Chapter 2

56 22 4
                                        

Time check, 3:55 pm. Nasa bus na ako ngayon papuntang WS. Habang nasa byahe ay nag-isip ako

Mayroon akong kaonting nalalaman pagdating sa field na to. Sumasali ako sa mga pageant ng mga brgy brgy. At pag naipanalo ay dagdag pera pang gastos ng bahay dahil ang ibang pageant ay may perang premyo. Dahil din dito ay natuto akong magsuot ng mga sapatos na may takong.

Sa World Square ang punta ko. Ang World Square ay isang International Modelling Agency. Mayroon lahat ng bansa nito. At pag sinabe kong international, talaga nga namang bigatin din ang mga model! Hindi ko nga alam kung bakit lagi akong kinukuha at kinukulit ni Mystica na isa lang naman akong slapsoil.

Sa bawat bansa ay mayroong malalaking building ng World Square. As in, sobrang malalaki! Maraming mga function room ang building na to.  Wala akong gaanong nalalaman pero naikwento saakin ang mga yan ni Mystica.

Depende yung laki ng room sa kung gaano kalaki yung event at kung ilan ang dadalo at mga rarampa.

Naalala ko tuloy ang nangyari kanina bago ako umalis ng bahay.

Pagkarating ko ng bahay ay naabutan ko si Inay sa kusina na nagluluto.
"Inay" tawag ko sakanya. "huwag ka napong magalala don sa kay Aling Martha. Ako napo ang bahala don,gagawa po ako ng paraan".

"Ano ba yang pinagsasasabi mo anak? hihinto ka sa pag-aaral para lang makapag bayad ng utang? Wag nalang anak, mas mabuti pang maghirap ako sa paglalabada makapag bayad lang kay Martha kaysa naman sa huminto ka ng pag-aaral".

Humagalpak ako sa tawa. "Inay,may sinabi po ba akong hihinto ako sa pag-aaral? Ang sabi ko lang po ay ako na ang bahala kay Aling Martha" natatawang sabi ko sakanya.

"San ka naman kukuha ng ipangbabayad mo anak? magpopokpok ka naba? ay jusko kaawaan ka ng dyos" naluluha nyang sabi.

Muli nanaman akong natawa. Ano ba naman itong Inay ko. Mader, brain pleaseee! gusto ko sanang sabihin yan kaya lang may naisip ako.

"Opo Inay, yun nalang po kasi ang alam kong trabaho na mapapadali ang pera" at binigyan ko sya ng ngiting malungkot.

Nagpipigil ako ng tawa tawa sa hitsura ni Inay ngayon. Hindi na talaga maipinta ang mukha nya kaya ay wala nakong nagawa, humagalpak nako ng tawa. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!

"Biro lang Inay, eto naman HAHAHAHAHA. Tutulungan po ako ni Mystica. Pumayag napo kasi ako sa inaalok nya saakin. Nakausap ko narin po si Aling Martha".

Pagkatapos na pagkatapos kong magsalita ay bigla akong niyakap ni Inay. Awwww. Eto talaga ang pinakapaborito ko sa lahat. Ang yakap ni Inay.

"Salamat anak,hindi ko na alam ang gagawin ko pag wala ka. Baka hindi ko na kayanin. Ikaw na ang bahala anak at may tiwala ako sayo.Galingan mo anak doon ha.Maraming salamat ulit".

Matapos ang paguusap namin na iyon ay nagpaalam ako sakanyang pupunta akong World Square at doon uumpisahan ang paghahanap ng pera.

Nagayos ako ng mga dadalhin ko at pagkatapos ay nagpaalam na akong mauuna na.

-

Hindi ko na namalayan na nandito na pala ako dahil naka idlip ako saglit. Agad akong bumaba ng bus. Tumawid ako at umupo sa bench.

Tinawagan ko si Mystica at nagpasundo. Sabi nya kasi na kapag nakarating na ako ay tawagan ko daw s'ya at susunduin n'ya ako.

