Failed
"Ano 'yun Rhian?" tanong ni Maddie
Pumasok kami sa cafeteria at naupo sa bandang gilid. I giggled and remembered his reaction.
"Wala lang" naaliw na saad ko at tinanaw ang mga tinda sa canteen.
"What? I can't understand you. Kayo ba ni Lazarus?" she asked again.
Agad akong lumingon sa kaniya at tinaas ang dalawang kamay. Sumenyas na hindi.
"No way! Alam mo naman na demonyo siya para sa akin, diba?" I said and rolled me eyes.
Hindi ko nga maisip na mag-kasintahan kami. Magkaaway pwede pa.
"He's a devil for you. But you're acting like a jealous girlfriend earlier" saad niya at puma-ngalumbaba.
"Gusto ko lang silang mapahiya. Nakakaasar kasi. Kanina pa sila nag-lalampungan sa likod. Hindi ako makapag-concentrate sa discussion" inis na dahilan ko.
She stared at me for a while. Pero tumango rin sa huli.
Pagkabalik namin sa room ay mag-isa na lang si Lazarus sa likod. Wala doon si Ysa. Naupo ako at napangisi. Buti naman.
When our teacher came. She announced that we will have a group reporting this coming Monday. At kung minamalas ka nga naman. Ka-grupo ko pa si Lazarus at Ysa.
"Saang bahay?" tanong ni Sean.
"Sa amin na lang. Siguro bago mag-tanghali kayo pumunta" magiliw na saad ni Ysa.
Agad naman pumayag ang iba. Wala akong nagawa at pumayag na lang din.
"Sige. Basta bukas lahat pupunta" bilin ko.
Ngumiti ako sa guard nang mabuksan nila ang gate. Mabagal kong pinatakbo si Altus habang inaayos ang bagpack ko sa likod. Ngayong araw ang pagpunta ko sa bahay nila Ysa.
Napako ang tingin ko kay Lazarus na nakatayo sa labas ng gate nila. Parang may hinihintay. Agad siyang napatayo nang makita ako.
"Good morning" he greeted.
Tinaasan ko lamang siya ng kilay at hindi pinansin. Patuloy lang ako sa mabagal na pagpapatakbo habang nakasunod siya sa akin.
"Pwede bang sumabay?" tanong niya.
I looked at him and immediately shaked my head.
"No. May sasakyan naman kayo, diba? Bakit hindi ka don sumakay?" masungit na tanong ko.
Bumuntong hininga siya at napahawak sa batok. Hinimas niya 'yun.
"Uhm. Kasi. Wala yung driver namin dyan. At hindi ko rin kasi alam ang bahay nila Ysa" he explained.
My eyebrows raised. Really? He didn't know? Nanliligaw nga siya, paanong hindi niya alam?
"Kung manliligaw ka. Dapat sa bahay" saad ko at iniwas ang tingin.
Saglit siyang napatigil sa paglalakad pero agad ding humabol. Napailing-iling na lamang ako dahil siguradong natamaan siya.
"Kung ganun. Sa bahay niyo ako manliligaw?"
Muntik na akong mahulog dahil sa sinabi niya. Nanlalaki ang mata akong tumingin dahil sa gulat.
"W-what!? pasigaw na tanong ko.
Binatawan ko ang tali ni Altus at winagayway ang kamay.
"Hindi ganun. Ang ibig kong sabihin. Kung manliligaw ka kay Ysa dapat sa bahay nila. Tignan mo, hindi mo alam kung saan siya nakatira" inis na saad ko.
YOU ARE READING
Devil Knight (Lafuerte Series #2)
RomanceHe's a devil for me. But for everyone. He's an angel. A handsome angel. I hate him very much. Pinapamukha niya sa akin na siya ang mas magaling sa lahat ng bagay. But one day. I fall inlove to a devil. And everytime I'm with him. I feel like I'm in...