Chapter 1

83 22 0
                                    

Nagising ako sa ingay ng paligid. Nagmulat ako ng mga mata at napagtanto ko na sa labas ng bahay nanggagaling ang ingay na iyon.

Hay nako,si Aling Martha nanaman. Sabagay,hindi ko rin naman s'ya masisisi dahil talagang napakalaki ng utang namin sakanya at hindi pa daw kami nakakapag bayad sabi ni Inay.

Lumabas ako sa aking mumunting kwarto pagtapos ko mag-ayos ng aking mukha at pinuntahan sila.

"Nako Ivy,sawang sawa nako sa mga dahilan mong paulit-ulit nalang! bukas kung wala pa kayong maibabayad sa akin ay wala na akong magagawa kundi sapilitan kayong palayasin!" hindi pa nakakasagot si Inay ay nagsalita ulit si Aling Martha "naiintindihan mo ba Ivy?" walang nagawa si Inay kundi ang tumango na lamang. Nanatili lang akong tahimik.

Pagkaalis ni Aling Martha ay s'ya ring paglabas ko ng bahay upang sundan sya. Mabait naman si Aling Martha, siguro nga talagang malaki na ang pagkakautang ng pamilya ko sakanya upang ganoon nalamang s'ya umakto kanina.

Sa tuwing tatanungin ko naman ang Inay kung magkano ang utang namin sakanya ay ngiti lang ang ibinibigay nya sa akin.

"Aling Martha!!" sigaw ko. Lumingon sya at huminto. "Nicca,kung wala kang magandang sasabihin ay mabuti pa na bumalik ka nalang sainyo at tulungan ang Inay mong maghanap ng ipangbabayad saakin" wika nya.

Ngumiti ako "Aling Martha,magkano po ba lahat lahat ng utang namin?" nagdadasal na sana kaya kong pagtrabahuan kung gaano man kalaki iyon.

"Sumatotal ay dalawang milyon na Nicca" sabi nya. Ay sus,dalawang milyon lang naman pa--"ANO PO? DALAWANG MILYON?AS IN TWO MILLION? 2 DALAWA? MILLION?????"

"Iha,kung hindi mo pa nalalaman ay isinanla ng Itay mo ang bahay nyo saakin. Dagdag mo pa ang pang gastos nyo sa pangaraw-araw na inuutang ng Inay mo at huli, ang pagpapalibing sa Itay mo" untag nya.

"Sige po Aling Martha, ako napo ang bahala sa utang namin. Pero sana po bigyan nyo papo kami ng kaunting palugit. Wala po kasing labada ngayon si Inay, walang wala po kaming pera ngayon".

Tiningnan nya lang ako at umalis na. Hays. Jusko po, sana pumayag sya at saan naman kami kukuha ng ganoong kalaking pera?Magbenta nalang kaya ako ng laman?

Walang trabaho si Inay. Minsan pag siniswerte ay may magpapalaba sakanya at makakakuha kami ng 300.

Si Itay naman ay mahilig magsabong. Nauubos ang pera ni Inay dahil kay Itay. Wala kaming ipon kaya kay Aling Martha kami umaasa. Hindi ko naman alam kung magkano ang kinukuha ni Inay sakanya kaya wala akong alam sa magkano lahat lahat ang utang namin.

Nahihiya narin si Inay na manghiram kay Aling Martha at hindi naman namin alam kung paano sya babayaran.

Hanggang sa namatay si Itay at walang ibang pagpipilian kundi ang manghiram ng pera kay Aling Martha dahil nga wala kaming ipon.

Maghahanap nalang siguro ako ng trabaho mamaya.

-

Uwian na namin sa pinapasukan kong pamantasan. Naitext ko narin si Aling Martha matapos ang kaninang paguusap namin na magbibigay ako sakanya ng paunang bayad ngayong araw at huhulog-hulugan ko ang iba sa mga darating pang susunod.

Sana ay hindi n'ya kami paalisin bukas. Yun nalang ang kaisa-isang ari-arian namin at nakasanla pa.

Habang naglalakad ako palabas ng pamantasan ay nagisip-isip ako. Saan naman kaya kami kukuha ni Inay ng pangbayad kay Aling Martha? paano na ang mga susunod pa naming gastusin? Apat kaming pinapaaral nya.

