Chapter 30

1 0 0
                                    

Dahil sa walang tigil na pag iyak ko hindi ko na napansin na nakatulog na pala ako.

Bigla akong naalimpungatan dahil may narinig akong tumikhim.

Ang sakit sakit ng ulo ko ngayon at ang basa basa parin ng mukha ko.

Mom?panimula ko.

Yes baby were here.wika ni mommy.

Matagal na din akong hindi nakakabalik dito sa Europe pero bat hindi ko man lang naramdaman ang excitement ng sarili ko.

Naalala ko na naman si Nick.

Ano kayang ginagawa niya ngayon?alam kong malungkot siya.

Pagkababa namin sa eroplano agad kaming sinundo ng mga gwardiya.

Kahit saang lupalop ng bansa may mga guardiya talaga kami dahil maraming nagtatangka sa buhay namin kapalit ang isang malaking halaga ng pera.

Agad akong inalalayan ng guwardiya na makapasok sa kotse.

Nang makapasok na kami sa kotse agad naman itong pinaandar ng driver at nagsimula na ang biyahe.

Tulala lang ako sa buong biyahe. Pinipigilan ko ang mga pagluha ko dahil pagod na pagod na akong umiyak.

Ayaw kung mapasok sa isipan ko si Nick pero kusa itong sumusulpot sa aking isipan.

Malayo pa ang mansyon namin kaya naisipan ni Mommy na mag hotel na muna kami.

Pagkababa namin ng kotse agad kaming inalalayan ng receptionist patungo sa aming silid.

Pagkapasok namin agad naming nasilayan ang mga magagarbong mga furnitures,chandeliers,at iba pa kunti ang mga tumutuloy sa  hotel na to kasi kunti lang naman ang nakaka afford.

Habang kami ay naglalakad may mga costumers na katulad lang namin ang nadadaanan namin at sa hitsura pa lang nito mga milyonarya din sila.

Pagkapasok ko sa aking silid agad akong namangha sa ganda nito.

Sobrang ganda kahit saang angolo.

Dumeretso ako sa banyo at naligo sobrang lamig ng tubig na may nakalutang na mga rose petals may mga pa candles candles din sa paligid.

Pagkatapos kung maligo sinuot ko na ang aking bathrobe at humiga sa kama.

Isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ko bago inaalala ang isinulat kong liham para kay Nick.

Dear Nick,

Una sa lahat nais kong humingi ng tawad sa iyo dahil ako ang unang bibitaw sa mga pangako na ating binuo. Patawarin mo ako masakit kasi para saakin na isipin na ikay ikakasal sa iba. Kung hindi rin naman saakin ang tuloy mo mas mabuti pang akoy lumayo. Tandaan mo mahal na mahal kita Nick kaya ko ginawa to dahil mahal kita at ayaw kung biguin mo ang mga pangarap ng mga magulang mo  dahil lang sa isang babaeng katulad ko. Kahit kailan, kahit saan hindi kita makakalimutan. Ikay nakaukit na sa puso ko at kahit kailan hindi ito mawawala. Ipangako mo sa sarili mo na tutuparin mo lahat ng pangarap mo para saakin. Mahal na mahal kita kahit na akoy nasa malayo iniisip parin kita bawat segundo. Paalam na mahal ko.

Nagmamahal;
Mirasol ♡

Matapos kong isipin ang sulat na iyon hindi ko na napansin na akoy nakatulog na.

----

Pagkagising ko agad akong nagpunta sa banyo at nagbihis.

Pagkatapos kung magbihis dumeretso na ako sa labas.

Umupo ako sa isang napakalambot na upuan at hinihintay ang pagbaba nila mommy.

MIRASOL[completed]Where stories live. Discover now