Naghihintay ako ng taxi sa bench na inupuan ko kanina nung kararating ko palang dito. Magtataxi nalang ako ngayon dahil sobrang pagod ako. Hindi ko na kayang magcommute at makipagsiksikan sa mga pasahero.
Nakita ko si Kyro na papalabas ng building at may hawak na box? nagpalinga linga sya sa paligid at napunta ang tingin nya sakin. Parang nakahinga naman sya ng maluwag don at nilapitan ako.
"Hi" sabi nya. Tumayo ako at kiniss sya sa pisngi. Sabe ko diba babawiin ko kung anong kinuha nya sakin.
Nagulat naman sya at namula ang tenga. La? vaklang two. "Oh bakit nanaman Kyro?" mataray na sabi ko sakanya.
"Hinalik-halikan moko tas tatarayan moko?"
"Aba kinukuha ko lang sayo yung kinuha mo sakin kanina! first kiss ko kaya yon!"Namula naman sya lalo. Iniwas nya ang tingin saakin at ibinigay ang box na nakabalot. Regalo nya ba to sakin? peace offering?
"Oh tanggapin mo tong regalo namin. Sa bahay nyo na buksan yan. Sorry nga pala sa ginawa ko kanina, pero di ako nagsisising ginawa ko yon ha. Nga pala, may pinabibigay ang bigboss" sabi nya at may binigay na papel.
' Hi Nicca, nice performance. You did great. Come back here tomorrow at 10am. Goodnight.
Owner'
"AAAAAAAHHHHHHHHHH" nagtititili ako dito pagtapos kong basahin ang nakasulat. Omgggggg, eto naba yoooooonn?? tiningnan ko si Kyro at nakangiti lang ang vakla. Siguro alam nya na to? omggggggggg!
Natigil ang pagtili ko nang may magtext sakin. Pagtingin ko ay si Aling Martha, kinabahan ako bigla. Baka palayasin na kami. Binuksan ko ang message nya.
'Ncca,mraming mraming slmt at bu0 anq byad m. My pngbyad n aq sa osptal.'
Ano daw? buo na ang bayad ko? pero magbabayad palang sana ako! anong nangyare?
Nakarinig ako ng pagtikhim. "Uhm Nicca, hatid na kita sainyo at sobrang gabi na. I don't take no as an answer. Let's go". Wala na akong nagawa at nagpahila nalang kay Kyro. Pero saan galing ang buong bayad kay Aling Martha at sino ang may gawa non?
Tinuro ko ang daan sakanya pauwi. Sobrang tahimik ng byahe. Tugtog lang ang maririnig. Don't get me wrong guys, hindi ako naiilang kay Kyro. Walang ilangan samin. Ubos na kasi ang powers namin kung magkukulit pa kami ngayon.
Nakarating kaming bahay, safe naman. Sobrang late na kaya inaya ko si Kyro na dito nalang matulog. May isang maliit na kwarto kami dito sa bahay. Talagang hinanda namin kung sakaling may bisita kami.
Tsaka sobrang haba ng binyahe nya at kung babalik pa sya ay baka di nya na makayanan sa sobrang pagod. Baka madisgradya pa sya sa daan. Hindi naman na sya umangal at pumayag na.
Pumasok na kami sa loob at ginising ko si Inay. Pinakilala ko muna si Kyro dahil baka bukas magsisisigaw sya pag nakita nya si Kyro na natutulog dito sa bahay. Pumayag naman ang Inay at hinanda ang kwarto.
Nagkape muna kami saglit ni Kyro para mahimasmasan. Nagkwentuhan kami saglit at saka ang pagdating ni Inay at sinabeng okay na yung kwarto. Nagpunta na kami sa kanya kanya naming kwarto at natulog. Wala nang nagabala pang mag goodnight.
Kinabukasan ay nagising nanaman ako sa ingay ng paligid. Nagpunta nanaman ba si Aling Martha? ay baka hindi totoo yung buong bayad kuno kagabi.
Bumangon na ako at nag ayos. Lumabas na ako ng silid at nagpunta sa kusina. Nakita ko naman si Inay na nagtitimpla ng tatlong kape? may bisita ba kami?
Tsaka ko naalala si Kyro. Ay oo nga pala dito sya natulog kagabi. Nawala sa isip ko ah. Ang nyaleng. Buti at hindi na nagtanong kagabi si Inay ng marami at tinanggap nalang agad si Kyro.
Tinulungan ko nalang si Inay na maghanda. Ako na ang nagbitbit ng mga kape sa sala.
Nakita ko naman si Kyro na nakikipag kulitan sa mga kapatid ko. Sanaol. Ahhh,sila pala yung maingay. Kala ko naman si Aling Martha na.
"Mag kape na kayo" sabe ko sakanila.
Nakisali ako sa kulitan nila. Puro kami tawanan dito dahil pati narin si Inay ay nakisali.
Nagtaka ako nang biglang natigilan si Kyro at nanlaki ang mga mata. "Shit,we have to go now!" la?
Tsaka ko lang naalala na babalik nga pala akong WS ngayon! ay teka bakit we? takang tiningnan ko sya.
"I'll come with you" ahhh okay, sasamahan nya pala ako. Maaga pa naman ah. Tiningnan ko ang oras namin na kasing tanda ko na sa dingding. Nagulantang ako sa nakita kong oras ngayon. 9:56? WATDAPAAAAAAK!!!
Dali dali akong tumayo at tumakbo at naligo. Mga 2mins na ligo okay na. Naghalughog ako ng mga damit at wala nakong makitang matino kundi ang mga dress nalang. Nasa labahan panga pala yung mga pantalon at shirt ko. No choice, eto na. Nag ayos lang ako konti ng mukha at lumabas na.
"Yes dad otw napo kami ni Nicca dyan. Sorry po nalate po kami ng gising. Sa sobrang pagod lang po siguro. Opo dad. We're fine dad. Yes dad magiingat po kami. Thankyou dad."
Naabutan kong may kausap si Kyro. Dad nya ata. Dad tawag e malamang dad nya, hays bobo ko talaga.
Sumakay na kami sa kotse nya at umalis na kami. Napansin kong iba na ang suot ni Kyro. Tinanong ko sya at sinabi nya naman na may extra talaga syang mga damit na nasa kotse nya lagi in case of emergency.
"Nicca, nabuksan mo naba yung regalo kagabi?" tanong ni Kyro. Oo nga pala yung regalo. Mamaya ko nalang bubuksan yon. Wala na kasi akong oras kanina at kagabi pagkauwi dahil nakatulog nako.
"Hindi pa, mamaya nalang siguro pagkauwi ko" sagot ko sakanya. Hindi naman na sya nagtanong pa at tumango nalang.
Tiningnan ko lang si Kyro. Napaka pogi nya talaga. Ang kapal ng kilay, ang haba ng mga pilikmata. Effortless yung pagkapula ng mga labi nya. Hays. Sana may doll na kamukha nya para naidisplay ko na sa kwarto. Wala pabang jowa to? Kawawa naman.
Since matagal tagal pa naman ang byahe ay umidlip muna ako. Bahala na muna si Kyro dyan.
