen. Kahit ano na lang yung sa akin. Lalabas muna ako. Mainit dito eh. Sobra, whoo!" Sabi ko at nagmadaling lumabas na sa kusina. Naglalaway pa yata ako sa kanya ah. Paano ba naman kasi eh hipit na hipit sa kanya ang longsleeve niyang puti. Bakas na bakas ang mga maskulo niya sa braso at yung chest niya parang matigas. Siguro mas naging masarap pa lalo yung mga pandesal niya sa tiyan. Wahhh ano ka ba Luisa. Ang baboy ng pag-iisip mo. Iyan tuloy, mas lalong uminit.

Tahimik lang kami habang kumakain. Hindi naman umaalis ang tingin niya sa akin kahit sumusubo. Naco-conscious naman ako kaya nagdesisyon akong putulin ang katahimikan.

"Masarap kang magluto ah. Salamat pala sa breakfast na hinanda mo kanina. Saan ka natutong magluto?" Tanong ko.

"The moment you left me." Natigil naman ako sa pagsubo dahil hindi ko alam ang sasabihin. Eto yung iniiwasan kong pag-usapan namin dahil hindi pa ako handa. Ayokong maging emosyonal sa harap niya kaya sinikap kong ilihis ang usapan.

"Ahh. Umm... By the way, about kagabi, sinabi ni Mark na nalasing raw ako and knowing myself, medyo... You know... Wild akong malasing. Wala kasi akong matandaan sa nangyari but I'm pretty sure, wala naman siguro akong nagawang hindi maganda, right?" Ayokong sabihin na naaalala ko lahat dahil sobrang nakakahiya kapag ganoon.

"Actually.. You did something bad Luisa." Oh no. Akala ko sasabihin niya lang na that's okay then we'll forget everything and move forward.

"H-how bad? I'm sure wala ako sa katinuan that time kaya nagawa ko ang mga iyon." Sabi ko na hindi makatingin sa kanya kaya umiinom na lang ako ng tubig.

"Last night, you want me to sleep with you." Nabulunan naman ako ng tubig sa sinabi niya. Agad naman siyang dumalo sa akin.

"Abno ka ba Alonzo? Bakit mo naman sinabi iyon? Timing pa talaga na umiinom ako ng tubig noh?" Asik ko sa kanya.

"I'm sorry baby."

"Tigilan mo nga ako sa baby-baby mo. You failed to be my baby." Tatayo na sana ako ng...

"If I failed to be your baby, then gumawa na lang tayo." Na out of balance naman ako sa sagot niya pero mabuti na lang at nasalo niya ako. Nakita ko naman na sinusubukan niyang itago ang ngisi niya. Kainis. Tumayo na ako at pinagpagan ang damit. Aalis na ako dito. Nakakawala ng composure ang lalaking ito.

"I'll go. I came here just to say thank you sa paghatid sa akin last night and whatever happened kalimutan na lang natin iyon. Thanks for the food Alonzo." Sabi ko at tumalikod na para umalis.

Hey readers! The following upcoming chapters are Alonzo's point of view. Para malaman niyo naman ang side ni Alonzo. This will be interesting and challenging for me kasi point of view ng lalaki. Stay tuned!

~arcadia_02

Revenge of the Filthy Rich (Revenge Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon