Dumating na ang nakatakdang panahon
Na kailangan tayong magkalayo,
Ako'y nilalayo ni Tadhana sayo
Tayo'y pinaglalayo sa isa't isa,
Pero ano nga bang magagawa natin di ba?
Walang iba kundi tanggapin.
Tanggapin na hanggang dito
Na lang tayong dalawa
Pero bago tayo Ipaglayo
Ni Tadhanang mapaglaro,
pwede ba??
Oii pwede ba?
bago ko gawin
ang paglayo at paglimot sayo,
May hihilingin lang sana ako
Kahit isang besses lang
pwede bang payakap?
payakap ng mahigpit
na para bang
Ayoko nang bumitaw
At yakap na magpapahiwatig
Na sana ako na lang,
Ako na lang ang babaeng para sayo
At ang huling yakap
Nating dalawa,
ang mag-iiwan nang
ating mga ala-ala
Mga ala-ala nung tayo pa,
Yung meron pang maitatawag na
Ikaw at ako
At ang yakap
Na nagsasabi
Na tayo'y umaasa pa
Umaasa na
Ikaw ay para sa akin
At ako'y para sayo
Tayong dalawa ay umaasa
Na tayo ay para sa isa't isa
Umaasa na meron pang
Ikaw at ako
