Pina-practice namin ngayon kung saan kami papasok, lalabas, at rarampa. Meron din sa ibang designer ay by partner dahil terno ang damit so ipapractice namin kung paano at anong gagawin naming strategy ng partner ko.
Yes po, may partner po ako opo. Pinili kasi ako nung designer na 'yon. Pwede naman daw kasi mamili ang mga designer kung may gusto silang model. After all, nagbayad sila.
Nag-umpisa na kaming magpractice ng by partners. Nandito ako sa kaliwang part at sa kanan naman si Kyro. Pinagusapan naming sabay kami papasok at pupunta sa gitnang parte ng stage at tatalikod. Wala lang, kaartehan lang ganon. Para suspense sana kung anong hitsura at suot namin tho kita na yung likod. Parang engot HAHAHAHAHAHAHA.
Kyro Davis, my partner. Half-filipino half-american. 19 yrs old. Supah hawttt! yummy mga bes! tas ang cute ng lipssssssss. Ampogi paaaaaaaaa! Hiyang hiya nga ako kanina nung nagpapakilala kami sa isat-isa, para akong nakipag kamay sa artista. Napakabait ng lalaking to kaya nasanay narin ako sakanya at hindi na ako nahihiya.
So balik tayo ano, sobrang galing nya rumampa. Pero pag naguusap kami tinatawa-tawanan nya lang ako. Parang timang o may saltik na ewan. Pero pogi parin!!!
Nagawa na namin lahat at tapos na kami magrehearse. Iisipin mo na sobrang seryoso magpractice ang mga model ng WS pero kabaliktaran pala!
Yung mga girls minsan kala mo buntis kung maglakad sa stage. Yung iba naman nagbabaliw-baliwan. Yung iba naman pinaghuhubad yung heels tas nagtatatakbo sa stage. Dinodog show nila ang rehearsal pero wala sa mga hitsura. Noong napapanood ko kasi sila sa tv ay ang gagaling nila at parang talagang tinututukan nila ang mga rehearsal para maging perfect ang rampa.
Yung mga boys naman kala mo nabali yung buto. Feeling siguro nila zombie sila habang rumarampa. HAHAHAHABAHAHAHA. Wala ang kwela lang.
May oras pa naman kami before kami makeupan so nagtipon-tipon muna kaming lahat sa gitna. Nagpakilala silang lahat saakin at I swear, sobrang friendly nila. Hiyang hiya na ako dito at parang kakainin na ng lupa. Pero, hindi nila pinaramdam sa akin na bago ako. Parang matagal na kaming nagsasama base sa mga pinapakita nila sa akin. Mabuti at sila ang mga makakasama ko ngayong gabi. Sa mga palabas kasi ay nag aaway away pa sila kuno sa backstage. Buti walang ganoon dito.
Naglaro lang kami ng mga kung ano-anong naisip ng mga boys. Naikwento ko rin sakanila ang rason kung bakit ako nandito. Hindi naman nila ako jinudge at nag group hug pa kami.
"TIME TO PUT YOUR MAKE-UP GUYSS!!! HURRY UP!! DOUBLE TIME PLEASEEEE!!!"
Kumalas na kami sa yakap at nagtakbuhan na. Pumwesto na kami sa nakatalagang make-up artist namin at nagpaayos na.-
Nandito kaming lahat ngayon sa backstage. Ang mga nandito ay ang mga make-up artists para sa retouch, designers for wardrobes and syempre ang mga model.
Sa labas naman makikita mong super crowded. May mga silya sa magkabilaang gilid ng stage na rarampahan namin. Doon uupo ang mga VIP. Mga kilalang personalidad din ang mga VIP ng WS. Mayroong mga artista, businessman at mga involved sa politics.
At syempre mawawala ba ang mga magkakalat ng mga mangyayari ngayon? May mga paparazzi din at mga photographers. May mga nakakalat sa loob at labas at sobrang dami nila.
Sa pinakadulo naman ay yung mga kamag-anak ng model or designers na mga gustong manood. Meron ding mga adik lang talaga sa modelling so bumili sila ng ticket at para mawitness narin ang Designer's Week sa World Square.
Sayang lang at wala si Inay para mapanood ako. Pero okay lang, para naman sakanya tong ginagawa ko e. Kapit lang sya at makakaahon din kami. Sa susunod ay isasama ko na sya. Kung may susunod pa hahahaahhaha.