"Niccaaaaaa!" napabalikwas ako nang marinig ko ang matinis na tinig ni Mystica. Ngumiti lang ako sakanya ng matamis at bumeso. Namiss ko sya. Si Mystica ay lagi akong dinadalaw dati sa bahay noong medyo maluwag pa ang schedule nya at ililibre nya ako sa tuwing lalabas kami.

Pumasok na kami sa napakalaking building na ito. Nag-umpisa nang magpaliwanag si Mystica ng lahat ng bagay patungkol sa mga dapat gawin. Tango lang ang ibinibigay ko sakanya at naglumikot na ang aking mga mata.

Grabe, sobrang ganda dito. Halatang mamahalin ang mga gamit. Mula palang sa labas ay kitang-kita mo na ang kagandahan ng World Square.

Kabilaan ang elevator at sa pinakagitna ay ang napakalaki at napakagarbong hagdanan. Pwede na magshoot don ng mga grand staircase shot.

Grabe talagaaaaaaaa, ang gandaaaaaaaaaa. Puro kulay ginto at puti ang makikita mo. Parang mga hindi nadadapuan ng dumi sa sobrang linis. Ang laki pa ng chandelier sa lobby!

"NICCA NAKIKINIG KABA?!" "Ay lobby!! hala ano po ulit yon? hehe" natigil ako sa pagtingin sa paligid nang sumigaw na si Mystica. Pinaliwanag n'ya naman ulit sa akin ang mga hindi ko narinig kanina pati narin ang tungkol doon sa makukuha kong pera. Hehe pasensya na, talagang ang ganda lang ng lugar na ito at hindi ko mapigilan ang usisain.

Ang sabi nya, kada isang rampa daw ay katumbas ng isang designer at makakatanggap daw ako ng 10k. 50k naman kung model ka talaga ng agency.

Since hatak lang naman ako ay 10k ang akin. Napakalaki na para sa akin non dahil rampa lang naman ang gagawin ko, 10k na agad!

Sinabi naman ni Mystica saakin kung ilan ang designer na mapupunta sakin at kung ilan ang gagawin kong rampa. Akala ko isang rampa lang ang akin ay yon pala'y anim! naknang. 60k din iyon! sobra sobra talaga ang pasasalamat ko sakanya. Kung hindi dahil sakanya ay wala akong makukuhang pera ngayong araw.

Napagalaman ko din na Designer's Week pala kaya may event. Dito nagtitipon-tipon ang mga bigatin at mga amateur designers para ipakita ang mga bago nilang gawang damit. Sa oras kasi na lumabas na ang mga design nila ay boom! sikat na agad ito sa buong mundo. Plus the fact na bigatin din ang mga model dahil galing itong World Square. Syempre bukod saking saling kitkit lang.

-

Nandito kami ngayon sa rehearsal room dahil dito ako dinala ni Mystica. Matatagpuan ito sa 7th floor ng building. Sobrang laki ng space, pwede na mag laro ng basketball,volleyball etc. sa sobrang laki! may malaki ring mirror para nakikita mo yung rampa mo.

Kasama ko ngayon ang ibang mga model ng WS at omyghad lang ha, shet lang talagaaaaaa! nakakatomboy ang mga ganda nila bes! partida ha wala pang mga make-up yan! anuna teh! nagmumukha nga ako ditong chimay nila! nanliliit ako sa sarili ko huhu. Kalma Nicca, kapalan mo ang mukha mo dahil need mo to, magbabayad kapa ng utang mamaya.

Anyways, syempre hindi lang mga babae ang mga kabog dito,  mga boys? ano panga ba? makalaglag panty din bes! ang hahawt! pereng I need water ne teley, kese nemen eh!! eng eneeeeeeeet enebeeeeee! charot lang HAHAHAHAHAHAHA.


But seriously, ang popogi nilang lahat. May mga kulay ang buhok ng iba at sobrang ganda tingnan. Yung iba kasing boys na may kulay yung buhok nagmumukhang sisiw e. Sorry nagsasabi lang ako ng totoo.

Mukhang hindi ko yata kakayanin ang mga mukha nila, parang sila yung mukha ako naman yung paa. Pero hindi mga mukha nila ang ipinunta ko dito, fighting Nicca!!!

In The Stage (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon