CHAPTER ONE.
DEIGNH'S POINT OF VIEW
Hinabol ko 'yung lalaking kumuha ng mamahaling necklace no'ng babae kanina. Kung tutuusin, hindi ko alam kung bakit hinahabol ko 'to. Hindi ko rin aakalaing ganito ako kabilis tumakbo. Pwede pala ako maging runner!
Konti nalang ang pagitan namin ng snatcher at agad ko siyang sinipa, dahilan para gumulong-gulong siya sa kalsada.
Napangisi ako't nilapitan ang magnanakaw. Kinuha ko agad sa kan'ya 'yung necklace na dinekwat niya sa babae.
And a hero saved someone once again.
"Psst huy!"
"Alam mo, mapapagod ka lang. Hindi mo 'yan maiistorbo. Nasa dreamland pa 'yung isip niyan."
"Eh kasi ipapasa na 'yung test paper."
"Oh ito na, h'wag mo na 'tong guluhin." Nabalik ako sa realidad nang maramdaman kong may kumuha ng papel ko sa may bandang braso ko kung saan nakaipit ang papel.
"Ayan na. Gising na siya. Good morning Deignh! Kumusta daydream?" Sabi ng kaklase ko. Ngumiti nalang ako at napakamot sa ulo.
"Good morning din—" Biglang nagbell kaya nagkatuwaan mga kaklase ko sa loob.
"Class dismissed. Umuwi agad nang maaga. Maraming nararape dito." Tumango lang kami at nagsilabasan na 'yung iba. Uwian na pala. Akala ko umaga palang.
Sinukbit ko na ang bag ko at inilagay ang mga gamit ko. Pumunta ako sa locker room para ilagay ang mga librong hindi ko na gagamitin. Tapos na kasi ang exam ko sa Math at Science.
Nagulat nalang ako nang may bumato ng papel sa akin. Hinanap ko kung sino 'yun. Nakita ko ang mga bullies na tumatakbo papalayo. Napailing nalang ako at itinapon sa basurahan ang papel.
Hindi nila ako mababadtrip ngayon kasi good mood ako ngayon! Haha!
Sinong hindi magiging good mood kung nakapagligtas ako ng isang babae mula sa snatcher na 'yun? Diba? Diba?
Napabuntong hininga ako. Binubully lang naman nila ako kasi ang lalim ng iniisip ko. Ngayon lang ba sila nakakita ng ganun? Ba't doon sa dati kong school normal lang 'yung may lutang sa klase ah! Lalo na kapag boring 'yung klase.
Sa case ko kanina, natapos na ako sa exam nang maaga kaya hindi ko maiwasang hindi mapunta sa sinasabi nilang 'dreamland' ko.
Ang ganda-ganda kaya ng naimagine ko kanina. Isang good deed 'yun no!
Umuwi nalang ako, baka marape pa ako sa daan. Nakakatakot pa naman 'yung kinekwento ng teacher namin.
END OF CHAPTER ONE.
![](https://img.wattpad.com/cover/196029049-288-k357621.jpg)