BYE
Vade's POV
Mag-iisang oras din ang byahe namin sakay ang speed boat. At sa buong byahe, wala akong makitang ibang tanawin kunng hindi ang asul na dagat at ang mga kasama kong naghaharutan.
Ang akin lang naman, bigyan niyo rin ako ng kasama hindi yung kayo lang aba. Papainom ko tong dagat sa inyo.
Pagkarating namin sa Male agad kami nagbook sa hotel na napili namin. Eto na naman tayo sa iisang suite kasama si Zacc.
Nang makarating na kami sa suite, tumalon agad si Zacc sa kama.
" Ahh," sabi niya na para bang nahulog siya sa isang napakalambot na bagay.
Ako naman ay napapunta ng balcony at umupo sa gilid.
" Aray punyeta!" napasigaw ako ng may bumato sakin ng panyo na nakaform na bola at napatingin sa gilid ko.
" Masakit?" pang aasar ni Zoe habang nakangisi.
Etong babae to, napaka demonyo.
" Tss, why the hell did you throw this?" tanong ko sa kanya.
" Wala lang, ikaw nakita ko eh, automatic ata," sagot niya habang tawang tawa.
Nakakatawa yon?
" By the way, magkatabi lang pala suite natin." Sabi ko sa kanya na nakapag-patahimik sa kanya.
" Ah o-oo," nahihiya niyang sagot. " Sige pasok nako." Paalam niya habang naka evil-smile.
Napabalik nalang ulit ako sa loob at tsaka umupo sa sofa.
" Bro," tawag sakin ni Zacc.
" Oh?"
" Lunch time na, tara na. Pinapatawag na tayong lahat ni Wiles," paliwanag niya habang nagpapalit ng tshirt.
Ok na naman ako, hindi naman gusot yung damit ko tsaka nako nauna lumabas. Pagkarating namin sa restaurant, naabutan ko silang nakaupo na sa pang walohan na table.
Umupo na ako tsaka ko namalayan na magkatabi pala si Shawn at Zoe na nasa harap ko.
Fuck this torture.
"Sino ba yung wala pa?" Tanong ko para mapansin ako.
"Zacc," sagot ni Eunisse.
"Ang tagal ko ba? Sorry," rinig kong salita ni Zacc sa likod ko na kakarating lang.
"Pa-importante ka eh gutom na ko," pang iintriga ni Wiles.
YOU ARE READING
'Tis the Day (ON-HOLD)
RomanceZoe Hernandez, a simple rich girl, lives her life peacefully. Not until her mom and dad decided to send her to US to continue studying there. But Zoe, a loving friend, can't leave her best friends. She was forced to go in US without her permission b...