Fourth Chapter

629 21 0
                                    

His word

Nagtataka pang sinundan ako ng tingin ni ate Welia dahil sa pagmamadali kong mag-ayos. Tinanong pa ako kung saan ako pupunta at sinabi ko naman na kila Reegan. Eventhough I'm heading to del Conje's house.

Lumapit ako sa whole length body mirror at tiningnan ang repleksyon ko. I wear a simple grey v-neck shirt that hug my body perfectly and paired it with a faded denim shorts. Tumalikod ako para e-check kung maayos ba ang pagkakatali sa buhok ko. Then I walked towards the lines of my shoes. I get my Fila brown sandal that has cover on the middle foot while opened on the side and pedal. It was simple yet wonderful. Plain lang siya ngunit napakaganda sa paa ko.

Tiningnan ko pa muli ang pagkakaayos sa itsura ko. I didn't wear any make-up. Konting pulbo at lip balm lang. Natural lang din naman ang pitik ng pilik mata ko at medyo makapal din ang kilay ko. It has a natural shape and my cheeks are already flushed. My nose is sharp and narrow at bumagay iyon sa bilugan kong mukha.

I straightened and got my cellphone after. Malapit lang naman ang pupuntahan ko kaya hindi ko na kailangan magdala ng bag.

Lumabas na rin ako sa kwarto ko at bumaba na. Nasa salas lang din si ate Welia, mukhang hinihintay ako.

"Oh Jeahya, tapos kana pala. Dito ka ba magla-lunch o kila Reegan na?" she asked me while holding a basin with water.

"Doon na lang ate at saka, baka hapon na rin ako umuwi." paalam ko sa kaniya. Baka kasi sunduin pa ako e ang tanda ko na para puntahan na parang grade schooler pa.

"Sige sige. Sasabihan ko na lang sila ma'am Francia na doon ka sa pinsan mo pupunta." she said pertaining to my mother. Tumango na lamang ako sa kaniya at naglakad naman na siya papasok sa kusina.

"Sige ate Welia! Thanks!" habol ko pa sa kaniya bago nagmamadaling lumabas nang tumog ang text alert tone ng cellphone ko.

Binalewala ko na lang iyon at agad nang naglakad papunta sa gate nila Zilmer. Pinindot ko ang buzzer dun at tamang tama naman ang paglabas ng naka-unipormeng babae sa gate nila na may dalang black garbage bag. It was there maid.

Nakilala rin naman niya ako dahil minsan na rin ako nakapunta dito. Pinapasok ako at sinabihang nasa salas lamang ang mga bisita at sila Zilmer. Kumunot pa ang noo ko dahil sa sinabi niya ngunit hindi na lamang ako nagtanong at naglakad na papasok.

Swimming pool ang unang bumungad sa akin at ang maliit na hardin doon bago ako nakapasok sa loob ng malaking bahay. The house is a three storey and has modern design. Mahahalatang renovated ito.

May ingay akong naririnig sa kabilang pasilyo kaya doon ako tumungo. Papunta iyon sa ginawang music room nila Zilmer dito. Kahit saan ata lumipat ang pinsan ko at kaibigan niya ay hindi mawawala ng practice room nila.

Tumunog muli ang cellphone ko kaya binuksan ko na iyon. Muling nag-text si Jiro sa akin.

From Jiro:

Nasan ka na? Naglalampungan na ang lalaki mo dito kasama ang babae niya.

Hindi ako nag-reply sa kaniya at nagmamadaling maglakad papunta sa isang pinto sa baba, medyo malapit sa sala ng kanilang bahay. Bumibilis din ang dagundong ng dibdib ko dahil sa nabasa. Naiinis na naman ako.

Pagkarating sa harapan ng pinto ay walang katok katok akong binuksan iyon. Pagkabukas ay bigla akong natigilan sa nadatnan sa loob. Napaawang ang labi ko. Ang init na nararamdaman ko ay unti-unting tumaas sa mukha ko hanggang sa nasakop na nito ang buong ulo ko. Nawala rin ang ingay nang lahat ng tao sa loob ay napatingin sa gawi ko.

Hindi lang sila Jiro, Reegan, Quem at Zilmer ang nandoon. There are six more boys and four girls. Seconds later, a realization hit me.

Oh my god!

Accepting His Rejection (COMPLETE✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon