Crush
Limang Letra,
Pero ang hirap
mapasa-akin
Crush lang kita noon?
Pero ano nang nangyari ngayon?
Ano nga ba ang nangyari?
Bakit nga ba kita minahal?
Oo, tama ka
Mahal na kita
Pero maling
mahalin kita
Mali
Dahil alam kong
May mahal kang iba
At siya yun di ba?
Ang babaeng
Palagi mong kinukwento sa akin,
Ang babaeng
Bumihag nang puso mo
Ang babaeng
Napaka-swerte,
Dahil siya ang mahal
Nang lalaking mahal ko
