Hide and Seek

133 9 0
                                    

Warning: For this oneshot, read at your own risk. :)))

Justin's POV

       "Pagbilang ko dalawampu   
             Nakatago na kayo
          Isa... Dalawa... Tatlo..."

"Justin?"

"Uy Jah?"

Nagising ako dahil sa malambing na boses ni Ken.

What a sight after that nightmare. Napanaginipan ko nanaman ulit yong nangyari.

Akala ko nga nanaginip ako kung hindi lang niya hinaplos ang mukha ko eh.

"Ken? Anong ginagawa mo dito sa bahay?" Tanong ko sa kanya. Nasa kwarto ko pa naman kami.

Ngumiti lang siya at kinurot ang mga pisngi ko.

"Sinusundo ka. Tara may pupuntahan tayo." Sabi niya at hinawakan ang kanang kamay ko.

"Saan? Alas otso palang ng umaga Ken!" Pagmamaktol ko.

"Bastaaaa~"

"Bihis muna ko." Pout kong sabi.

"Aish. Sige na nga, wag ng mag pout hahalikan kita dyan sige ka." Banta niya saakin kaya ngumiti lang naman ako.

Ano bang meron ngayon? Di naman namin monthsary or anniversary ni Ken ah.

Nga pala baka magtaka kayo, dalawang taon na simula ng maging kami ng isang Felip Jhon Suson.

But here's the catch, we are dating secretly dahil isa kaming Ppop idols, SB19 yung name ng grupo namin.

Ng matapos na akong magbihis ay lumabas na ako sa sala namin.

"San sina kuya? San mga tao dito sa bahay?" Nagtatakang tanong ko.

"Basta nga kasi daming tanong pa eh." Hinila na niya kamay ko at pumunta sa motor niya.

Binigay niya ang helmet ko at pinasuot ito saakin.

Teka ba't parang may nakalimutan ako?

Tsk bala na nga kasama ko naman si Ken eh.

Everything will be okay when I'm with Ken.

Umangkas na ako sa kanya at pinaharurot na niya ito.

"Ken dahan dahan lang naman baka mapano tayo." Sermon ko sa kanya.

"Kinalimutan mo na talaga ako Jah noh?" Teka di naman ito ang boses ni Ken ah lumingon ako sa sidemirror ng motor at nakita ang mukha ni Josh.

"J-josh?!" Gulat kong sabi.

"Anniversary ko ngayon love. Di mo ko bibisitahin?" Sabi niya at ngumiti ng nakakatakot.

"S-saan, san si Ken!?!!" Pagkasabi ko nun ay biglang nagswap ang mukha ni Josh at naging si Ken na ito.

"Gah bakit?" Nag-aalalang tanong ni Ken at lumingon ng onti saakin.

SB19 One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon