Chapter 16

115K 3.3K 161
                                    

"Go Kiko!"

Narinig kong sigaw ng mga babae sa di kalayuan sa akin. Kanina pa ako nakaupo dito habang nanunood ng laro ni Keith. Soccer player pala to kaya pala fit, akala ko palagi lang siyang tulog.

"Kalurkey sila noh? Tinalo pa ang rally sa lakas nilang magcheer." Bulong sakin ng isang babae na kasama ng isang team mate ni Keith, girlfriend yata. "Ay hindi pa pala ako nagpapakilala ako nga pala si Jules."

Inilahad niya ang kamay niya kaya naman nakipagkamay ako sa kanya. "Jaquie."

"Hi Jaquie."

"Of course they will cheer for our boys." Napalingon kami sa isang babae na kakarating lang at umupo sa tabi ni Jules. "They are known as The league of billionaires. The greatest bachelors in Asia altogether in one team." .

"That man is Enrique Montreverde, an ex military. Ang alam ko may position siya eh and he's already rich but he quit and no one knows why. That is Niklaus Klave Driveo, a known womanizer. He has his own company of cars siguro naman alam niyo ang brand based on the name? That one is Terrence Rei Zuowen, a chinese veterinarian but he owns 10 of the biggest hospitals in the world—for humans of course. That two is Demitrius Crivelli owner of Crivelli Corporation, and that is Keith Adrian Dawson an heir of the Dawson Enterprises, two of the biggest company in Asia. Hindi ko na iisa isahin lahat dahil baka abutin tayo ng gabi. I just told you the five richest also known as the Billionaires of 5."

Nakatingin lang ako sa babae habang nagkukwento siya. Sa totoo lang di na ko nagulat dahil kilala ko silang lahat. Si Jules naman mukhang gulat na gulat dahil nakabuka pa ang bibig.

"Hindi ba kayo nagbabasa ng magazines? They we're featured in I think 5 magazines already!" Hindi makapaniwalang tanong ng babae. Binalik ko na ang tingin ko sa laro, ang daldal niya grabe. "Men of Asia magazines? You know that? I heard Keith Dawson will be the cover of the magazine next month."

Nabalik ang tingin ko sa babaeng nagsasalita. Si Keith? Cover ng magazine? Napatingin ako kay Keith at parang gusto kong matawa. Dapat iset nila ang interview 1 hour late dahil siguradong maghihintay sila ng matagal.

"Uhm miss sino ka ba? Kanina ka pa kasi salita ng salita di ka pa nagpapakilala." Narinig kong tanong ni Jules. Ngumiti naman ng matamis ang babae.

"I'm Miranda Crivelli, call me Mira. Nice to meet you."

"Hi Mira." I said and nodded ny head at her without smiling.

"Crivelli? Ano mo si Demitrius?" Biglang tanong ni Jules.

"He's my borther." Tinignan niya si Jules mula ulo hanggang paa. "And you must be Jules, his fiance?"

Nabilaukan naman si Jules ng soft drinks na iniinom niya nang narinig ang sinabi ni Mira.

"Julian Bernadette Tezan. Jules nalang." She lends her hand to Mira pero tinignan lang yon ni Mira.

"Akala mo ba hindi kita kilala? I already know who you are and you're relationship with my brother." Mataray na sabi nito, kawawa naman si Jules mukhang kinakabahan. "Omg! Future sister!"

Pati yata ako nagulat ng bigla nitong yakapin si Jules ng mahigpit. Hindi ko na tuloy alam kung masmaaawa ba ako kay Jules ngayon mukha kasi siyang hindi na makahinga.

Hindi ko na sila pinansin. I let them be and focused on the game. Grabe ang galing ni Keith maglaro at ang gwapo pa.

Nagulat ako nang tumingin siya sa direction ko mula sa field at ngumiti. As usual wala akong reaction kahit na gusto kong sumama sa mga nasa paligid kong babae na parang kiti-kiti sa sobrang kilig lalo na nung tumawa si Keith at umiling.

Relax Jaquie, ang puso mo.

Nang matapos ang game tumayo na ako at nagsimulang maglakad palapit kay Keith pero natigil ako ng makita kong may babaeng yumakap sa kanya. Si Maris. Akala ko ba hindi niya to girlfriend?

Nakita ko nang masaya silang nagkwentuhan kaya naman tumalikod na ako at nagsimulang maglakad. Ano maglalakad ba ako pauwi? Mapupunta nanaman ba ako kung saan?

"Jaquie!" Lumingon ako at nakita ko si Mira at si Jules. Nakahawak si Mira sa braso ni Jules at muntik na akong matawa sa itsura ni Jules.

"You wanna hang out with us? We're going to their victory party. I know naman that you're with Keith." Lumingon siya sa ditection ni Keith at napakunot noo. Nakaakbay kasi siya kay Maris. "But why is he with that girl?"

Hindi ko din alam ang isasagot ko so I just shrugged.

"Hmp anyway I like you better for him even though you're snob and mataray and looking like a heartless woman I know that deep inside you are soft." She smiled sweetly at me at alam kong sincere yun.

Parang gumaan ang pakiramdam ko sa kanya hindi dahil sa sinabi niyang masgusto niya ko para kay Keith--o sige na nga pero medyo lang-- kundi dahil alam kong kahit maarte siya magsalita alam kong hindi siya yung tipong plastic.

I also smiled at her and she dragged me towards a pink car. Mga mayaman talaga.

"Karina!" Sabay sabay kaming napalingon kay Keith. Bakit ba pati sila nakikilingon eh hindi naman karina pangalan nila. I crossed my arms on my chest when he's infront of me. I saw an amusement on his face habang nakatingin saming tatlo. Tumingin ako sa mga katabi ko at aba, lahat kami parehas ang itsura.

"She's going with us to the victory party Keith." Mataray na sabi ni Mira sa kanya. Napatingin naman sakin si Keith.

"Okay." Mabilis na sabi ni Keith. "Sasabay naman sakin si Maris"

"Okay." Walang emosyon na sabi ko.

"Listen Jaquie--"

"Kiko tara na paalis na silang lahat!" Lumingon naman si Keith sa direction ng kotse niya kung saan nakatayo si Maris at tinatawag siya.

"Let's go Mira and Jules." Tunalikod na ako at naglakad papasok sa kotse ni Mira.

Kahit na parang nag aalangan, wala nang nagawa si Keith kundi ang tunakbo sa direction ni Maris. Nakaramdam ako ng lungkot.

"Okay ka lang ba?" Tumango ako kay Jules.

"That bitch! Ang clingy niya pa kay Keith she's not the girlfriend naman! Who is she ba?" Narinig kong galit na sabi ni Mira. Gusto kong mainis at itanong kung sino talaga si Maris sa buhay niya. Pero hindi niya din naman ako girlfriend.

--

A/N: Ang mga votes at comments niyo ang nagpapagana sa akin mag ud. Hahahaha

Tamed by the Billionaire (LOB series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon