Chapter 26

123K 3.3K 306
                                        

Simula nang tumibok ulit ang puso ko nang napakabilis nang dahil kay Keith ay sinubukan ko na talagang umiwas sa kanya. The whole trip to bicol was a torture lalo na at ramdam na ramdam ko ang presensya niya. Kaya naman laking pasasalamat ko nang makarating na kami sa resort where we'll stay.

Infairness, ang ganda ng resort na to. I'm sure mataas ang budget nila for this since they took us to this kind of resort. The sand is white and the place is so gallant.

"I'm sorry maam but the reservation for the magazine shoot that you're referring was moved two days from now." Saad ng receptionist.

"What?!" Hindi makapaniwalang tinignan ko ang babae. Anong pinagsasasabi nito? Wala akong nabalitaan na ganyan. I looked at my planner to check kung tama ba sa date na sinabi nila sa akin and I'm right. "They did not inform me something like that! Paki-check nga ulit."

The girl checked again in the monitor. Pagod ako sa biyahe at gustong gusto ko na magpahinga. Hindi biro ang sixteen hours na biyahe namin and it's already ten in the evening! I looked at Keith na nakakunot ang noo habang nakatingin sa phone niya.

"Keith do you know something about this?"

"Uhm yeah I just received a text message about it." Sakto naman na pagkasabi niya nun ay tumunog din ang phone ko.

Miss Femora, we are really sorry but due to heavy rain we are stranded. There was landslide and the roads are blocked so we decided to move the photoshoot two days from now. We booked a room for you and we hope that you enjoy your stay. Again, we are really sorry. -Wega Magazine Mngmt.

Parang gusto kong ibato sa kung saan ang cellphone ko. Alam ba nila kung anong abala ang ginawa nila? I could've stayed at the office at gawin ang trabaho ko! And two days?! That's too much! Marami na sana akong nagawa sa dalawang araw na yon. At anong landslide ang pinagsasabi nila? Maulan nga pero hindi naman ganon kalakas! Mas lalong nag init ang ulo ko nang mabasa ang text ni Drew.

Kaki hindi agad ako makakasunod sayo diyan. May emergency kasi dito sa office kailangan kong matignan. At hindi daw makadaan ang mga sasakyan papuntang bicol ngayon.

Kung hindi ko lang talaga siya kaibigan malamang itinakwil ko na siya. He's always like this. Naipadyak ko ang paa ko sa sobrang inis na sinabyan pa ng gutom.

"Where's my room?" Singhal ko sa babae sa reception. Alam ko naman na hindi niya kasalanan pero wala akong pakealam. I may look like a brat and a bitch by now dahil sa inaasta ko pero galit ako at gutom.

"You want to eat first?" Tinignan ko ng masama si Keith. Isa pa tong si Keith. Iniiwasan ko nga siya tapos ngayon malaman laman ko na kaming dalawa lang ang nandito sa resort? Ganito ba kagalit ang tadhana sa akin para parusahan ako ng ganito?

"Bakit ka ba nandito? Wala ka bang ibang trabaho?!" Napataas ang dalawang kilay niya sa akin. But something in his eyes made him look amused.

"Nag leave ako sa trabaho." He crossed his arms on his chest and looked intently at me. "I know you're hungry, let's eat."

Hindi na niya ako pinasalita at agad na hinila papunta sa may dining area ng resort. He paid for it at binigyan ako ng pinggan at utensils since buffet ito. Nauna akong pumila para kumuha ng pagkain at iniwan siya. As much as possible ayaw kong kasama siya. But this guy is really stubborn at hindi marunong makiramdam dahil umupo siya sa bakanteng upuan sa harap ko.

Tamed by the Billionaire (LOB series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon