Tara,
laro tayo
Tagu-taguan
Maliwanag ang buwan
Magtago ka
At magtatago ako,
Magtatago nang nararamdaman
Para sayo
Pero teka?
Tagu-Taguan pa ba ito?
O tagu-taguan
nang nararamdaman?
Sandali, Huminto muna tayo
Nang panandalian
At ramdamin
Ang aking nararadaman
Teka, nakalimutan ko
Kahit ano nga palang gawin ko
Hindi mo pa rin mararamdaman
Ang pagmamahal ko
Pero ikaw di ba? Ikaw
Ang lalaking manhid na aking minahal
Pero teka? Manhid ba talaga
o talagang may ibang mahal?
Oo tama ako,
May mahal ka nga lang talagang iba
Pero kahit kailan ay
Hindi magiging ako
Magiging ako yung babaeng
Minamahal mo ngayon,
Dahil kahit anong gawin ko
Kaibigan pa rin ang turing mo
Dahil dun ay unti unting huminto
Ang aking paligid,
At ako'y napapikit ng mariin
at napahiling
Pagbilang ko ng
Isa... Dalawa... Tatlo...
Sana sa aking pagmulat,
Wala na ang pagmamahal na
Nararamdaman ko para sayo
