Chapter 2

57 20 0
                                        


RIGHT SIDE MALL



Zoe's POV

" T-t-totoo ba yan?"-Airi

" R-really?"-Kera

Sabay nilang sagot ng maikwento ko sa kanila ang nangyari kanina. 


Aba naman, in-english lang ni Kera yung sinabi ni Andy.

Nagulat nalang ako ng dinaganan nila akong dalawa at nahiga na kaming tatlo sa kama ko.


" Hoy pre, alam kong kyut ako pero wag mo naman kaming iwan," sabi ni Airi ng napansin kong may luhang tumulo sa mata niya.


Amp, nagawa pang sabihin ah.


" Beyb naman, pangit ba kami? kaiwan-iwan ba kami? THEN WHYYY?!" biglang sigaw ni Kera.

" Potragis, ano yan, Bea Alonzo? Wag nga kayong OA. Hampasin ko kayo pareho eh." pambabara ko sa pang-eechos niya.

" Pero seryoso pre, di ka naman sasama diba?" tanong naman ni Airi.

" Malamang, kahit korni tong sasabihin ko, di ko kayo kayang iwan. Halos wala ngang araw na di tayo magkasamang tatlo." ewan ko ba ba't bigla akong naging emotional.


Bigla akong napa-isip, ano kaya mangyayari samin pag nagkahiwa-hiwalay na kami? May bago na kaya kaming friends or squad na mabubuo? Ano  ba tong pinag-iisip ko.


" Hoy Zoella Aprille Duchess Castro- Hernandez!" sigaw ni Kera sa tenga ko.

" Lecheeeee! Bat ba sumisigaw kaaa?! Full name ko pa talaga?!" balik kong sigaw sa kanya.


Ikaw ba naman may iniisip tas biglang masisira momentum mo, maganda yon? Inirapan ko nalang siya.


" Eh pano ba naman kase tulala ka dyan, ano ba iniisip mo?" sabat na naman ni Airi.

" Wala! Iniisip ko lang kung anong pwede nating gawin ngayon total bakasyon pa naman." Ang galing ko naman magsinungaling.

" Wag mo kami pinagloloko Aprille, bugbugin pa kita eh." pang-iintriga ni Airi. Iba din to pag galit eh.


 Kung si mama seryoso Zoella tawag sakin. Kung si papa galit Duchess tawag sakin. Pag eto naman naiinis o napipikon Aprille itatawag sakin.


" Tara gala nalang tayo mga dre," ani ni Kera sabay hila sa amin palabas ng kwarto.

" Saan naman?" tanong ko.

" Punta tayong mall daliiii!" suggest ni Airi.

" Ay bet, teka bihis lang ako." Paalam ko sa kanila at pumasok na papuntang walk-in-closet ko. Actually hindi master's bedroom ang kwarto ko pero pinalagyan narin ng walk-in-closet yung kwarto namin ni ate.


Hmmm, ano kaya susuotin ko dito? Kinuha ko yung oversized tshirt ko tsaka isang ripped short na kulay itim at sinuot.

'Tis the Day (ON-HOLD)Where stories live. Discover now