Akala ko
Ikaw na ang huling
lalaking mamahalin ko,
Pero mali pala
Akala ko,
Patuloy na akong magiging masaya
Ngunit mali pala ako,
Ako'y masasaktan rin pala
Ikaw ang nagbuo
Sa puso kong durog,
Ngunit ikaw rin pala
Ang dudurog ulit nito
Ang puso kong buo
Na dinurog mo,
Na para bang
Pamintang buo
At ang puso
Kong nagdurugo,
Dahil sa mga kutsilyong
Nakabaon dito
Ako'y para bang
Naging bola mo,
Dahil ako'y pinaglaruan
At pinaikot-ikot mo
