CHAPTER FIVE.
DEIGNH'S POINT OF VIEW
"Wow." Ang ganda ng garden!
Punong-puno siya ng iba't-ibang klase ng bulaklak. 'Yung iba pa nga hindi ko alam tawag. Ngayon ko lang sila nakita.
I heard him chuckle. "Basing from what you reacted, it's your first time seeing this." Aniya habang pinagmamasdan ang mga bulaklak.
"Teka, paano mo ba nalaman 'to? Bago ka lang naman eh." Angal ko.
"Dad owns this."
"Ano naman kung papa mo 'yung—" Napanganga ako. "Anak ka ng director?!"
"Can't you lower down your voice?"
"Peace. Pero bakit ngayon ka lang dumating sa buhay ko?" Napakunot noo niya.
"Ay este! Ba't ngayon ka lang kako nag-aral dito?"
"I just don't feel it. I'm studying abroad. It's cool though." Napatango nalang ako at nanahimik. Nakakahiya naman kung kwestyunin ko buong pagkatao niya. Baka sabihin ang tsismosa ko.
Lumipas ang ilang minuto na purong katahimikan.
"Aren't you asking me anything?" Napatalon ako sa gulat nang magsalita siya.
"Ah eh ayoko na. Baka sabihin mo iniinterview na kita kapag nagtanong ako."
"Pfft. It's okay. It makes me feel quite interesting whenever someone asks me anything about myself."
"Ah gano'n ba? Ilang taon ka na? Kailan birthday mo? Favorite color? May pet ka? Paano ka ginawa ng magulang mo—" Napatakip ako ng bibig. Kaya ayoko ng nagtatanong eh. Walang kupas bibig ko.
Humalakhak siya. "You're cute."
"Di ah, maganda kaya ako." Natawa lang siya ulit.
"Mukha ba akong nagjojoke? Ayan oh tignan mo mukha ko nang maigi." Inilapit ko ang mukha ko sa kan'ya.
Natahimik naman ito. "Diba? Maganda 'yan." Ngumiti ako. Nakatitig lang siya sa akin.
Narealize ko na ang lapit pala namin sa isa't-isa.
"Ay sorry!" Nailayo ko ang sarili ko pero nagulat ako nang hapitin niya ako sa bewang ko at mas inilapit pa niya ang mukha niya sa'kin.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
Naduduling na ako sa sobrang lapit niya sa akin. Napapikit nalang ako dahil hindi ko na kaya.
Is he gonna kiss me?!
END OF CHAPTER FIVE.
