Chapter Two

6 0 0
                                    

Beautiful

Pagdating ko sa bahay ay dumiretso ako sa pinakahuling puno. Iniwan ko si Altus sa baba at nagsimulang umakyat. Pagdating sa taas ay binuhay ko ang ilaw na pinakabit ko rin.

Sumandal ako sa sanga at tahimik na tinanaw ang hacienda. Nagsimula ulit akong umiyak. My parents and I are not close. Pero masakit pa rin sa akin pag nakikita nila ang mali ko. Kinakampihan nila ang ibang tao at ako ang sisisihan nila, kahit wala naman talaga akong ginagawa.

Si Lazarus naman talaga ang may kasalanan. Dahil sa demonyong yun ay palagi akong napapagalitan.

"May araw ka din sa akin Lazarus" galit na bulong ko.

Maaga akong nagising kinabukasan. Pababa pa lang ako ay rinig ko na ang boses ni Maddie sa baba.

"Good morning Rhian" masayang saad niya at hinalikan ako sa pisngi.

"Morning"

Papikit-pikit akong naglakad papunta sa dining area. Pabagsak akong naupo at tulalang puma-ngalumbaba sa lamesa.

"Wag ka ngang naka-pangalumbaba dyan. Masama iyan, hija" suway ng katulong namin.

Ngumiwi ako at umayos ng upo. Inaantok kong tinignan ang mga nilalapag nilang pagkain.

"Napuyat ka ba, Rhian?" Maddie asked.

Tinaas ko ang isang kamay at sumenyas ng kunti. Hindi na siya sumagot at nangingiting tinignan na lang ang mga pagkain.

Hindi ko na hinintay pa na bumaba sila Mama at Papa. Syempre ay maaga silang nagising para pumunta sa trabaho. Buti nga at nandito ang kaibigan ko. May kasama akong kumain sa isang malawak na lamesang ito.

"Sa Nelastian ka rin ba mag-aaral?" tanong niya habang ngumunguya.

Tumango naman ako at muling sumubo. Napangiti siya at pumalakpak.

"Doon din ako! Nasabi ko na kay Papa at pumayag naman sila!" she said, very happy.

Napangiti ako at biglang nakaramdam ng excitement sa paparating na high school life namin.

"Nakakatakot kasi pag wala kang kilala sa unang araw ng pasukan" saad ko.

She pouted and nodded.

"Nga pala. May plano ba kayo na mag-bakasyon ngayong summer? Alam mo na. Pumunta sa ibang lugar o bansa. Si Papa kasi, dito lang daw kami sa Salterian buong summer" malungkot na pagkwe-kwento niya.

Nagkibit balikat ako at pinanood ang muling pagkuha niya ng pagkain.

"Abala sila Mama at Papa sa trabaho. Kaya siguro. Dito lang din kami sa Salterian" walang ganang sagot ko.

After we ate, I immediately went to my room and do my morning routines. I wore my high waisted shorts and white sando. I cover it up by a yellow polo sleeves.

Pagbaba ko ay nasa labas na si Maddie at tahimik na tinatanaw ang hacienda namin.

"Tara" saad ko habang inaayos ang buhok.

Tumango siya at ngumiti.

Muli kong kinuha si Altus sa kulungan. Nilingon ko si Maddie na nakangiwi dahil sa ginawa kong pagsampa.

"Sakay na" pag-aya ko.

Lumapit siya sa likod ko. Akmang sasampa na, pero biglang umatras. I laughed.

"Common, Maddie" natatawang saad ko.

Nang makita kong hindi niya talaga kaya ay inutusan ko ang tauhan namin na kumuha ng maliit na upuan.

Devil Knight (Lafuerte Series #2)Where stories live. Discover now