Scholar ako dito sa pamantasan na ito, kung sakaling hahanap ako ng pera ay hindi ko na iisipin ang gastos ko sa pagaaral dahil nga ay sa scholar ako. Pero kahit ganon ay kailangan ko parin paminsan minsan ng pera dahil baka may biglaang gastos o project kaming gagawin.

Ano bang pwede kong gawin ngayong araw na makakakuha agad ako ng pera? ayoko naman magbenta ng laman no di kaya ng sikmura ko lalo na sa mga mukhang bakukang, eww lang. Sayang ang beauty ko no.

Di naman sa sobrang ganda ko, pero masasabi kong may hitsura ako dahil sarili ko nalang ang nagmamahal saakin bukod kay Inay so bakit hindi ko pa pupuriin ang sarili ko. Kaya kung sakaling magbebenta ako ng laman, ay nako! Dapat mahal ang tf ko at mayaman na pogi at macho dapat ang costumer! Charizzzzz.

-

Nagpunta ako sa mga fastfood restaurants kaya lang sa kasamaang palad, hindi na daw sila hiring at kahit magtumbling pako sa harap nila ay alam kong hindi nila ako kukunin kahit entertainer man lang.

Arghhhhhhh,ano nang gagawin ko?

Kung maglabada nalang kaya ako?

Nagpatuloy ako sa paglalakad at pag-iisip kung san ako magtatrabaho nang biglang nagring ang cellphone ko. Teka nga teka may tumatawag! tarantang hinanap ko ang cellphone ko sa bag maski sa bulsa at anakngtokwa! wala!

At shet lang hindi ko gaanong marinig dahil mahina,pero alam kong ringtone ko yon kaya aking cellphone yon! pero bakit mahina?

Tumingin tingin ako sa paligid only to find out na nasa daan nalaglag ang maderpaker na cellphone ko. Tumakbo naman ako para kunin yon.

Sinagot ko yung tawag. "Niccaaaaaaaaa!!!!jusko kang bata ka antagal mo namang sagutin ang tawag ko!busy kaba?"

"Ha e Mystica sorry po,nag gala po kase yung cellphone ko. Hinanap ko pa, ano po bang sadya nyo at napatawag po kayo?"

Si Mystica, isang international talent scout. Yes po opo, bakla po sya opo. Yes din po opo, international po. INTERNATIONAL. Pero purong pilipino sya kaya nakakaproud dahil mayroon tayong kapwa pilipino na nakikipag sabayan at sapalaran sa ibang bansa.

"Nicca, sana pumayag kana sa pagkakataong to. Antagal na kitang pinipilit at talagang magtatampo na ako sayo pag hindi mo pa ako pinagbigyan" aniya sa naglulungkot lungkutan na boses.

Alam ko na to, pipilitin nya nanaman akong sumali sa modelling. Hindi naman sa ayoko pero kase mawawalan ako ng time para sa pagaaral at sa pamilya ko.

Wala naman akong powers para pagsabay-sabayin silang lahat. Lalo na kailangang maintain ang grades ko dahil nako, mawawalan ako ng scholarship.

"Kulang kase kami ng isang model Nicca, ayoko namang basta nalang manghila ng kung sinong tao sa labas at parampahin diba? ikaw lang ang naisip ko. Atsaka kailangan mo ng pera diba? Nabalitaan ko. Pagkakataon mo na 'to. Ipapaliwanag ko sayo lahat once na pumayag kana at nagpunta kana rito." mahaba nyang sinabi.

Bumuntong hininga ako. Kailangan ko ito, pera na to at di dapat gawing bato pa.
"Sige po Mystica, pumapayag napo ako. Saan po ba yan at anong oras po?"


Narinig ko ang pagsinghap at pagtititili tili nya. "Sa wakas Nicca! sa World Square gaganapin Nicca at kailangan ka dito ng 5pm sharp. Salamat Nicca! ibababa ko na to at ilalagay ko na ang pangalan mo doon".
At binaba nya na ang tawag.

"Wow Nicca, really? first time mo sa modelling tapos World Square agad?" Pagkausap ko sa sarili ko.

"Tama ba tong naging desisyon mo?"
Dagdag ko pa.

In The Stage (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon