Suitors
Hindi rin ako nagtagal nang araw na pumunta kami kila Reegan. Nauna akong umuwi sa kanila dahil may pinuntahan pa kami ng parents ko.
I wanted to finished their practice first but then, I have no choice. Hindi pa nga pumapatak ang kamay ng orasan sa tres ay umalis na kami. Hindi rin ako nakapagpaalam ng mabuti nun pero ipinagkibit balikat ko nalang, atleast nakapagpaalam kila tita Guilline at tito Vilancio. Reegan and his friends are cool about it, it's no big deal.
I was walking towards our classroom when I saw Quem and Jiro waiting outside the door. Pasukan na rin kasi kaya nandito na sa school. Kumunot ang noo ko nang makitang tinapon nila ang bulaklak na hawak sa basurahan. Lumapit ako sa kanila.
"Quem, Jiro, what are you two doing here?" I asked. Gulat silang napalingon sa akin ngunit hindi rin tumagal ang ilang segundo ay agad na ngumiti. Tinaasan ko sila ng kilay.
"At ano yung tinapon niyo? May natitipuan na naman ba kayo sa loob ng classroom?"
"Wala. Pumunta lang kami dito para imbitahan ka sa Saturday. Punta kami kila Zilmer, sama ka?" Quem asked instead and walked closely towards me. Blocking my vision of the garbage can that has the ruined flowers.
Naniningkit ang mata kong tiningnan silang dalawa. Napakamot sa batok si Quem na parang may ginawang masama. Tumaas ang kilay ko.
"No. We have a group activity this coming saturday. Saka na lang."
Gusto ko mang sumama sa kanila lalo na't sa kila Zilmer sila pupunta ay hindi pwede dahil may gagawin kami ng kaklase ko. Bigla akong nanghinayang. Wrong timing talaga.
"Ah, sige Jea. Alis na kami. Yun lang pinunta namin dito, bye." si Quem at agad na hinigit si Jiro paalis doon. Sinundan ko lang sila ng tingin hanggang sa makapasok na silang dalawa sa classroom nila.
Lumapit ako sa basurahan kung saang may bouquet ng pink roses at kinuha iyon. Nasa labas lang kasi kaya madaling makita. My curiosity wanted to know what's behind of Quems immediate action of throwing the flower in the garbage can. I checked their classroom door if they were both standing there, pero mukhang nasa loob na sila ng classroom nila.
Binalik ko ang mata sa hawak na bulaklak at kinuha ang maliit na papel doon. I opened it and read the name of the supposed receiver.
"Shine Evista?" kumunot ang noo ko. Sino naman kaya ito?
The surename is familiar but I don't know the name itself. Itatapon ko na sana muli ang bulaklak nang may marealize kung bakit hawak ito ng mapaglarong si Quem.
Wait. May nililigawan na ba ang lalaking iyon?
This is a first! Hindi yun marunong manligaw! Napangisi ako sa naiisip. Kung ganun, may pang-aasar na rin ako sa lalaking iyon. Pero bakit niya tinapon ang hawak na palumpon ng rosas. Tinangihan ba siya? My god! That great naughty Loviquem? Napatawa na ako.
"Hoy Jeahya! Anung tinatawa-tawa mo diyan? Para ang baliw." napatalon ako sa tawag na iyon at napalingon sa likod ko.
It was Quem again with confused look. Nang bumaba ang mata nito sa hawak kong bouquet ay nanlaki ang mata nito at agad na lumapit sa kinatatayuan ko.
Hindi pa man ako nakakapagsalita ay bigla niya na lang iyon hinablot sa kamay ko at nagmamadaling pumasok muli sa classroom nila na katabi lang ng classroom namin. Napatawa na talaga ako. I can't even imagine Quem doing some cheesy things! Oh my god! This is a great news!
Si Jiro naman ay nawi-weirduhang tumingin sa akin. Hindi ko alam na lumabas din pala ang isang 'to para alamin kung anung nangyari kay Quem.
"Lumalaki ang bibig mo pag-tumatawa ka Jea, alam mo ba yun?" komento nito sa akin na nakapagpahinto sa tawa ko. "Lalo ka ring pumapangit." dagdag pa niya.
BINABASA MO ANG
Accepting His Rejection (COMPLETE✓)
Short StorySteffanni Jeahya Dee is belong in the high socialite students in their school. Bubbly, talkative and very straight forward girl, she met her childhood neighborhood again. Most of the boys confessed their feelings to her but never the guy she's been...