Michael Ford Point of View
"OK guys, if tapos niyo na ang pag gawa ng tent ninyo, ayusin niyo na ang mga gamit niyo sa loob nito"-sabi ko sa kanila.
Tumingin silang lahat sa akin.
"Yes, Mr. Ford!"Ngumiti naman ako at saka nag-ayos narin ng gamit ko.
Third Person Point of View
Habang nag-aayos ang lahat bilang sumigaw si Alliyah at Merideth.
"Oh my Gosh!!!!!!!!"
"Whaaaaaat?????!!!!"
Dali-daling lumabas ang lahat at nilapitan sina Alliyah at Merideth na naluluha na.
"Anong nangyayari?"-takang tanong ng lahat sa kanila.
"Yung mga gamit ko!!! Pinalitan ni Mom! Wala na ung mga gamit ko! Wala na! Di ko na magagamit ung mga shorts ko huhuhu"-naiiyak na sabi ni Alliyah habang hawak ang napakaraming pj at jeans.
"Yung mga make up kits ko. Yung fake boobs and fake ass ko! Huhuhu wala na! Ang sama mo talaga kuya Emanuel!"-sigaw naman ni Merideth habang nakaluhod na rin.
Nagkatinginan ang lahat Tas sabay-sabay na umiling.
"Saan naman nila magagamit ang mga iyon? Dito? Ahahha mga baliw!"-tawa ni Abegail at pumasok na sa kanyang tent. Ganon din ang ilan.
Naiwan lang ang dalawang nanlulumo sa labas ng kanilang sariling tent
Minutes later
"Ok, guys may activity kayo ngayon pero mamayang 3:00 pm pa. So ano ang gusto nitong gawin?"-tanong ni Mr. Ford sa lahat.
Nagkatinginan ang lahat. Parang may kung ano sa tingin nila. Para silang nagkakaintindihan.
"Hide and seek!"-sigaw nilang lahat.
Natawa naman si Mr. Ford dahil sabay-sabay silang sumigaw.
"Ok! Game ako jan!"-sabi ni Mr. Ford kaya nagkatinginan ulit ang lahat.
"Ikaw taya!"-sigaw ulit nila at saka nagtatakbo na sa loob ng gubat.
"Ok!! But be safe!"-sigaw ni Mr. Ford at saka humanap ng puno.
Lumapit siya rito at tumingin sa taas at kumanta na.
"Tagu-taguan maliwanag ang buwan. Wala sa likod, wala sa harap. Pagkabilang ko ng sampo nakatago na kayo!
Isa
Dalawa
Tatlo
Apat
Lima
Anim
Pito
Walo
Siyam
Sampo!
I'm ready to find you all!"-sigaw nito at nagsimula nang maghanap.
Habang abala sa paghahanap si Mr. Ford at habang nagtatago ang ilan. May dalawang bulto ng tao ang patagong umalis sa lugar na iyon para maghanap ng mas magandang lugar para sa kanila.
"Wait"-sabi ng isa sa kanila.
"Shhh. Wag kang maingay! Dali na"-sabi naman ng isa at kinuha ang kamay ng taong nag 'wait' saka siya nagpatuloy na naglakad.
Habang naglalakad silang dalawa. May napansin ang isa na may kweba.
"May kweba"-bulong na sabi ng isa kaya napangiti naman ang isa. Saka sila dali-daling naglakad papunta sa loob nito.
YOU ARE READING
Camping
Mystery / ThrillerComplete Story Isang activity ang naganap. Activity for the student who will graduate on the year 20**-20**. An outdoor activity. Magiging masaya kaya ang huling high school life nila? Want to know? Then come, you are invited to be one of the camper...