Chapter 15

123K 3K 105
                                    

A soft knock on the door woke me up. Then I heard his voice.

"Wake up princess. Breakfast is ready." I feel silly for smiling just because I liked the way he called me.

Bumangon na ako at nag ayos ng sarili bago lumabas ng kwarto, and there I saw Keith puting the plates on the table. Napaangat ang tingin niya at nahuli akong pinagmamasdan siya. Pero nginitian niya lang ako. Ang ganda talaga ng ngiti niya. "Good morning. Let's eat?"

"H-ha?" He chuckled.

"Kain na tayo. Upo ka na." Bigla naman akong naglakad papunta sa isang upuan sa harap niya.

"Galunggong?" Tanong ko kay Keith ng makita ang ulam sa harap namin.

"Ayaw mo ba? Pwede naman akong magluto ulit ng ibang ulam.." Natigil siya ng umiling ako at ngumiti.

"Naalala ko lang si tatay. Noon kasi kapag galunggong ang pagkain sa harap naming tatlo masaya na kami." Napailing ako ulit. "Ano ba yan ang aga nagdadrama ako. Tara na kumain na tayo?"

Sayang wala na si tatay para saluhan kami ni nanay sa masasarap na pagkain. Teka-- bigla akong napatayo.

"Karina?"

"Nakalimutan ko si nanay! Baka nag aalala na yun sakin." Ano ba namang klaseng anak ako baka ipa-search and rescue na ako ni nanay. Ang OA pa naman nun pag nag-aalala.

"No don't worry I already told her that you're with me." Napatigil ako sa paglakad at lumingon kay Keith.

"Talaga? Kailan pa?"

"The night we arrived. Sabi ko sa kanya tulog ka na kaya hindi ka na niya pinagising sakin." Nakahinga naman ako ng maluwag. "You are really lucky to have her as your mother. She know that something happened but she didn't asked. She just told me to take care of you."

I smiled. Oo ganon si nanay. She tells me that I can be open to her about my problem but she doesn't push it. She just wait until I open up to her voluntarily at minsan kahit nakakagawa ako ng kasalanan hindi niya ako sinesermonan. Hinihintay niya lang na mailabas ko ang mga sana ng loob ko at saka niya ako binibigyan ng mga advice.

"So anong plano natin ngayong araw?" I asked Keith. Kahapon kasi naudlot yung pagpasyal namin dapat sa park. Then I remembered something, or rather someone. A girl to be exact.

"O bakit nakasimangot ka diyan?" Tanong sakin ni Keith.

"Hindi mo nga pala ako masasamahan. Baka may lakad ka nga pala kasama ang girlfriend mo." Napansin ko namang kumunot ang noo ni Keith.

"Girlfriend? I don't have a girlfriend." Ako naman ang napakunot ang noo.

"Si Maris?" He just chuckled

"Silly. She's not my girlfriend."

"Talaga?" Para naman akong nabuhayan ng dugo sa narinig ko. Ha! Sabi na eh hindi niya yun girlfriend. Masmaganda ako eh.

"Yes Karina, so stop your jealousy." He teased.

"Okay." Then I suddenly realized what I just said. Napangiwi ako sa utak ko. Shit. Did I just admit that I was jealous? Kahit nga sa sarili ko hindi ko maamin na nagseselos ako.

Pasimple akong tumingin kay Keith pero nakangiti lang siya sakin. Napataas naman ang kilay ko.

"Probleme mo?" Tanong ko para kunwari di ako affected pero umiling lang siya.

"That's why you left yesterday. Because you were jealous."

"Hindi kaya! Feeling mo ah." Feeling ko ang defensive ng pagkakasabi ko pero nagpatay malisya nalang ako. Bwiset na bibig to. Nawawalan ng control kapag si Keith ang kausap ko.

"Alright. Sabi mo eh." Sumulyap ako kay Keith pero sana hindi ko nalang ginawa dahil kinindatan niya ako. Ngayon tuloy kinikilig na ako. Madali lang sakin magpigil ng galit pero walanjo, ang hirap magpigil ng kilig.

"So ano? Saan tayo ngayon pupunta?" Pagiiba ko ng topic. "Galing na ko sa park kahapon, sa iba naman tayo pumunta."

"Uhm Karina hindi kita pwedeng ipasyal ngayon." Napatingin naman ako sa kanya. "May nauna na kasi akong appointment. If I have only known that you are coming with me.. pero kung gusto mo pwede kang sumama."

"Pwede ba talaga akong sumama o napipilitan ka lang?" He rolled his eyes at me.

"Karina, you can come with me whenever, wherever. Kahit sa dulo pa ng walang hanggan." He winked at me and it's now my turn to roll my eyes at him. Pero hindi ko napigilang ngumiti at mapailing.

"Mahanginan sana yang mata mo." Pagtataray ko, but he just laughed at hindi ko alam kung bakit hindi matanggal ang ngiti sa labi ko habang pinagmamasdan siyang tumawa.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko kay Keith paglabas ko ng kwarto. Kakatapos ko lang mag ayos para sa pupuntahan namin. Tinignan ko yung hawak niya. "Contact lense?"

"Yes." Nilagay na niya sa mata niya ang isa pa pagkatapos ay kumurap kurap. "I hate wearing these things but I have no choice."

Tumingin siya sakin at nakita kong nag-iba ang kulay ng mga mata niya kumpara nung una ko siyang nakita at kapag nagsasalamin lang siya. Brown parin naman to pero hindi na gaya ng dati.

"Masgusto ko ang original na color ng mata mo. Malabo ba talaga?" He nodded.

"My vision is poor pero hindi ko alam kung bakit pagdating sayo lumilinaw."

"Bolero. Saan ba kasi talaga tayo pupunta?" Hanggang ngayon kasi hindi parin niya sakin sinasabi kung saan. Ang ayaw ko pa naman sa lahat ay yung wala akong alam

"I told you, malalaman mo nalang pagdating natin doon." I sighed, he chuckled. Inirapan ko lang siya.

"Lets go." Sabi nito at nagsimula ng naglakad palabas. Teka, mag g-gym ba kami? Ngayon ko lamg kasi napansin ang soot niya. Naka white tshirt, Jersey shorts, at rubber shoes.

"Keith sandali." Tawag ko. Lumingon naman siya sakin. "Okay lang ba tong soot ko? Parang iba kelangan magsoot din ako ng pang sports?"

Nakasoot kasi ako ng dress dahil yun ang masmadaling isoot.. okay nagpapaganda talaga ako. I'm guilty. May kokontra pa ba? Ugh.

"No, you can wear that. You look stunning." Pagkasabi niya nun ng nakangiti ay nagsimula na ulit siyang maglakad palabas. Ako naman naiwang nakatayo na parang kinikilig na teenager. Shocks, I'm stunning daw.

Sumakay kami sa sasakyan niya dahil sabi niya medyo malayo daw ang pupuntahan namin at may dala din siyang mga gamit. Mga 30 minutes din kaming bumibiyahe.

"Nasa San Andres pa ba tayo?"

"Wala na."

"San mo ba ko dadalhin? Isasalvage mo ba ko sa lugar na walang tao?" I joked. I can see that he's holding back a smile.

"Never in my life did I imagine that you're going to make a joke." He said to me smirking and I just rolled my eyes at him.

"Tigilan mo ko Keith Adrian. Saan talaga tayo pupunta? Isa.." Hindi manlang yata natinag ang lalaking ito kahit binibilangan ko na siya dahil nginitian niya lang ako.

"Pretty impatient woman." Narinig kong bulong nito habang umiiling. Pretty impatient woman? Ako yun. Alam kong ako yun. I'm pretty and I'm a woman nevermind the impatient basta pretty ako.

Lumiko ang sasakyan pagkatapos ay nagpark. May mga nakikita pa akong iba pang sasakyan at halata na mga mamahalin din ang mga ito. Marami ring tao ang naglalakad at may naririnig pa akong nga nagsisigawan sa di kalayuan.

"Anong meron?" Tanong ko kay Keith.

"We have a game."

"Anong game?" Tanong ko pero hindi siya sunagot. Hindi ko na siya pinilit kung anong game ang sinasabi niya dahil alam kong di parin niya sasabihin.

Lumabas na kami sa sasakyan, nasa likod niya lang ako habang naglalakad kaya hindi ko mapigilan ang titigan siya. Ang ganda talaga ng katawan niya, yung tipong hindi kailangan ng malalaking muscles pero alam mong macho parin.

"We're here." He said.

Oh. A game. Ang tanging pumasok sa isipan ko.

---

AN: thank you sa mga votes and comments niyo. :)

Tamed by the Billionaire (LOB series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon