Chapter Four

8 0 0
                                    

Enemy

Halos buong gabi akong umiyak. Hindi ito ang unang beses na ginawa sa akin ni Papa 'to. Pero ginagawa niya lang naman iyon 'pag sobra talaga ang galit niya.

Hindi ko kinain ang dinalang pagkain ni Mama. Mas lalo lang akong umiiyak habang ginagamot niya ang sugat ko dahil sa sakit.

Kaya naman kinabukasan ay hindi na ako nagtaka na mugtong mugto ang mata ko. Parang may kung anong kumagat na insekto.

Ginawa pa talaga akong pangit ng demonyong 'yun!

Matamlay at iika-ika akong naglakad papuntang kusina. Tulad ng dati ay mag-isa ulit ako sa malawak na lamesa. Kasama ang mga katulong namin na parang estatwa dahil nakatayo lang sa gilid.

Kaunti lang ang nakain ko. Dahil sa tuwing naalala ko ang galit ni Papa sa akin ay para na akong maiiyak. Kahit kasi ganun siya kalupit sa akin. Ayaw na ayaw ko na ma-dismaya ko siya. Ayaw kong maging masamang anak sa harap niya.

Pero dahil sa Lazarus na 'yun! Palagi akong nagmumukhang masama. Siya nga 'tong demonyo kahit mukhang anghel.

Lumabas ako at kinuha si Altus. Sinubukan kong sumampa pero hindi ko talaga kaya. Napapadyak na lamang ako sa inis pero agad napadaing sa sakit. I released a heavy sigh because of frustration. Wala akong nagawa kundi itali si Altus sa tabing puno at maupo sa tabi niya.

Hinaplos haplos ko ang ulo niya habang nakatingin sa kawalan.

"Good morning, beautiful" napalingon ako kay Lazarus.

Anger immediately eat my system. Agad akong tumayo at akma siyang itutulak pero dahil sa sakit ay hindi ko nagawa.

Padabog akong naupo at itinuro siya.

"Get out of my sight!" galit na saad ko.

Nagulat ako ng lumuhod siya at akmang hahawakan ang tuhod ko na may benda pero nilayo ko 'yun.

"Anong nangyari dito?" he asked.

Ngumisi ako at iniwas ang tingin sa kaniya.

"What happened? Pinaluhod lang naman ako sa bilao na may monggo. And you know why? It's because of you. It's because of you devil!" I shouted, very angry.

I want him to feel the hatred and anger that I feel for him. I want him to know that we're not friends! Gusto ko na maramadaman niya kung gaano ko siya kadis-gusto.

"W-what? Why? Why is it because of me?" he asked curiously. I looked at him.

"Kasi nalaman nila ang ginawa kong pagtulak sayo kahapon. Sana nga hindi na lang kita hinawakan. Para nalaglag ka na" I said with so much hatred.

Napapikit pikit siya. Hahawakan niya sana ang kamay ko pero iniwas ko 'yun.

"Can you please get out? Baka sakaling matuwa pa ako sayo" sarkastikong saad ko.

But he just bowed his head. Like he wants me to see how much guilty he was.

"I'm sorry, beautiful. If I hurt you" he said.

Napatitig ako sa kaniya na nanatiling nakayuko. Nang nag-angat siya ng tingin ay nakita ko ang pagsisisi sa abo niyang mata.

"Not forgiven, devil. So please. Just please, get out" nakapikit na saad ko.

Naramdaman ko ang pagtayo niya. Paalis na sana siya nang marinig namin ang boses ni Thea.

"Lazarus. Bakit lumalapit ka na naman kay Rhian? Alam mo naman na inis na inis 'yan sayo" saad niya at tumingin sa akin.

My eyebrows raised. Pakialamera din pala ang babaeng 'to?!

"Excuse me!" masungit na saad ko.

Napailing iling siya sa akin at napatingin sa sugat ko.

Devil Knight (Lafuerte Series #2)Where stories live. Discover now