Nagkaroon muna ng short program sa labas. May short briefing din about sa World Square, sa mga designer na nagparticipate, at mga model. Pinakilala kaming lahat kanina.
May mga vlogger din pala sa labas na nagfifilm. Yung iba naman ay may access sa backstage kaya eto sila ngayon at nag-iinterview.Nagtatago nga ako pag nakikita kong lumalapit sila sa gawi ko. Wala lang hahahahahahahaha. Nahihiya ako at hindi ko naman talaga forte ang ganto. Baka ijudge pa ako ng karamihan, nakakatakot.
Nagulat ako nang may kumapit sa braso ko. "You look so gorg and sexy Niccs" bulong nya.
"Kyro,gusto mo sapak?" at ngumiti ako sakanya ng matamis. Ganto na kami kaclose ni Kyro to the point na nagsasakitan na kami. Sinamaan nya naman ako ng tingin. "What? nagtatanong lang naman ako". Nagpout naman sya at inirapan ako.
Vaaaaaaaaaklaaaaaanggggg twwwwooooooooo? inirapan akooooo? watdapaaaaaaaaaaaaak! HAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHA!! bakla pala sya di nya manlang sinabe! sayang ang hitsura, gwapo pa naman!. Hays.
Tumabi na ako sakanya at pumila na dahil naguumpisa nang rumampa. By partner kasi ang unang rarampa. Pero di ako pinapansin ni Kyro vakla,hays.
Kami na ang susunod kaya naman ay naghiwalay na kami ng landas. Diba nga kasi pipwesto kami sa magkabilaang stage? para kavougeeeee!
Yung ginawa kase ng iba e halimbawa sabay silang papasok sa kanan, sa kaliwa naman sila lalabas nang sabay din. Iba aminnnnnnnn.
Actually, sa modelling kase may format na sinusunod pag nasa stage na. Pare-pareho ang lahat ng gagawin. Pero ngayon ay binigyan kami ng freedom na gawin ang gusto namin. Pero dito lang sa designer na ito.
Eto na eto na, paalis na ng stage yung nauna samin. Wooooh, hingang malalim Nicca. AJA!
Nakafierce kaming umakyat ni Kyro sa stage. Halaka andaming nanonood. Naglakad na kami at nagpunta sa gitna at tumalikod.
May binulong sakin si Kyro vakla. "Be ready" sabe nya. Ha? hakdog. HAHAHAHAHHAHAA. Hindi ko nalang yon pinansin at humarap na kami.
Ginandahan ko talaga ang lakad at pati narin si Kyro. Buti nalang yung heels na pinasuot saming lahat ay 4inch lang. Sa pageant kasi ay pataasan, merong 5,6,7,8,9,10 inch. Legit asf.
Nagpose na kami ni Kyro pagkadating namin dito sa dulo ng stage. Saglitang pose lang ang ginawa namin dahil hindi ito pageant na kelangan mo iexpose yung sarili mo.
Nagulat ako nang hilain ako ni Kyro at ihapit sakanya. Kinuha nya ang isang legs ko at inilagay sa bewang nya at hinalikan ako.
Smack lang yon. Pagtapos ay binitawan na nya ako. Dinig ko pa ang palakpakan nila habang naglalakad na kami papuntang backstage.
Wait loading
Wait
Wait
Wait
Wait
HINALIKAN AKO NI KYROOOOO? OMOOOO HUHUHUHUHU YUNG FIRST KISS KOOOOOOOOO!!!!!!!!!! BAKLA LANG MAKAKAKUHA? HA? HA? HA? MAKATARUNGAN BA YON???? HA?????
Nakakahiya! pwede ba dito yon? baka pagalitan ako ni Mystica. Sabihin naglalandi lang ako dito. Hala jusko ka naman Kyro!!!! Unang salang ko dito sa modeling sisirain mo na agad reputasyon ko!!! I feel so attacked!! Huhuhu jk lang.
Bubugbugin ko talaga yung baklang yon. Makita lang talaga nya mamaya. Tatapusin ko lang tong show na to at sasapakin ko yon agad agad. Hindi pwede yung nangyari.
First kiss ko yon tapos sa bakla lang. Oo nga given na sweet yon kasi sa harap mismo ng maraming tao at media. Pero buti sana kung lalaki sya no. Huhuhu.
Pagbabayaran nya to,humanda talaga sya sakin. Kukunin ko sakanya kung anong kinuha nya sakin! Ha! Lintek lang ang walang ganti.
![](https://img.wattpad.com/cover/218529093-288-k809219.jpg)