Chapter 8

146K 3.6K 156
                                    

Iminulat ko ang mga mata ko at nasilaw ako sa sinag ng araw. Wait, sinag ng araw? Kapag gumigising ako wala pang araw ah. I looked at may bedside table. "Shit!"

7 am na. Dali dali akong tumakbo papuntang banyo. First time mangyari sa buong buhay ko ang ma-late sa trabaho. Bwiset kasing Keith yan, hindi ako pinatulog kagabi kaka-isip sa kanya. Palagi ko kasing naaalala yung mukha niya kagabi. Yung mga ngiti niya, titig niya.. ugh! Nababaliw na nga talaga ako. Teka parang may nakalimtan ak-- Oh s-hit nasa sala nga pala siya!

Binilisan ko ang pag ligo ko. Hindi ko na rin na-itali ang buhok ko dahil wala nang oras kaya naman bumaba na ako ng hagdan. May narinig akong nagtatawanan sa kusina kaya doon ako dumeretso, natigilan ako ng makita kung sino ang nandoon. "Tatay."

Parehas nadako ang tingin nila sa akin at ngumiti. Tumakbo ako at agad na niyakap si Tatay. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napa-iyak sa tuwa. "Tay, I missed you."

"Uhm Karina.." Hinigpitan ko pa ang yakap ko sa takot na baka mawala nanaman siya sa akin. "Hindi ako ang tatay mo."

Inangat ko ang ulo ko, bigla akong napabitaw nang makita ko ang mukha ni Keith. Nagkatinginan kaming dalawa, hindi ko alam kung anong nasa mukha ko pero nakikita ko ang pag-aalala sa mga mata ni Keith. Tumingin ako sa soot niya, soot niya ang mga damit ni tatay.

"Ehem." Sabay kaming napatingin kay Nanay. Nakangiti siya sa amin pero napansin kong medyo mapula ang ilong niya. "Nakita ko kasi siya kanina anak, madumi ang damit. Kaya ipinahiram ko ang mga damit ng tatay mo.

Tumango ako kay nanay. Tahimik lang kaming lahat at wala ni isang nagsasalita.

"Kain na tayo ng agahan?" Basag ni nanay sa katahimikan.

"Hindi na po nanay. Late na po ako sa trabaho ko." I looked at Keith. "Let's go?"

"Pero anak naman. Kahit ngayon lang?"

"Nay hindi na po sa akin tatalab yang pagpapa-cute niyo. Late na ako oh." Itinaas ko pa ang braso ko kung saan nakalagay ang relo ko. Lumapit sakin si nanay at niyakap ako sa braso.

"Sige na Kaki." Sabi niya sa malambing na tono. I sigh.

"Nay naman, baka po pagalitan ako ng boss ko. Alam niyo naman na ayaw kong nale-late sa trabaho at--"

"I won't." Our attention was turned on Keith, he both looked at us with an amused expression on his face. Napataas naman ang kilay ko. "I'm the boss remember? So I say let's stay and eat our breakfast."

Pumalakpak naman si nanay at masayang umalis para kumuha ng mga plato.

"Dahil sayo may isa na akong late sa trabaho ko." Sabi ko sa kanya habang iniiling ang ulo. I'm trying to hold back my smile. He cocks his head to one side at nakakunot ang noong nakatingin sa akin. "What?" tanong ko.

"I badly want to see you smile." Sabi niya. Pero bago ko pa siya matanong kung bakit niya ako gustong makitang ngumiti ay tinawag na kami ni nanay para lumapit sa lamesa.

"Nanay ang sarap niyo na palang magluto. Hindi na sunog kelan pa kayo natuto?" Pagloloko ko kay nanay habang sinusubo ang battered egg na niluto niya. Kapag kasi si nanay ang nagluluto ng pagkain palaging tutong, masiyadong maalat, o sobrang tamis. Gusto ko na ngang kumuha ng maid pero ayaw niya. Nag-eenjoy daw siya sa pagluluto.

I heard her chuckle kaya napatingin ako sa kanya.

"Hindi ako ang nagluto anak. Yung una ko kasing luto sunog." Napakunot noo ako.

"Hindi ikaw nay? Sino?"

Tumingin ako kay Keith nang ngumuso si nanay sa direction niya. He winked at her, nanay chuckled na akala mo kinikilig na teenager. I rolled my eyes, then I found him looking at me.

Tamed by the Billionaire (LOB series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon