Chapter 3

43 19 4
                                    

This chapter is dedicated to my friend Kate and Venice who can't wait for this chapter. Salamat po sa support huhuhu.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Half island, half sea


Mave's POV

" Mommy, s-sigurado n-na po ba kayo sa g-gagawin niyo?" utal kong tanong kay mommy. Talo pa yung printer na loading sa boses kong na-uutal.


Aba eh sino bang hindi kakabahan sa gagawin nila?!Kahit gaga yung kapatid kong yun, mas mahal ko siya kesa sa medyas ko noh. 


" We are sure Mave, you don't have to worry," sabay tingin niya sakin," Besides, Yaya Henia will accompany her naman."


Aba aba abaa! Ang swerte naman ata ni Yaya Henia at nasabit siya. 

Pero kinakabahan talaga ako, hindi naman kasi isasama nila mom at dad si Zoe. Mauuna lang sila, tapos an hour after, susunod din sila ni Yaya Henia.


Pumasok ako sa kwarto ni baby girl, at kitang-kita ko ang mukha niyang napakaamo. Ang sarap mo naman picturan baby, sunkissed pa kahit natutulog lang.

Tumayo ako at hinawi yung kurtina para hindi na siya matamaan sa init.

I'm so guilty.

Hindi ko alam anong magiging reaction niya kung malaman niya ang plano ng mga magulang namin. At eto naman akong gaga niyang ate, hinayaan ko lang rin.


" I'm sorry baby sister," sabay haplos ko sa mukha niya. " Tutol ako sa plano nila mommy pero wala akong magawa para pigilan sila. Sana," naglabas ako ng isang mabigat na bugtong hininga," Sana may way pa para makabalik ka dito. I love you lil' sis."


Tumayo na ako para pumunta ng kusina pero naaninag ko ang Iphone nya. 


" Kung sakali mang may mangyari sa kanya, magsisisi siyang nasa kanya ito. Ibibigay ko nalang to sayo Zoe pagpunta ko dun," sabi ko sa kanya kahit alam kong hindi niya ako maririnig.


Hinablot ko nalang ito at dinala sa kwarto ko at dumiretso na sa kusina.


" Manang," tawag ko sa mayordama ng bahay namin.

" Oh Mave? Bakit?" sagot niya sa akin.

" Paayos nalang po ng mga damit na nadadalhin ni Zoe, may maleta naman ho siya sa walk-in-closet niya, kunin niyo nalang ho. Pero manang magtira papo kayo ng mga damit ni  Pati narin po pala si Yaya Henia, pakisabi nalang ho sa kanya na mag-empake narin. Naiproseso na naman po yung visa at passport niya kaya wala na siyang dapat alalahanin pa." Grabeng explanation yun Manang ha? Pag di mo pa nagets, sinasabi ko sayo ha, si Kuya Paul talaga gagawin kong mayordama tas ikaw gagawin kong driver, subukan mo lang.

" Oo sige, eh yung passport at visa naman ni Zoe? Asan ba?" okay nice question manang.

" Andito po sa akin, ibibigay ko nalang ho kay Yaya Henia pag-alis nila," sagot ko sa kanya.

'Tis the Day (ON-HOLD)Where stories live. Discover now