@ship Day 2
Pagkagising ko dumungaw ako kung natutulog paba si tatang pero wala na siya roon.
Nilibot ko ang aking paningin pero hindi ko siya masumpungan.
Tumingin ako sa mesa at nakita ko ang pagkain na nasa isang mangkok na tinatakpan ng plato.
Nasan kaya si tatang?Saan nanaman kaya yung nag punta.
Pumasok muna ako sa banyo at naligo.pinatuyo ko muna ang aking buhok gamit ang tuwalya.
Umupo na ako sa isang silya upang mag simulang kumain.
Akmang kakain na ako ng biglang bumukas ang pinto at dali daling bumungad sa aking harapan si tatang na pawis na pawis.
Ta--tang anong nangyayari sayo?tanong ko.
Wa--la kumain ka na diyan.maikling sagot niya.
Tatang kumain kana bah?tanong ko.
Hindi na ako sinagot ni tatang at deritso lang itong humilata sa higaan.
Umagang-umaga pero bat inaantok siya wala bang tulog si tatang kagabi..
Haystt..never mind.
Wala naman akong magawa sa loob ng silid na to kaya lumabas nalang ako.at gaya ng kahapon naglakad na naman ako sa isang espasyo.nadadaanan ko pa ang mga silid na maririnig na may nagpapa music,nagkakantahan,nagtatawanan,at ang pinaka dulo ay ang kuwarto kung saan sa tapat nito kahapon ay naabutan kung may ka tawag si Mrs.Salvallejo.
Lalagpas na sana ako.Ngunit meron akong narinig.
Sa loob ng silid;
Oo si Carlito Baltazar nga...
Waitt...boses yun ni mrs.Salvallejo
Bat sila nag uusap tungkol kay Tatang Caloy ang totoong pangalan ni Tatang ay Carlito Baltazar.Positibo siya nga ang tunay na mirasol.nakapagtataka lang kung bakit baltazar ang kaniyang apilyedo...
Nagugulohan na ako ano bang pinagsasabi nila
Akmang ilalapit ko na ang aking kaliwang tenga sa pintuan.Nang makarinig ako ng papalakas na yapak na parang papalapit ng papalapit dalidali akong nag tago sa may sulok.
Narinig ko pa ang pagbukas ng pintuan.at nag salita muli si Mrs.Salvallejo
Wait lang parang may nakikinig sa labas...narinig kong sabi ni mrs.Salvallejo
Biglang bumilis ang pag tibok ng puso ko ng maramdaman ang mga papalapit na yapak.
Makakaabot na dapat siya sa pinagtataguan ko ngunit.may nag sasalita.
Babe...The Breakfast is ready.narinig ko ang boses ng isang lalaki.
Ok babe I'll be right back..sagot ni mrs.Salvallejo
Naramdaman ko pa ang pagtingin niya sa deriksyon ko ngunit sa pinagtataguan ko lang siya nakatingin dahil nakatago ako sa isang pader.
Narinig ko ang mga papalayong mga yapak at ang pagsira ng pintuan.
Agad akong nakahinga ng maluwag.
Muntik nayon.....
Naglakad na ako papunta sa pinakadulo ng barko. Ng tuluyan na akong nakalabas gaya ng kahapon isang masarap na hampas ng hangin ang yumakap sa aking katawan pero hindi na ako naka bestida.
Isang jacket at jeans at white shose ang sout ko.
Gaya ng kahapon nakarinig na naman ako ng mga yapak na papalapit sa akin ng lumingon ako akala ko ay si Mrs.Salvallejo ngunit nagkamali ako ang binatang nakausap ko kahapon ang siya papalapit saakin.