Kabanata 6

147 4 0
                                    

Bikini

"Isa, you should join the party tomorrow. Hindi ka naman kasambahay dito pero tumutulong ka talaga noh? Ang sipag mong bata." Sabi ni Mam Gabriela habang nilalagay ko ang panghimagas nila dahil patapos na silang kumain.

"Naku Mam. Palamunin po ako dito kaya dapat lang ay tumulong ako. At naasiwa po ako na pag gising ko ay tatambay lang ako at walang gagawin."

Tumawa naman si Sir Albert at Mam Gabriela. Nakangisi naman si Olie at Daniel. Nakataas naman ang isang kilay ni James at ang Alonzo ko, ayun walang pakialam.

"You're really funny Isa. Natatawa talaga ako sa mga biro mo palagi." Puri ni Sir Albert.

"She's a happy girl Papa." Sabi naman ni Olie sabay baling at kindat sa akin.

"Halata naman sa mukha mo iha. But I'm just wondering, do you have a foreign blood?"

"Uh opo. Moroccan po yung tatay ko. Umm habang nag Maynila si mama ay nakilala niya doon si papa kaya ayun at nandito na po ako. Hehe"

"Oh. So where's your dad?" Singit ulit ni Olie.

"Umm ewan baka nandoon sa Morocco? Hehe. Joke lang po. Hindi ko alam. Wala na kaming balita sa kanya ng nalaman niyang nagkaanak sila ni mama."

"But do you know his name?"

"Oo. Nag try nga akong i-google yung pangalan niya kaso ang dami nila eh. Ayaw rin namang pag usapan ni mama ang tungkol kay papa so ayun. Sabi kasi ni mama ayaw ni papa magka anak. Buhay bachelor raw kasi si papa at ang pagkakaroon ng anak ay wala sa plano niya. Pero kahit ganun ay nagpapasalamat pa rin ako kasi marami akong magagandang features na nakuha dahil sa kanya." Sabi ko sa kanila sabay ngiti para patunayan na okay lang ako kahit nagiging sentimental na yung peg ko.

Pinasadahan ko ng tingin si Alonzo at nakita kong mariin siyang nakatitig sa akin pabalik. Siguro ngayon niya lang napagtanto na marami nga akong magagandang features na nakuha dahil kay papa. Bumitiw na ako ng titig at nagpaalam na sa kanila upang bumalik sa kusina. Pakiramdam ko lumilitaw ako habang naglalakad pabalik dahil hindi tinatanggal ni Alonzo ang titig niya. Mama Mia! Panty ko, kapit ka lang. Huwag kang malalaglag ah.

Umakyat ako patungo sa kwarto ni Mam Gabriela dahil pinatawag niya raw ako. Nang nakarating sa tamang pintuan ay kumatok ako ng tatlong beses. Bumukas naman ito at bumungad si Mam Gabriela sa akin na nakangiti.

"Isa halika pasok ka. Albert umalis ka muna dito sa kwarto at may gagawin kami ni Isa. Doon ka na lang muna sa library. Please?" Sabi ni Mam at nag puppy eyes pa ito sa asawa.

"Alright. But promise me I'll have your whole time after this." Sabi ni Sir sabay tayo sa kama at halik sa noo ni Mam Gabriela.

Ang cute nilang panoorin. So sweet. Umalis naman agad si Sir at sinirado ang pintuan.

"Come here Isa, may ibibigay ako. Marami ako ditong spare bikinis na hindi ko pa nagagamit kasi simula noong nag-asawa na ako ay pinagbawalan ko na ang sarili na magshow-off ng sobra sa skin. Palagi na lang kasing nakabusangot si Albert kapag nagbibikini ako. Haha you know naman. Boys. Oh eto kasya to sayo. Subukan mo doon sa dressing room."

Kinuha ko naman ang two-piece bikini kahit na medyo labag sa kalooban ko na magsuot ng ganito. Nahihiya kasi akong magsuot ng mga sexy na damit kahit noon pa man. Pero mas nahihiya akong tumanggi kay Mam Gabriela dahil mukhang natutuwa pa siya sa pamimili ng ibibigay niyang bikini na kasya sa akin.

Pumunta na akong dressing room at sinukat ang bikini. Malaki ang dibdib ko dahil sa foreign blood ni papa kaya madalas na tinutukso ako na malaki ang hinaharap ng mga kaklase ko noong elementary at high school. Maganda ang bikini. Floral ito pero dominant ang color na blue. Okay naman ang bikini top pero mukhang di akin ang size. Parang nasa cup C lang ito. Eh cup D yung akin kaya medyo kita ang ibaba ng dibdib ko pero kasya naman ang bikini bottom. Lumabas na ako ng room at ipinakita kay Mam Gabriela ang bikini na soot. Nahihiya pa ako dahil mukhang nagulat siya. Siguro hindi bagay sa akin.

"Gosh! You're so sexy and very curvy Luisa. Hindi lang mukha yung asset mo. Pati na rin katawan. At hindi kasya yung bikini top? Naku sayang at bagay na bagay pa naman sayo ang bikini. Di bale, I have here one piece. Pasensya na at wala yata akong cup D ba yan iha?"

"Opo. Hehe 34D po kasi ako."

"Dont worry. Ito na lang ang one piece. Try this."

Binigay niya naman sa akin ang kulay nude na one-piece. Sinuot ko naman ito at lumabas. Lumuluwa ang cleavage ko dito but I admit that I really look sexy noong tiningnan ko sa salamin na nasa dressing room.

"Perfect. Iyan na ang suotin mo bukas sa party." Tuwang tuwa na sabi ni Mam Gabriela sa akin.

"Ah-eh mam, wala po bang rash guard? Hehe nahihiya po kasi akong magsuot ng ganito."

Humalakhak si Mam at lumapit sa akin at inayos niya ang buhok ko na nagulo dahil sa pagpapalit palit kanina.

"Bakit ka mahihiya Isa eh ang ganda mo at napakasexy mo pa? You should boost your self confidence and be proud of your body. I tell you, you really look stunning in that bikini. But I guess, if nahihiya ka talaga, you could wear shorts. Here. I bet this is your size."

Inabot ni Mam ang isang dark blue maong shorts na lagpas lang ng konti sa puwetan ko. Pero mas mabuti na lang ito kaysa sa bikini lang talaga.

"Thank you po mam. Pero okay naman po ako kahit na hindi na po ako sumali sa pool party. Tutulong na lang po ako sa pagsisilbi."

"No Isa. Huwag na at mag enjoy ka na lang bukas. Minsan lang naman iyan kaya huwag ka nang tumanggi."

"Ah-eh.. O-okay po. Salamat po ulit dito Mam."

Lumabas na ako ng kwarto at bumaba na papuntang kwarto ko ng tumigil ako dahil sa makisig na taong nakahalukipkip na si Alonzo, and again.. Nakaharang ulit sa dadaanan ko. Maglalaro na naman ba kami?

"Aattend ka ng party bukas?" Bungad niya sa akin sabay taas ng kilay.

"Ayaw ko sana pero pinilit ako ni Mam Gabriela eh at binigyan pa ako ng bikini at shorts para bukas kaya nahihiya akong tumanggi."

"So are you going to wear a bikini tomorrow?"

"Siguro. Pero baka magsusuot na lang ako ng t-shirt at shorts bukas at sa loob ko nalang ito susuotin. Bakit mo pala naitanong?"

"Nothing. I guess you won't look good in your bikini tomorrow. So it's really better that you should wear shirt and a not so short shorts." Diniinan niya ang pagsasabi ng salitang Not So Short Shorts.

Kumunot naman ang noo ko at iniwan niya nalang ako bigla pagkatapos. Teka. Hindi ba talaga ako bagay magsuot ng bikini eh kakasabi lang ni Mam Gabriela na I look stunning in bikini raw o baka naman pinagbabawalan lang ako ni Alonzo? Hay ewan, mukhang mas imposible yung huli. Walang pakialam iyon sa akin eh.

Revenge of the Filthy Rich (Revenge Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon