Sa Likod Ng Kanyang Magandang Ngiti

6 0 0
                                    

Suot ang isang magandang ngiti,
Walang makakapansin
Ng sakit at lungkot
na iyong nararamdaman

Isang ngiti na parang mahiwaga,
Dahil natatago nito ang totoong
Nararamdaman

Ang totoong nararamdaman
Na patuloy mo lang tinatago,
Dahil natatakot kang mahatulan
Ng mga tao

Taong nakapaligid sayo
Na hindi lubusang alam
ang nangyayari sa buhay mo

Ngunit sabihin mo man ito,
Ay wala pa ring magbabago.
Hahatulan at Hahatulan ka pa rin
ng mga tao

Mahahatulan sa nangyayari sayo,
Kahit hindi alam ang buong kwento
ng buhay mo

Sila ay bulag sa katotohanan,
Na ang babaeng may magandang ngiti
Ay may tinatatagong sakit

Sakit na gabi-gabing nagpapaluha 
at araw-araw na dumudurog sa kanya

PoemsWhere stories live. Discover now