Chapter Five

5 0 0
                                    

Sign

Maaga akong nagising kinabukasan kaya hindi na ako nagtaka na naabutan ko sila Mama at Papa na kumakain. Pero nagulat ako dahil nandon din si Lazarus.

"Good morning anak. Kain ka na" pag-aya ni Mama.

I smiled a bit and sat beside Lazarus. Patago ko siyang siniko habang nilalagyan ng pagkain ang pinggan ko.

"What are you doing here?" I whispered.

Napatingin ako kay Papa na nakatingin pala sa amin. Umayos ako ng upo at sinumulan ng kumain. Nang makaalis sila Mama at Papa ay tinignan ko siya at tinaasan ng kilay.

"Your parents invited me to eat breakfast. Nakita kasi nila akong nasa harap ng bahay niyo" he explained.

Nanliit ang mata ko at napalabi. At bakit ba kasi nasa harap siya ng bahay?

"Bakit ba kasi nagpunta ka na agad dito? Ang aga aga pa kaya" saad ko.

"Gusto kasi kitang yayain na magsimba. Kasama ko sila Mama at Papa. Gusto mong sumama?" he asked and smiled.

I just stared at him. Wala namang masama dahil magsisimba lang naman kami. At wala rin naman akong gagawin at makakausap dito bukod kay Altus na hindi naman sumasagot.

"Sige. Sasama ako"

Tahimik akong nakaupo habang hawak ang kamay. Nakatitig lang ako sa labas at tinitignan ang mga nagsasayawan na puno.

Napaigtad ako nang biglang may sumandal sa balikat ko. Napatingin ako kay Lazarus na nakatulog na pala.

"Sorry Rhian. Maaga kasi yang nagising para imbitahan kang magsimba" saad ni Ma'am Cassandra, Mama ni Lazarus.

Nahihiya akong ngumiti at tumingin sa maumbok nilang tyan. Magkakaroon pala ng kapatid itong demonyong 'to. Sana hindi maging katulad niya. Mas lalo akong napangiti sa naisip at inayos ang pagkakasandal ng ulo niya.

Nang makarating kami sa simbahan ay naupo kami sa bandang harap. Tahimik akong tumabi kay Lazarus.

"Nauuhaw ka ba?" tanong niya.

Napalingon ako sa kaniya at tinaas ang dalawang kilay.

"Hindi naman" saad ko at muling humarap sa altar.

I saw him staring at me on my peripheral vision. Nagpanggap ako na hindi 'yun alam hanggang sa umiwas na rin siya ng tingin.

Nagsimula na ang misa at tahimik lang akong nakinig sa sinasabi ng pari. Nang dumating na kailangan naming maghawak hawak ng kamay ay naramdaman ko agad ang kamay niya.

I didn't mind it until he interwined our fingers. Nagtataka ko iyong tinitigan. Lumingon ako sa kaniya na nakatingin lang sa altar. Hanggang sa natagpuan ko ang sarili na mas hinigpitan ang pagkahawak.

Pagkatapos ng misa ay dumiretso kami sa isang resto. Tahimik lamang ako habang pinapanood kung paano maglambingan ang mag-asawa. Nang maihain ang pagkain ay nagulat ako dahil pinagsilbihan ako ni Lazarus.

"Do you want this one?" tanong niya habang tinuturo ang isang ulam.

Wala sa sarili akong tumango. Is he that caring and kind? Katulad ng maamo niyang mukha?

"You two are so close" nangingiting saad ni Ma'am Cassandra.

Nahihiya akong ngumiti at kumain na lang. Paano ko ba sasabihin na demonyo ang tingin ko sa anak nila? I don't want to be that rude so I stayed silent.

"Pasensya na, ha. Ngayon ko lang kasi nakita ang anak ko na magkaroon ng kaibigan na babae" saad ni Ma'am Cassandra.

"Palagi po kasi siyang pumupunta sa hacienda namin. Kaya ayun naging mag...kaibigan po kami" tinago ko ang pagsusungit sa boses.

Devil Knight (Lafuerte Series #2)Where stories live. Discover now