Gamer

227 11 0
                                    

Josh's POV

Naglalaro ako ngayon ng isang zombie game sa computer ko.

Nandito ang apat sa bahay naman.

Ewan ko baket. -__-

Alam naman nilang masikip dito eh pumunta parin mga mokong.

"Hala Josh hanggang ngayon meron parin yang wet tissue dyan?!" Natatawang sabi ni Jah at pumunta sa ref.

"Josh anong pwedeng lutuin dito?" Tanong ni Stell.

Si Ken nandun sa isang gilid na seselfie.

Si Pinuno tingin-tingin lang buong bahay namin.

Ako nag focus ako sa laro ko. Bahala na muna sila dyan. Si Stell lang pinansin ko dahil nagugutom narin ako.

"Stell luto ka lang kahit ano dyan." Sabi ko.

Natalo ako sa laro ko so ayon. Kinain ako ng mga zombies.

I pressed Enter three times para makapag-start ulit ng bagong game. Pero...

"Dre ba't may blade ako dito na parang pakpak ng manok?" Biglang sabi ni Ken.

"Gutom lang yan Ken. Nagluluto na nga ako dito oh." Sabi naman ni Stell.

"Anong hawak mo Jah?" Tanong ni Pinuno kay Justin.

"Ewan." Winagayway niya ito at biglang may lumabas na popcorn tapos parang na heal kami lahat.

"HUY TEKA ANO YUN ANG AMAZING!" Na-eenjoy na sabi Jah.

"Anong nasa likod niyo Stell? Sejun?" Tanong ko sa kanila.

"Busy ako guys. Masusunog to sige kayo." Sabi ni Stell. Akala ata nagpa-prank kami.

"Sa likod mo rin Josh." Sabi naman ni Ken saakin.

Napahawak ako sa likod ko at may nahawakan akong mataas na sword na may designs ng pork barbeque.

"What the? Ano 'to?" Sabi ko.

"Luto na guys! Di makahintay? Napapraning na kayong lahat." Sabi ni Stell at hinanda ang pagkain sa mesa. Di parin siya tumitingin saamin.

I can't blame him na di niya maramdaman yung parang spear sa likod niya. Dahil sobrang gaan lang ng mga swords ko.

Napansin ata ni Stell na sobrang tahimik namin kaya tumingin siya saamin at natawa.

"Grabe nag luto lang ako nakagawa agad kayo ng pang cosplay." Sabi niya at tumatawa parin.

Di kami umimik.

Imbis na magsalita lumapit si Sejun kay Stell at kukunin sana ang Spear niya para ipakita sa kanya pero bigla siyang napa-aray.

"Ha? Bakit bawal?" Tanong ni Sejun sa sarili niya.

"Sino kausap mo dyan Sejun? Ang creepy niyong lahat kumain na nga kayo." Sabi ni Stell.

"Guys i point niyo finger niyo sa harap niyo may biglang lalabas." Sabi ni Sejun.

Tinry naman namin lahat pati si Stell para daw kumain na kami.

"HOY ANO TO! Maygahd nahahawaan na ata ako sa kabaliwan niyo!" Sabi niya.

Ang lumabas kasi sa may upper left ay parang green na bar at sa baba nito ay may blue na bar.

"HP at MP ata to." Sabi ni Jah na mahilig ring maglaro.

Sa upper right naman pangalan.

At ang akin ay Barbeque Sosh.

SB19 One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon