Camping #5

46 3 0
                                    

Michael Ford Point of View

"Ye- wait, makikisalo ka rin sa amin Mr. Ford?"-takang tanong ni Merideth sa akin

"Oo naman"-sagot ko naman.

"Then dapat tumulong ka rin sa paghahanap!"-sabi naman ni Alliyah sa akin. Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Anong tutulong hindi pwede"-kontra naman ni Phython.

"Oo hindi talaga pwede!"-sabi ko naman at saka nginitian si Phython.

"Hindi siya pwedeng tumulong, dahil siya mismo ang magsasabi kung nasaan ang treasure!"-nakangiting sabi ni Phython kaya napasimangot ako.

"Oo nga!"-sang-ayon nilang lahat. Napahawak naman ako sa aking noo.

"Really guys? Its your activity!"-sabi ko habang sapo ang aking noo.

"Aahh. Activity pala natin heheh, so tayo na?"-sabi naman ni Abegail kaya natawa naman ang ilan.

"Alis na po kami Mr. Ford!"-sigaw nila at nagtatakbo na papasok sa gubat.

"Mag-ingat kayo ah! Be back together and do your best to find the treasure!"-sigaw ko sa kanila. At saka naglakad na ako papunta sa aking tent para magpahinga.

Mukhang napagod talaga ako sa kakahanap sa mga batang iyon ahahaha.

Phython Winchester Point of View

"Maghi-hiwalay tayo para mas mapadali ang paghahanap. Mahirap na kapag maabutan tayo ng dilim sa loob ng gubat"-sabi ni Alexander kaya napatango kami.

Kami ni Alliyah.
Abegail at Merideth
Naomi, Skyler at Alexander naman.

Naglalakad kami ni Alliyah, ayaw ko siyang kasama eh. Maarte siya at hindi nauubusan ng salita.

"Ano ba yan, ang daming mga damo sa paligid! Ewww"-maarteng sabi niya habang hinahawi ang mga matatangkad ng konti na damo sa dinaraanan niya.

Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ang paghahanap.

Minutes later

"Stop your mouth please! Nakakairita!"- gigil na sabi ko at pinagpatuloy ang paglalakad.

Kanina pa kasi eh!

"Hindi ka ba nandidiri?"-tanong nito. My gosh! Wag mo akong idamay sa kaartehan mong babae ka.

"Hindi"

"Hindi ka ba natatakot?"-tanong na naman niya.

"Hindi"

"Pano kung may multo?"-tanong niya ulit.

Kaya marahas akong napatingin sa kanya.

"Kanina ka pa ah walang mult-"-hindi ko natuloy ang aking sasabihin dahil may biglang gumalaw sa damuhan.

Sabay kaming tumingin ni Alliyah sa part na may gumalaw.

"H-hayop lang iyon!"-pilit na pinapasigla ang aking boses. Sh*t naman eh.

Maglalakad na sana kami ng bigla na naman itong gumalaw at mas malakas na kaya nagkatinginan kami ni Alliyah at saka tumakbo sa iisang lugar.
Habang natitili.

"Ahhhhhhhhh multo ahhhhhhhhh"

"Putakte kang multo ka ahhhhhhh"

Abegail Evans Point Of View

"Bakit ikaw pa kasi ang kasama ko ha tomboy!"-gigil na sabi ni Merideth sa akin.

"Eh ano naman ha Bakla? Ano sa tingin mo gusto kitang kasama? No way!"-sigaw ko naman sa kanya. Ang kapal naman ng mukha niya! Grrrr.

CampingWhere stories live. Discover now