Devil but knight
Kinabukasan ay muli kong nilibot ang hacienda. Hindi na ganun ka-abala ang mga tauhan namin dahil kunti na lang din ang dapat pitasin.
Tinali ko si Altus sa malaking puno. Balak ko sanang umakyat at magliwaliw sa papag nang biglang may tumulak sa akin. Dahilan para mapasigaw ako at ang mga empleyado namin.
Napalingon ako sa bumagsak na basket na naglalaman ng maraming mangga. Nagkalat ang mga iyon sa lupa.
"You okay, beautiful?" gulat akong napalingon kay Lazarus na nasa ibabaw ko.
Agad kong naamoy ang mabango niyang hininga at pabango. Tinulak ko siya at padabog na tumayo. Pinagpagan ko ang damit at masamang tumingin sa kaniya.
"Pasensya na, Rhian. Naputol kasi ang tali kaya bumagsak ang basket" I heard Mang Tiburcio explained.
"Okay lang po" saad ko at bumuntong hininga.
"You? What are you doing here again? Ang aga aga naman ng pakikipagplastikan mo" I said to him, very annoyed.
Nagsalubong ang makapal niyang kilay at lumapit sa akin.
"I saved you, beautiful. Care to say thank you?" he said and gave me his boyish smile.
Humalukipkip ako at hinakbang ang isang paa.
"At bakit naman? Hiningi ko ba ang tulong mo?" bwelta ko sa kaniya.
Nakita ko ang pagtabi ni Manang Belin sa akin. Naramdaman kong hinawakan niya ang likod ko at nagsalita.
"Magpasalamat ka sa ginawa ni Lazarus sayo, Rhian. Dahil kung hindi ay baka natamaan ka na ng mga mangga" malumanay na saad niya at maamong ngumiti.
Tinanggal ko ang pagkakahalukipkip at pinaamo ang mukha.
"Okay. I hate you!" I shouted to him and climb up to the tree.
Thank you, huh? Tama na ang ginawa kong pagtulong sa kaniya kahapon.
Nang marating ko ang papag ay sinilip ko siya sa baba. Kunot ang noo. Prenteng nakapamulsa habang nakatingala sa akin. Nilipad ang medyo kulot niyang buhok dahilan para mas makita ko ang mukha niya.
I rolled my eyes. I stucked my tongue out and placed my hands behind my ears. Ginalaw galaw ko iyon para mas lalo siyang asarin. Tinigil ko ang ginagawa at tinawanan siya na ngayon ay nanliliit na ang mga mata sa akin.
Umayos na ako ng upo at pinabayaan na siya sa baba. Kahit kailan ay hindi ako mag-papasalamat sa demonyong yun.
Nahiga ako at ginawang unan ang braso. Pinagmasdan ko lang ang mga sumasayaw na mga dahon dahil sa hangin.
Pero nagulat ako nang biglang sumingit ang mukha ni Lazarus. Dahil sa gulat ay hindi ko sinasadyang maitulak siya.
Nanlaki ang mata ko habang nakatingin sa kaniya na ngayon ay todo ang kapit sa sanga habang nakalambitin ang buong katawan."Oh my god!" I shouted.
"Dois ko! Lazarus!" rinig kong sigaw ni Manang Belin.
Agad nagkagulo ang mga tauhan namin sa baba. Napahilamos ako sa mukha at hindi alam ang dapat gawin. Sinubukan ko siyang abutin.
"Common, Lazarus! Ibigay mo sa akin ang isang kamay mo!" pakiusap ko sa kaniya.
Hirap na hirap niyang ibinigay ang isang kamay. Mahigpit ko iyong hinawakan. Hinila ko ang buong katawan niya pero masyado siyang mabigat.
Nakita ko na nagsimulang umakyat si Mang Tiburcio para matulungan ako.
"Hold on, Lazarus!" sigaw ko sa kaniya na nakatitig sa akin.
YOU ARE READING
Devil Knight (Lafuerte Series #2)
RomanceHe's a devil for me. But for everyone. He's an angel. A handsome angel. I hate him very much. Pinapamukha niya sa akin na siya ang mas magaling sa lahat ng bagay. But one day. I fall inlove to a devil. And everytime I'm with him. I feel like I'm in...