SB19 as your kuyas

302 17 0
                                    

Y/N POV
(Your Name, POV mo yieeee)

"Y/N gising naaa!" Rinig kong bulong ni kuya jah.

Pero yoko pa. >___<

Inaantok pakoo!

Di ko nalang sya pinansin.

"Y/N..."

"Gising naaaa."

"Y/N"

"Babyyyy namin gising na please." Sabi niya sa pinaka cute niyang boses.

Napasmile naman ako.

"EEEHH GISING NA PALA SYA!" Pagmamaktol ni kuya Jah.

"Kuya jah, 5 more minutes please." Pilit ko sa kanya.

"Baby naman eh. 7 na oh! Ako pagagalitan nina kuya nito eh." Sabi niya sakin. Natawa naman ako don.

Bumangon na ako mula saking kama.

"Maghihilamos na po muna ako tapos pupunta nako sa hapag kainan." Sabi ko kay kuya Jah.

Tinitigan naman nya ako ng masama. Natawa ulit ako.

"Promise kuya! Hahahaha parang baliw naman eh." Pilit ko sa kanya para lumabas na siya, di kasi siya naniniwala eh akala siguro babalik ako sa pagtulog.

"Palachikong!!! Nagising mo na ba si Y/N?!!! Pabili muna ako ng asin sa labaas!" Timing naman si kuya Stell ay tinatawag na si kuya Jah.

Kaya ayon lumabas na si kuya Jah at ako naman ay nanghilamos na dito sa cr ko.

Pagkatapos kong manghilamos pumasok ako sa isang kwarto na kung saan ay mas malaki kesa sa kwarto ko dahil dito natutulog sina kuya Jah, kuya Ken at kuya Josh.

Nakita ko si kuya Josh na naglalaro sa computer nya at si kuya Ken naman ay nanonood ng anime sa laptop.

Lumapit ako kay kuya Josh at tinakpan ang kanyang mata kaya ayon nadistract sya at natalo.

"ABA'T SINO BATONG----" Galit sana niyang sabi kaso pagkakita niya na ako pala yun eh nag-iba yung mood nya.

"Hehehe ikaw pala Y/N. Good morning baby!" Sabi niya sakin.

Nagkunwari akong galit sa kanya at lumapit kay kuya Ken.

"Kuya Ken oh! Sinigawan ako ni kuya Josh." Pumunta ako sa harap ni kuya Ken para marinig nya ako dahil naka headphones pala sya habang nanonood ng anime.

Pinause ni kuya Ken pinanood nyang anime at tumayo sabay binatukan si kuya Josh.

"ARAY NAMAN KEN! Panganay ako ha ba't ka nangbabatok dyan." Napasigaw si kuya Josh kaya pumasok ng kwarto si kuya Sejun para awatin silang dalawa kahit naman di masyadong seryoso tong away nato dahil alam kong nagbabangayan lang sila.

"Oh ano nanaman bato Josh?" -kuya Sejun

"Luh. Mag kuya ka rin sakin no." Mataray na sagot ni kuya Josh.

"Sinigawan nya si Y/N." Tipid na sabi ni kuya Ken.

Kaya ayon binatukan rin ni kuya Sejun si kuya Josh at umalis na ng kwarto.

Sumabay na rin ako sa kanya dahil pinapatay pa nila kuya yung computer at laptop.

"Kuyaaa Steeeeeelll anong break faaast ngayon?" Malambing kong tanong sa kanya sabay backhug habang nagluluto pa siya.

"Nako Y/N talaga, baka mapaso ka. *sabay pitik saking noo*" Nag-aalala niyang sabi sakin dahil malapit palang masagi ng kamay ko yung pinaglulutuan niya.

SB19 One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon