Chapter 4

32 18 0
                                        

Nagdaan ang ilang oras at ito na ang final ramp namin. Last designer na rin kasi.

Isang dress ang suot ko ngayon na above the knee. Kulay black ito at nagmumukha akong maputi. Sobrang simple lang nya but it looks elegant. Backless ito at hapit sa katawan ko kaya kitang kita ang kurba ng kadiring body ko. Jk, may curve naman ako kaso straight lang. Curve parin yon diba? Jk lang ulit. Sabe ng mga kapitbahay namin ay napakaganda daw ng katawan ko at bakit hindi ko daw iniexpose at dapat ay nagsasasali ako sa mga ganto.

Niretouch kaming lahat dito. Ginawang messy ang aking pakeneng hair at dinark ng konti ang makeup ko. Grabe mukha nakong angel ngayon. Charot hahahahaha. Mukha akong bitch.

Pinalitan naman ang heels na suot namin at ginawang 6 inch. Red naman ang heels na to at bagay sa aking suot na damit at red lips.

Nagmumukha akong mayaman ngayon. Isang bitch o brat o kung ano pa. Pero kabaliktaran naman sa kung ano ang totoong ako.

Hays. Balang araw yayaman din kami. Pinapangako ko. Maaangat ko sa hirap yung pamilya ko. Pero di ko sila bubuhatin ha? mabibigat ang mga yon.

Nahuli kong nakatingin saakin si Kyro. Nginitian nya ako at saka ngumisi. 'You look hot' pagbasa ko sa labi nya. Ay nako nako! ang sarap patayin! Tinarayan ko lang sya at pumila na.

Nadagdagan ang pagkapogi ni Kyro sa suot nya ngayon. Red na tuxedo at ang panloob naman ay black. Messy rin ang hair nya kaya makalaglag panty nanaman ang hitsura nya.

Nilagyan naman ng eyeliner yung mga mata nya. Sa babang part naman yon. Nagmukha syang playboy sa hitsura nya ngayon. Napakapogiiiii arghhhhg.

Pero diba bakla sya kaya big NO NO. HAHAHAHAHAHA. Sayang sya talagaaa. Pero di ko parin iaatras ang plano kong kunin sakanya ang kinuha nya sakin kani-kanina lang.

Umuusod na ang pila namin dito. Girls na ang rumarampa dahil tapos na ang boys. Kitang kita ko kung paano lamunin ni Kyro ang stage.

Mayroon kasing malaking monitor dito sa backstage. Kitang kita talaga kung paano ang rampa ng mga models. Pamatay yung smirk ni Kyro grabe.

Isa nalang at ako na ang next. Pinanood ko naman kung paano gumalaw ang mga nauna. Ang gagaling nila. Hindi na ako magtataka kung bakit sikat sila. Hitsura palang nila plus ambabait pa.

Ayan na ako na. Umakyat na ako at naglakad. Iniingatan ko ang bawat hakbang ko dahil baka matapilok ako at magimbal ang buong mundo. Baka mabalita pa na may tatanga tangang model ang WS.

Ginanahan naman akong maglakad ng maayos at ngumiti ng matamis sakanila dahil nakita kong naglabas ang lahat ng kanilang mga gadgets at kinuhaan ako ng litrato.

Nakakataba ng puso. Ang iba naman ay nakangiti saakin at pumapalakpak. Isa pang dahilan kung bakit mas lalo kong ginandahan ang lakad ko dahil last na rampa ko na ito.

Hindi naman kasi ako official o permanent model ng WS. Sana kung papalarin ay kunin nila ako para magkapera na kami nang tuloy tuloy.

Nagpose na ako at sinigurado kong maganda ang ginawa ko bago ako bumaba ng stage.

Pagkababa ko ay sinalubong ako ng yakap ni vakla. "Ang galing galing mo talaga. Im so proud of you" sabi nya. Dahil natouch ako sa yakap nya ay niyakap ko nalang din sya pabalik. Isasantabi ko muna yung ginawa nya kanina nyahahahaha.

Nagliligpit na ang lahat ng mga kanya kanyang gamit. Tapos na ako kanina pa dahil wala naman akong ginalaw sa mga dala ko at ang ginawa ko nalang ay ang magbalik ng mga ginamit ko kanina sa mga designer.

Tinanggal ko narin ang makeup ko dahil baka magulat ang mga kapitbahay namin paguwi ko mamaya at mapagkamalan pakong pokpok.

Hinihintay ko nalang ngayon si Mystica para kunin ang pera para narin maibigay ko na kay Aling Martha at makauwi nako dahil late na late na talaga.

Hindi naman nagtagal ay natatanaw ko na sya sa pinto kaya ay tumayo na ako at lumapit sakanya.

"Sobrang galing mo Nicca,hindi talaga ako nagkamali sa pagkuha sayo. Nagustuhan kapa ng mga audience kanina sa labas. Pati narin ang owner nitong World Square ay nakita ang performance mo. Namangha sya sayo Nicca, so wag ka magexpect na eto na ang last mo dito dahil mukhang kukunin ka bilang official model. Osya eto na pala ang tf mo, dinagdagan yan ng owner ng 10k dahil nagustuhan ka nya. Una nako ha babush" at nakipagbeso na sya.

Grabe,hindi ko iniexpect ang mga sinabe niya. Seryoso ba? ako? kukunin nitong WS? weeee?

At ano daw? dinagdagan ng 10k? dali dali ko namang binilang ang loob ng sobre at oo nga, sobra ng 10k. Jusko salamat po Lord.

Tapos na magayos ang mga model at nakuha narin nila ang mga tf nila. Nagtataka naman ako dahil may pumapaikot na box at pinagpasa-pasahan nila ito.

May nakadikit na papel ang box na yon at pag nababasa ng mga model ay nangingiti sila at inilalagay nila ang sobre na natanggap nila.

Ano ba yon? paluwagan nila? o iniipon nilang lahat don ang mga nakukuha nila kada fashion show at kukunin nalang nila pag marami na ang naipon nila?

Ay hindi ako makakasali sakanila ngayon dyan dahil kelangan na kelangan ko ang pera na ito. Hindi ko nalang sila pinansin at naghintay ng go signal ng nasa labas na pwede na umuwi.

Marami pa kasing tao ngayon sa labas at mga media. Syempre kung ayaw mo matanong ng bongga magsstay ka dito hanggang wala na sila sa labas.

Oshit naiihi na ako. Wala naman sigurong paparazzi sa cr diba? oo tama wala. Iniwan ko muna ang mga gamit ko at lumabas. Hinanap ko ang cr at pumasok.

Tama nga ako, wala dito sa cr. Nakaihi na ako nang matiwasay at naghugas ng kamay. Pagkabukas ko ng pinto ay gulat na gulat ako dahil andaming nakatutok na camera sa akin at mga recorder.

"Good evening po Ms. Nicca, ano pong masasabi nyo ngayon na ikaw na ang Face of World Square?"

"Napakagaling mo kanina Ms. Nicca. Anong mensahe mo sa mga tagahanga mo ngayon?"

"Anong masasabe mo sa mga aspiring models ngayon na gustong sumunod sa yapak mo? At saang agency ka galing dahil bago ang mukha mo?"

Ilan lang yan sa mga tanong nila sakin ngayon. Ha? anong Face of World Square? ako? tsaka ano daw? mga tagahanga ko? wow, meron na agad?

Ngumiti ako sakanila. "Maraming maraming salamat po sainyong lahat. Next time nalang po yung ibang sagot ko pag nagkita kita po ulit tayo hehe" sagot ko. Nagpaalam na ako sakanila at aalis na ako. Yung iba naman ay nagpapicture muna kaya medyo natagalan ako.

I know, pantanga yung sagot ko pero ano bang magagawa ko? di ko alam isasagot ko. Tsaka anong isasagot ko sa sinasabe nilang Face of World Square? diba? e hindi ko nga alam yon? HAHAHAHA

Bumalik na ako at kinuha na ang mga gamit ko at lumabas na. Wala na daw kasi ang mga media. Sus,hindi siguro nila alam na sinugod ako sa cr kaya nawala sila sa labas. May sinasabe sabe pa silang ano

Ano

Ano

Ano nga ulit yon? Face of the wut? ay bahala na si batman duh bat ko poproblemahin yon. Hahahahahaha.

In The Stage (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon