Third Person Point of View
Isang sigaw ang bumulabog sa bulong kagubatan. Dahil sa sigaw may mga ibon na nagliparan at ibang hayop na nagising.
Napatingin lahat ng mga estudyante sa isang direksyon kung saan pinagmumulan ng sigaw. Isa lang ang alam nila ang sigaw na iyon ay nanggagaling kay Alliyah.
Kahit nasa iba't ibang parte sila ay sinundan ng lahat ang pinanggalingan ng sigaw habang sigaw ang pangalan ni Alliyah.
Bawat sigaw nilang lahat ay makikitaan ng matinding takot na bumabalot ngayon sa kanilang pagkatao.
Phython Winchester POV
Habang hinahanap ko si Merideth ay bigla akong nagulat dahil sa isang sigaw, at sinabayan ng nga ibon na nagliparan na para bang nabulabog.
"Ahhhhhh!"
Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. Alam kong boses iyon ni Alliyah.
Pero ano ang dahilan ng kanyang pagsigaw? Nakakita ba siya ulit ng caterpillar? O multo?
Hindi na ako nagsayang ng oras at tumakbo na papunta sa direksyon kung saan nanggagaling ang boses.
"Alliyah!!!"-sigaw ko habang tumatakbo.
Mga ilang minuto rin ang aking tinakbo kahit na nanginginig na ang aking mga tuhod. Tumigil muna ako habang nakadantay ang mga kamay ko sa aking mga tuhod. This is hell. Nabawasan ata ako ng dalawang kilo. Wala pang isang minuto at sumigaw ulit si Alliyah kaya nagtatakbo ulit ako.
'Tangna mo Alliyah kapag yang tinitilian mo uod lang, makakatikim ka talaga ng sabunot to the max!'
Habang papalapit ako ay palakas nang palakas ang sigaw ni Alliyah.
Ilang minuto rin ay nakikita ko na si Alliyah na nakaupo habang nagsisisigaw.
Nagulat ako dahil nagsulputan narin ang iba galing sa ibang direksyon. Tumakbo ako papunta kay Alliyah at lumuhod sa habang niya saka ko siya hinawakan sa balikat.
"Anong problem—"
Hindi ko natuloy ang tatanungin ko nang sumagaw narin ang iba.
"Anon—"
Hindi ko ulit natuloy dahil may tinuturo si Alliyah sa likuran ko.
Unti-unti akong lumingon sa tinuturo niya. At doon ako napasigaw at napa-urong ng patalikod.
"A-anong ibig sabihin nito?!"-nauutal na tanong ko habang papaatras na naka harap sa may lawa kung saan nakalutang ang namumuti at matabang Merideth.
Umiiyak na kaming lahat dahil sa takot at sa pagkamatay ni Merideth.
Third Person Point of View
Matagal na nakatingin lang sila sa lumulutang na bangkay habang sila'y umiiyak.
"Hindi ba siya marunong lumangoy?"-umiiyak na sabi ni Abegail.
"No! He know how to swim. He is one of the best swimmer in our school. Madami na rin siyang nakuhang mga awards" mahinang sabi ni Alexander. Kaya ito'y nagtataka kung bakit nalunod si Merideth.
"Yeah, he was entitled the gay mermaid of the pool. He is good in swimming, he can do some tricks too under the water"-sunod na sabi ni Phython habang umiiyak.
YOU ARE READING
Camping
Mystery / ThrillerComplete Story Isang activity ang naganap. Activity for the student who will graduate on the year 20**-20**. An outdoor activity. Magiging masaya kaya ang huling high school life nila? Want to know? Then come, you are invited to be one of the camper...