Hiatus

207 14 0
                                    

Justin's POV

"We are very sorry to announce A'Tin, that we, SB19, will be on hiatus." Sabi ni Pinuno sa live namin ngayon sa facebook.

Pagkatapos niyang bitawan yung mga salitang yun ay marami kaming nababasa na comments.

"Bakit????"
"Hanggang kailan po??"
"Nakakalungkot naman po pero hihintayin namin kayo!"
"Naiiyak ako tekaaa"
"Guyssss wag ganyan tapos na April Fools eh!"
"Uy walang ganyanan! Huhuhu"

Napatahimik kami saglit.
Alam kong kaming lahat dito ay nagpipigil na 'di mapaiyak.

"Saglit lang kami mawawala A'Tin noh! Kayo talaga! Babalik naman kami para sainyo!" Masayang wika ni Stell. Alam kong pinagagaan nya lang ang mood.

Alam naming lahat na naiiyak narin siya. Si Stell paba?

"Wait for us A'Tin. SB19 will come back as soon as possible!" Sabi ni sir Robin.

"We love you so much guys!" Sabi ko sa kanila at buong pusong ngumiti.

"Sana pagbalik namin ay nandyan pa rin kayo!" Sabi ni Josh.

"Let's all stay strong A'Tin. Walang iwanan ha! Babalik talaga kami para sainyo. Pangako namin yan." Pati si Ken na minsan lang nagiging maingay eh maraming nasabi ngayon.

Nag sign naman si teacher sa harap namin na tapusin na daw ang live.

Ayaw pa sana namin kaso, wala kaming magagawa. May kailangan pa kaming ayusin.

May kailangan pa akong ayusin.

"Bye A'Tin! Again, we love you so much 'wag nyong kalimutan yan!" Sabi ni pinuno.

"THIS HAS BEEN..." -Pinuno

"SB19!" Sabay naming sabi lahat at pinatay na yung live.

Tumahimik ulit.
Ilang secondo na ang lumipas.

Di ko na napigil ang aking damdamin at naiyak na ako.

"Sorry po talaga." Paumanhin kong sabi sa kanila.

At ayon naiyak na kaming lahat.
Niyakap ako ng apat.

Josh - Stell - Ken - Ako - Sejun

Ganyan ang position namin sa upuan.

"Okay lang bunso ano kaba!" Sabi ni Josh sakin.

"Jah wag kana umiyak. Naiiyak kami eh." Sabi ni Ken kahit umiiyak na.

Si Sejun naman ay di alam anong gagawin, kung sino icocomfort niya ako ba or si Stell. Pero pati siya ay umiiyak. Kinomfort nya kaming dalawa ang isang kamay nya ay humahagod saaking likod at ang isa naman ay kay Stell. Nag group hug narin kasi kami kaya ayon madali lang nyang naabot si Stell.

Lumapit si Sir Robin saakin at pinunasan ang aking luha.
Pinunasan niya rin ang luha nilang apat.

"It's okay Justin. We are here for you." Sabi ni Sir Robin.

Napanatag naman ang loob ko dahil doon.

I have my family. I have ShowBt. I have SB19.

Thing is meron akong sakit sa puso and I need immediate heart surgery.

Naghihintay ako ng heart donor. For the meantime naman dapat magpahinga daw muna ako. Sabi ko sa kanila na they should continue our planned concerts and events pero pinacancel pa rin nila yung lahat.

"Ano kaba bunso. We can't go without you. SB19 is all five of us." Sabi ni Sejun saakin.

Kaya ayon...

SB19 One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon