NICE TO MEET YOU
Zoe's POV
Matapos ang lunch na yon, inaya ko silang maglibot-libot muna.
" So kelan tayo babalik ng Pinas?" sambit ni Kera na nakapag paisip rin sakin.
I can't just go there without thinking. Kung ano ang posibleng susunod na mangyayari. Ano nalang ang magiging reaction ni mommy at daddy? Ni ate?
Tch do they really care? If yes, they should've found me here. They're powerful enough naman para makapag conduct ng rescue team na makakapag hanap sakin or they can even hire an investigator.
" Lutang ka na naman," lumakas yung boses ni Airi dahilan para mabalik sa kanila ang atensyon ko.
" Oh, I'm just, uhh---nothing. May iniisip lang."sagot ko sa kanya. "By the way, paano niyo nga pala nalaman dito ang tinutuluyan ko?"ngayon palang pumasok sa isipan ko to. "Susunduin ko sana kayo sa airport diba?" Dagdag ko pa.
"Nitrack lang namin yung phone mo. And pagdating namin sa isla na to, may tinanong lang kaming tao na nakasalubong namin sa daan, and luckily, he knows." Sagot naman ni Airi na nalilibang na pala sa kakalakad namin sa mabuhanging parte ng dagat.
"He's cute Zoe, omg crush ko na ata siya!" Kinikilig na sambit ni Kera.
"Kalandian detected," sabi naman ni Airi na mukhang nabad trip.
"Gaga ang harot mo masyado. Ni hindi mo nga alam yung pangalan ng tao." Pangpuputol ko sa imahinasyon niya.
Matapos ang walang hanggang kwentuhan habang naglalakad, nakapag decide kami na bumalik sa cabin ko.
"Zoe," biglang sabi Airi sakin.
"Mmm?" sagot ko.
"We need to go back to our country put that in your mind. Baka naman kasi nalilibang kana dito at nakalimutan mo na ang mga naiwan mo," natigilan ako sa sinabi niya. Oo nga naman.
First, my family together with the accident. Second, my channel, yung vlog ko. Last, the upcoming enrollment sa university.
"Di ko naman nakakalimutan yon. Pero di ko alam anong irarason ko sa mga supporters ko."
"Madali na yon, kami bahala sayo, tutulungan ka naman namin," singit ni Kera.
Tok tok tok ( door knocks)
Sino kaya yan? Dali dali kong binuksan ang pinto at tsaka nito pinakita si Zacc.
YOU ARE READING
'Tis the Day (ON-HOLD)
RomanceZoe Hernandez, a simple rich girl, lives her life peacefully. Not until her mom and dad decided to send her to US to continue studying there. But Zoe, a loving friend, can't leave her best friends. She was forced to go in US without her permission b...