Kabanata 18

138 5 0
                                    

Fire

Smokey eyes, check. Red lipstick, check. Killer heels, check. Exposed skin, check. Cleavage, double check.

"Stunning, indeed." Sabi ni Red sabay tayo mula sa pagkakahilig niya sa sasakyan niya. Umikot naman ako para ipakita ang kabuuan ng gown ko. Kulay pula ito na mahaba at may mataas na slit kung saan konting galaw lang ay nakikita ang mahaba kong mga binti. Tube naman sa itaas nito na kung saan nadedepina ang dibdib ko.

"Tsk. Why do people who get their revenge always wear red and killer dress, huh?" Sabi niya sabay lapit at pilit na itinataas ang dress ko upang takpan ang cleavage ko at pilit niya namang pinaglapit ang slit ng gown ko.

"Hey!" Tinampal ko naman ang kamay niya na nakahawak pa rin sa slit at pilit na pinagdidikit ito.

"Anong hey, hey, Luisa. Sa tanang buhay mo, hindi ka nagsusuot ng ganito tapos ngayong makikita mo na ang Del Prado na iyon pagkatapos ng limang taon, magsusuot ka na ngayon ng damit na kinulang sa tela?! Naku, huwag ako Luisa."

"Red, this is part of my revenge. Effective to."

"At sino namang nagsabi na effective yan?" Kumunot naman ang noo niya.

" Si Google." Napahawak naman siya sa noo niya at napabuntong hininga.

"Hindi tayo aalis dito Luisa hanggang hindi ka nagpapalit."

"Ayoko." Sabi ko at nag pout pa.

"Magbibihis ka o ako ang maghuhubad sayo?" Seryoso niyang sabi. Yung mukha niya ay nakakatakot na tila ay susundin mo siya o susundin mo siya lang ang pagpipilian.

"Y-you can't!" Sigaw ko.

"Dare me." Tumaas ang kilay niya at ngumiti ng pilya.

Naiinis akong tumalikod at bumalik sa loob ng bahay. Pinagsisipa ang lahat ng pwedeng masipa at padabog na sinirado ang pinto.

"Happy?" Sarkismo kong sabi sabay pakita ng damit na pinalit ko.

"Perfect. Let's go. Ang tagal-tagal mo." Sabi niya at pumasok na kami sa sasakyan at pinaandar na ito.

"Panu ba naman kasi eh may pakialamerong lalaki diyan na pinagpalit pa talaga ako ng damit at lahat lahat." Parinig ko sa kanya.

"Damit lang naman kasi ang pinapapalitan sa iyo, pero lahat lahat binago mo."

"Natural. Pastel pink yung dress ko ngayon alangan naman pulang pula yung labi ko at kulay itim ang sapatos. Smokey eyes pa yung make up at hindi pa nababagay yung hairstyle."

"It will still suits you but the red dress didn't."

"Ah talaga? Eh bakit sabi mo kanina stunning? Naku huwag ako Red. Nakita kitang naka jaw drop noh." Badtrip ako buong biyahe patungong hotel dahil hindi nasunod ang plano kong first day of revenge. Bubuksan ko na sana ang pinto para lumabas pero pinigilan ako ni Red.

"Luisa, are you mad?" Tanong niya at hinawakan ang braso ko.

"Di ba obvious Red?" Di ko napigilang barahin siya dahil sa pagkakabadtrip ko.

"Hey listen." Sabi niya at nilipat ang kamay niya sa mukha ko. "You don't need to show off what you have to get revenge. You being not his girl anymore is enough as a revenge already, okay?"

Hindi ako nakapagsalita at unti unting tumango. Ngumiti naman siya.

"Good. So don't slouch, smile and let them see how great and successful you are now because of them. That's the best revenge that could knock them." Sabi niya at lumabas na ng sasakyan para pagbuksan ako ng pinto sabay haya ng kamay niya.

Lumalakad na kami papuntang venue at doon nakita ko si Mam Gabriela, Sir Albert, at ang magkakapatid na nasa pintuan at isa isang binabati ang mga pumapasok na bisita. Noong dumapo na ang mata ko kay Alonzo na masayang bumabati at nakikipagkamay sa mga bisita ay bigla akong kinabahan at hindi mapakali. Napansin siguro ni Red ang sitwasyon ko kaya naman naramdaman ko ang pagpisil niya sa kamay ko at ngumiti siya ng pagka tamis tamis. Ngayon ko lang napansin na ang gwapo pala talaga niya kapag nakangiti. Nagulat ako ng bigla niyang nilapit ang mukha at may binulong sa akin.

"I got your back Luisa." Dahil doon, unti unting nawala ang kaba ko. Ngumiti ako at bubulong sana ng thank you kay Red ng biglang...

"Ehem." Nandoon na pala kami sa harapan ng pamilya, lahat ay nakatuon ang pansin sa aming dalawa. Halata ang pagkagulat sa kanilang mga mata lalong lalo na si Mam Gabriela na animo'y nakakita ng multo. Naputol naman ang mga tingin ng nilahad ni Red ang kamay at nagpakilala.

"Good evening everyone. Happy birthday bro!" Sabi niya at lumapit kay James at nakipagkamay.

"Oh btw, this is Luisa... My girlfriend." Sabi niya sabay lagay ng kanyang kamay sa bewang ko at dinikit ako lalo sa kanya. Sumunod naman ang mga mata nila sa kamay ni Red na nakahapit sa bewang ko. Napunta ang tingin ko kay Alonzo na ngayon ay umiigting ang panga.

"Good evening. Nice to meet you... again." Saad ko.

"So Luisa is the girl you are talking about?" Tanong ni James.

"Ah yes. Sabi niya kasi dati ay sa inyo siya nagtatrabaho so I guess you know her kaya tinanong kita if I can bring my girlfriend and you said yes."

"P-pero sina--"

"Enough with the talk. Marami pang bisita na pumapasok." Putol ni Mam Gabriela kay James at hinaya naman ni Sir Albert na nakangiti ang loob para pumasok kami.

Habang nagkukwentuhan kami ni Red ay bigla kong nilapit ang mukha ko at dinikit ang upuan ko sa kanya na ikinabigla niya naman.

"Anong ginagawa mo Lu--"

"Shhhh. Stay still. Alonzo's looking." Putol ko sa kanya. Mas tinodo ko pa ang pagpapanggap ng hinilig ko ang ulo ko kay Red. Napansin ko namang naging stiff siya bigla.

"Look at his expression Red. His looks could kill."

"At sa tingin mo bakit?" Tanong ni Red. I'm caught off guard.

"B-bakit nga ba? Don't say he's still..." At tumango naman si Red.

"He's still inlove with you Luisa."

Revenge of the Filthy Rich (Revenge Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon