FOUR

1 1 0
                                    

CHAPTER FOUR.

DEIGNH'S POINT OF VIEW

Kanina pa ako palakad-lakad. Kinakabahan ako. Ngayon lang ulit ako nakapunta sa office. Huling punta ko dito nung napagalitan ako kasi sinasagot ko raw 'yung math teacher ko. Eh may mali lang naman siya do'n sa tinuturo niya kaya tinama ko.

"Can't you atleast sit still?" Natigil ako sa paglalakad at hinarap si Fhrinze. Kanina pa siya nakatingin sa akin.

"Sabi ko nga uupo na." Umupo ako sa sofa. Galing no? May pa-sofa sa office.

Napahilamos ako sa mukha ko. Ano ba 'yan, ang tagal naman dumating ng teacher na 'yun.

Nakarinig ako ng mahinang tawa. Napatingin ako kay Fhrinze na ngayon ay lihim na tumatawa. "May problema ka ba?"

"Ah, nothing." Bigla itong tumayo at lumabas ng office.

"Hoy saan ka pupunta—" Nasarhan na niya 'yung pinto. Bastos.

Hindi kaya tumakas lang 'yun?

Lalabas na sana ako ng pinto nang maabutan ko teacher ko. "Are you escaping, Deignh?" Napailing ako.

"Hindi po! Si Fhrinze po kasi—" Sinara niya ang pinto at umupo.

"Let him be. Babalik naman daw siya dito. How thoughtful of him. Pero he still needs to explain his behavior earlier at my class." Napakamot ako sa ulo.

"Same goes to you. Hindi porket ikaw top-notcher sa klase, matutulog ka na." Napailing ito.

"Sorry po. Binangungot po kasi ako kanina, hindi na ako nakatulog kaya po inantok ako bigla ng ganitong oras." Paliwanag ko.

Bumukas ang pinto at bumungad si Fhrinze na may dalang plastic. Lumapit siya sa akin at idiniin ang plastic sa noo ko. Ang lamig!

"Take a seat, Fhrinze." Pinahawak niya sa akin 'yung plastic ng yelo bago siya umupo.

Nakatulala lang ako. Kaya ba siya lumabas dahil dito?

Nag-usap lang sila, hindi ko na namalayan ang oras dahil abala ako sa paglalagay ng yelo sa noo ko. Akalain mo nga naman, mabait pala 'to.

"Your reasons are valid. But still, sleeping during my class is still invalid. Meet me again after dismissal. Detention. You may now leave." Ugh, ayoko pa naman umuwi ng late.

Ayun, lumabas na kami ni Fhrinze at babalik na ng classroom.

"Psst! Oi." Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. He's standing one meter away from me. "Welcome." Biglang nagsink-in sinabi niya sa'kin.

"Ay oo nga pala!" Tumakbo ako papalapit sa kan'ya at ngumiti. "Thank you sa yelo. Mabait ka naman pala."

"I'll take that as a compliment." Natawa ako.

"Wanna join me ditch the class?" Napakunot noo ko. "Masama 'yun boy!"

Napakibit-balikat siya. "May detention na rin naman. Might as well make my detention worth it."

"You're just adding fuel to the fire—uy teka!" Bigla niya akong hinatak at dumaan sa tagong lugar ng school.

"Fhrinze ano ba 'yan—"

"Shh, you're too noisy." Dumaan kami sa isang garden na hindi ko alam na may ganito pala sa school. 'Di ko naman nililibot 'tong school kay wala akong alam sa lugar.

Pero awit, paano nalaman ni Fhrinze 'tong lugar?

I sighed. Bahala na nga, isang beses lang 'tong pagcucutting na 'to.

END OF CHAPTER FOUR.

CLOUD NINEWhere stories live. Discover now