Suko Na

8 0 0
                                    

Isa,
isang besses na nating sibukuan.
Pero hindi talaga kaya pa,
Kaya suko na.

Suko na,
Sa pagpilit ng pagmamahalang
Walang kasiguraduhan
Na mauuwi sa masayang katapusan.

Sinukuan,
Ang pagmamahalan na inakalang walang katapusan.
Ngunit tayo'y mali doon
Dahil natapos na ang pagmamahalan.

Pagmamahalan na,
Pinangakong hindi kailan man matatapos,
Ngunit ngayon ay masasabi kong tapos.

Tapos na,
Ang pagmamahalan na inakalang walang katapusan.

Nasayang,
Ang paglaban sa pagmamahalang
Nauwi rin sa katapusan.

Patawad,
Dahil sa pagmamahalan
na hindi naipaglaban.

At paalam,
Sa mga alaalang kailangan
nang malimutan.

PoemsWhere stories live. Discover now